Chapter 58

27 4 2
                                    

Quietness

JEHROGUE

After ni Polaighne, ako yung sumunod, at hanggang ngayon nasa kritikal na sitwasyon si Jezelsone, pero syempre, bitter pa rin si Franchessa. Siguro, alam na rin ang lahat kung sino yung pipiliin ni Queen Nitalione na next heir diba?

No questions needed kasi may answer na.

Although nasa kritikal na sitwasyon kasi medyo malalim ang pagkasaksak ni Keissui sa kanya. May iba ding nasugatan at nasaktan pero di naman malalim. Sa labanan may mga benteng namatay but thankfully, wala sa Eightwoon at Eightwan. Yung iba injured, but we honor them all.

Sa pagsisikap nila at pakikipaglaban nila, we thank and appreciate them. Si Jezelsone lang talaga ang nasa kritikal na sitwayson. Isama na rin natin si Gavrielous at King Robertius, dinamay nung isang kalaban eh.

Tuloy, pasan pa.

Gusto ko nga magpaparty eh, victory party kaso ewan ko, si Jezelsone kasi eh. Malapit na nga, magtirik na ng kandila si Franchessa sa pagkabitter niya.

JEZELSONE

It was shiny.

Ang ilaw na ito ay nakakasilaw, ang sakit sa mata pero tumingin pa din ako. Nasaan ako? Patay na ba ako? Nakita ko naman bigla yung repleksiyon. Nakasuot ang korona, at may kapa sa likod. Hari na ba ako? Bakit hindi ko alam?

Ano na ba nangyayari?

"King Jezelsone of Eightwoon!" napatingin ako kung sinuman ang mga nagsalita, bigla naman akong napaluhod nang makita kung sino siya. Siya lang naman ang pinakaunang hari ng Eightwoon, at kasama niya rin ang mga sumunod na tagapagmana sa kanya!

"You are a good knight, soldier and a brother, there is no one like you" sabi niya, ang sarap at ang gaan sa pakiramdam marinig iyon. "Now, we are giving you your second chance of life" sabi naman nung isa, "To rule Eightwoon and maintain its glory" sabi pa nung isa.

"We know you will handle Eightwoon good and right, we believe in you, King Jezelsone. Long live, Eightwoon!" sigaw nilang lahat.

"LONG LIVE EIGHTWOON!"

napasigaw ako, and I realized na bumalik na ako sa reyalidad. "JEZELSONE!" sigaw nila dahil maayos na pala ako. Ah, ginagamot na pala ako, ang hapdi at sakit pa rin. Pero presko pa rin sa isip ko yung nagpakitang panaginip sa akin kanina. 

"Uy, wag ka na magtirik ng kandila, buhay siya, oy, buhay" narinig ko si Dominiqueu na sinabi kay Franchessa. Aray, ako? pagtitirikan niya ng kandila? Ang sakit naman sa damdamin, Franchessa.

FRANCHESSA

Tsk!

Nabuhay pa siya? Ano ba naman yan, hindi pa namatay ng tuluyan eh.

"Hoy, ang bitter mo!" sinigawan ako ng mga kaibigan ko, at syempre, walang makapipigil sa akin. Ayoko sa kanya, hindi ko siya gusto! "Franchessa" bigla akong sinampal ni Kairanelle at pinigilan naman siya ng iba.

Nagulat naman ako, bakit ba?! Ano bang problema niya?! 

"Pasalamat ka at mahal ka pa rin niya na kahit ganyan pa rin ang ugali mo! Pasalamat ka dahil natitiis ka niya! Bawat pagtataboy at pananakit niya sayo? Hindi ka pa ba nakokonsensya?" sigaw niya, "Wala kang pakialam, Kairanelle! Iiwan ka din naman ng lover mo!" sigaw ko pabalik.

"Iniwan ba ako? Diba hindi? Hindi ka matututo kung hindi mo subukan! Alam naming lahat na gusto mo si Jezelsone noon pero inayawan mo nang makita mo siya magswimming! Ano ba? Napakababaw mo!" sigaw niya, at aba, sinigaw niya yun?

Nakakahiya pero oo, yun yung rason ko. Ayaw ko sa kanya, hinding-hindi ako magkakagusto sa isang tulad niya. Never.

MERIANILLA

Ang saya.

Buhay silang lahat, although may kaunting namatay sa ibang provinces, we offered our great condolences and gifts of appreciation dun sa pamilyang namatayan. 

Syempre mas masaya ako kasi kasama ko muli si Ravaffel! Yes diba? Naging tahimik ang palasyo, hindi ko alam kung may aftershock pa ba ng pagkaexecute kay Keissui. No one dared na magkwento kung anong naramdaman nila. Wala nga yatang tumingin eh.

Even Queen Nitalione, lumisan agad siya after nun. Ganun kabilis, syempre ba naman, sarili mong anak diba? "Sasama ka na ba sa akin after nito?" tanong ni Ravaffel, "Actually, di ko pa alam" sagot ko, "Or ako magsakripisyo at manatili dito sa Eightwoon?" tanong niya, tumingin naman ako.

Sabi na eh, ayoko talaga ng mga ganitong topics. "Di ko alam" tumingin na lang ako sa kalawakan. Ano nga ba ang magiging buhay ko pagkatapos nito? Nang makapili na si Queen Nitalione ng totoong tagapagmana? Alam naman naming lahat na si Jezelsone yun eh.

Ano nga ba ang magiging buhay ko dito?

JEHROGUE

So afterall, nagpagawa talaga ako ng party, our own victory party syempre. 

Lahat ay masaya, kumakain at umiinom. Nagkekwentuhan ang iba at masayang-masaya, dahil ligtas na ang Eightwoon. We are finally free. 

At syempre, may oras na rin ako para kay Herraline. Nakamove on na yun kay Kent at ako din, kay Antoinette. I hope masaya na ang lahat.

"Three Cheers for Eightwoon!" sigaw ni Prince Nikolai, "Three cheers also for Eightwan!" at nagsigawan kaming lahat, finally free, ganito pala ang feeling nun.  Pero di ko alam ha, ang awkward ng palasyo, medyo tahimik at yung iba hindi nagpapansinan. Di ko alam kung sa isyu yun o hindi pero hindi ko talaga alam, bakit ko ba kailangang mangialam?

ANDERSSEN

Sumunod na week, nagpakita si Queen Nitalione sa amin dahil ako na yung sumunod na Hari. King Anderssen! Pero nagpatawag siya ng meeting, pwedeng kasama na rin ang Eightwan. Hindi ko naman alam kung anong meron pero nagpameeting siya.

"People" pagsisimula niya, kanina pa yung boses niya eh, medyo basag na hindi mo maintindihan kung naiiyak ba o hindi. "I want to say sorry, for all the secrets I hid from you, I shouldn't have done that" sabi niya, "But it's okay now, that is the only secret I hid" she smiled.

Ayuuuuunnn. So, the truth will set her free. "We forgive you, your Highness" lumapit si Gavrielous sa kanya, umiyak naman si Queen Nitalione and we were all there, supporting and comforting her.

Sabi sa inyo, sa hirap at ginhawa, ang Eightwoon ay laging magkasama. Hindi ko lang maimagine ang buhay ko ng wala sila sa tabi ko.

Pero heck, sino na ang totoong tagapagmana? Mukhang malaking handaan ang gagawin namin para sa kanya ah? Jezelsone na ba talaga? We know how he risked his life, he almost faced death! He is the rightful heir of the throne. Ramdam ko na.

---

EIGHTWOON KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon