Chapter 39

46 4 1
                                    

Desperate Kids

MONDRAGONE

Pebrero na. Araw na ng mga puso.

So hindi gabi?

Joke. 

Basta si Maximilia ang goal ko ngayon. Siya lang. Mapapatunayan ko na di siya karapat-dapat para kay Andreuw ngunit para sa akin. 

Kasama ko si Genevieve at Gavrielous ngayon dito sa gilid sa labas ng palasyo.

"Mondragone, really? Dito mo pa napagdesisyunan magmeeting eh ang init-init?" reklamo ni Genevieve, "Kung manahimik ka na lang kasi" sabi ko habang hinahanap yung papel kung saan nakasulat ang mga plano ko.

"Hindi kaya magalit si Andreuw sayo?" tanong ni Gav, "Kaibigan mo 'ko diba?" tanong ko kay Gav, "Oo pero.." dagdag niya pero linisikan ko na siya ng mata.

"Okay fine" sagot niya na lang. Walang posi-posiyon dito pag dating sa pag-ibig kaya wala akong takot sa mas higher ang position sa akin na pagsalitaan at sagut-sagutin ko.

"Yeah, actually Gavrielous is right, paano kung magkaroon ng gulo dito?" tanong ni Genevieve, "Kung ayaw niyo ako tulungan then ako na lang gagawa mag-isa" sagot ko.

"Drama nito oh" sagot ni Genevieve, "Bakit ba kasi kayo nagjujump na agad sa mga conclusions eh di ko pa nga nasasabi yung plano ko?" tanong ko.

"Ikalma mo, makikinig na kami, ingay mo kasi" nagsisihan naman yung dalawa.

Agh basta. Wala akong pake kung magalit at patayin ako ni Andreuw, ang importante, maipakita ko lang kay Maximilia na mahal ko siya.

MICAHERRA

"Umamin ka na!" 

"Go Micah!"

"Paghahandaan namin yung speech mo"

"Witness pa ako diyan, sige umamin ka na!"

Ano ba itong mga ito. Bakit ba nila ako pinipilit na umamin kay Khurussel. Nakakahiya kaya. Ano naman kung gusto ko siya?

Bakit ko kailangan umamin?

"Micaherra, kailangan mong umamin" kinumbinsi ako ni Patriesce, "Why the heck would I confess?" tanong ko, "Kasi aalis na sila sa last week ng March!" sagot ni Auvrianna at kumunot kilay ko.

"Ano konek?" sagot ko sa kanila.

"Kailangan niyang malaman na may nagkakagusto pala sa kanya!" ngiti ni Marionette sa akin. 

"Ano benefit nun sa kanya?" tanong ko pa, "Malay mo, gusto ka din nun" asar nila Pat. Tigilan niyo ko, ayokong kiligin ngayon.

"Uhm, excuse me" lumingon kami at HALA ASDFGHJKLQWERTYUIOP!

Si Khurussel!

"Is Micaherra here?" hala, bakit niya ako tinatanong. Tinulak naman ako ng mga kaibigan ko sa kanya at muntikan na talaga ako mahulog like what the heck.

Sinalo niya ako.

Di kaya siya nabigatan sa akin? Ano ba yan! Mabango ba ako nung time na yun?

"Yes?" tanong ko, kunwari di ko alam nangyari kanina, kasi naman!

"I do not know anyone here in this palace but you so..." pagsisimula niya, 

Nagcoconfess na ba siya? Ang aga naman. 

"Can I ask you something?" tanong niya, "Yeah, sure" ngiti ko.

Aamin na rin ba siya?! Oh my.

"What is this Valentines they're talking about?" ay fail. Magtatanong lang pala talaga. "It is celebrating the Heart's Day where every lovers and suitors celebrate with their loved ones" I smiled.

EIGHTWOON KINGDOMحيث تعيش القصص. اكتشف الآن