[ 44 ] Looking Back

Začít od začátku
                                    

"Sigurado ka ba na gusto mong pumasok pa sa bahay na 'yan? Isang taon na ang nakalipas, Stef. Hanggang ngayon, hindi mo pa rin siya nakakalimutan. Baka lalo mo lang siyang maalala kapag--"

Hinawakan ni Steffi ang mga kamay ni Jico.

"This will put my mind at ease. I promise you that after today, I'm going to give you my answer. Kailangan ko lang siguro ng proper closure dito."

Binitawan ni Steffi ang mga kamay ni Jico at nauna siyang pumasok sa loob. Si Jico naman ay nanatili lang sa labas para hayaan na makapag isip isip doon si Steffi.

Nagikot ikot siya sa buong bahay hanggang sa makarating sila sa kwarto nila ni ZAC doon. Umupo siya sa kama at napaisip. Hindi niya naman mapigilan na mapangiti kahit na nalulungkot siya.

'Ang saya saya pa namin noon ni ZAC dito. Walang iniintindi na iba. Akala ko pagkatapos ng operasyon ko noon, magiging maayos na ang lahat dahil nagbago na siya at nagustuhan na siya nina Mommy pero mali ako. Ako din kasi mismo ang sumira ng happy ending namin. Is this the end.. for both of us?'

Nasa bahay din na 'yon ang lahat ng alaala nila ng Daddy niya. 'Yon ang bahay nila noon na binenta dahil wala na silang pera pero binawi iyon ni ZAC at sa huli ay ginawa nitong bahay nila. Alam kasi ni ZAC kung gaano kahalaga kay Steffi ang bahay na 'yon. Hindi man niya tunay na ama iyon, malaki ang naging parte nito sa buhay niya. Kung tutuusin nga ay mas minahal niya pa ito kaysa sa tunay niyang mga magulang.

"It all started here. It should end here as well.."

Sa pag-iikot ni Steffi sa buong bahay na 'yon, naalala niya ang mga masasaya at malulungkot na alaala hindi lamang ng tatay niya kung hindi pati na din ni ZAC. Kung iisipin, mas lamang nga naman talaga ang masasayang bagay. Napapangiti na lang siya sa tuwing naaalala ang mga iyon. Dalawang mahalagang lalaki sa buhay niya na ang nawala at ayaw niya pa na may sumunod pa.

'May sumpa ba ako? Bakit sa tuwing nagmamahal ako ng todo, kinukuha nila sa 'kin? Una, si Daddy, sumunod ang anak ko at sana huli na si ZAC.'

Para sa kanya, siya ang may kasalanan ng lahat. Kung hindi na siya naghiganti pa, hindi niya na makikilala si ZAC. Hindi na rin sana siya nainvolved sa ibang tao kagaya nina Kim, Zavier, Kurt at Jico. Pero kung hindi dahil doon, hindi niya din makikilala ang tunay niyang mga magulang at wala din si Faye ngayon. Looking back, kahit na masama pa din ang experiences niya, may mga magaganda pa rin naman at maitatago niya ang lahat ng 'yon hanggang sa huli.

Kumuha ng papel si Steffi at gumawa siya ng sulat para kay Jico. Wala naman siyang ibang pwede na lapitan para sa mga sasabihin niya kung hindi si Jico lang. Sa totoo lang, bago siya umalis pa ng bahay na tinitirhan nila ay nakapagdesisyon na siya at may sagot na din siya para kay Jico. 'Yon nga lang ay mas pinili niya na sagutin ang tanong na iyon sa lugar na 'yon.

An Orphan's First Love 2: Dangerous Love (finished)Kde žijí příběhy. Začni objevovat