Chapter 28

32 5 2
                                    

Queen Harli?

JOUFFINES

Nagising ako nang wala yung ka-roommate ko.

Anong araw na ba ngayon?

"Good Morning dear Queen J" nagulat na lang ako na nakaupo si Queen Nitalione sa isang upuan malapit sa kama ko.

"My Queen!" napatayo ako pero nauntog ako. Ano ba yan, double deck.

"Calm down dear, I want to hold a proper deposition" sagot ng Queen.

Ngumiti ako, it's been a week since Queen J ruled the land and it's been a good week.

"Are you ready?" tanong ni Queen Nitalione, "I am ready to take off" sagot ko at naghanda na ang lahat.

Pinasuot nila ako ng gown. Nako, lalong maiinlove si Clar sa akin niyan. Joke.

May part din sa akin na umaayaw pero hey, it's okay, I'll be fine. 

Give others a chance and let the Queen choose. 

Naghanda na ako at pinatawag na ang lahat sa cathedral na malapit sa palasyo namin.

Sa music ng organ, sa pagtunog ng trumpeta at pagkanta ng choir, naramdaman ko yung kilabot. 

Kakayanin ko ba ito?

Queen Nitalione held a program at nung nasa bandang dulo na, 

"I hereby declare the deposition of Queen J, all thanks for the week of ruling our land" sabi ng Reyna, gosh, naiiyak ako.

Pero be strong Jouffines! You might be the Queen someday.

When I bowed, nakita ng peripheral vision ko si Clar na nakangiti sa akin. He's so proud to call me his lover. I'm also proud.

Natapos ang pagdedeposition at nagkainan nanaman kami, nandyan nanaman yung Ice Cream Pies nila Genevieve at Jouzhuel, "Ayan, pwede ka na namin makausap ng maayos" ngiti nila Polaighne. 

"Namiss ko kayo" sabi ko, "Ayan, tagalog ka na rin kung magsalita!" sabi pa ni Merianilla. "Sabihin niyo na lang kasi na namiss niyo na ako, pa-hug nga!" ngiti ko at nag-group hug kami.

"Congratulations Jouffines, you did well" sabi ni Antoinette, "Long live Queen J pa rin!" cheer ni Herraline. 

"Ako din" napalingon ako at nakita ko na yung nakakamiss na mukha na matagal ko nang namimiss.

"Di na dapat formal ha? Wala nang english" ngiti niya, wala akong masabi dahil sobrang namiss ko siya as in.

"Wala ka bang sasabihin?" tanong niya at napaluha ako sa tuwa at yinakap siya. Finally.

"Ayan, iniwan nanaman tayo" narinig ko sila Merianilla, mahal ko din sila. Pero namiss ko itong lokong ito eh.

"Ang hirap pala" sabi ko, breaking the hug. "Oo, totoo kaya buti na lang tinulungan ako ni Narcissus at Dominiqueu dun sa race para lang kausapin ka" ngiti niya, grabe, ang effort.

"Teka wait, sino na pala next Queen or King?" tanong ni Herraline, "Baka si Harlionne!" sabi ni Polaighne, "Bakit naman siya?" pagdidiskusyon nila, "Syempre! Sino ba kasama ni Jouffines sa dressing room? Hindi ba't si Harli?" tanong ni Polaighne.

She has a point. 

Well, let the Queen choose!

"Everybody! Back to the cathedral!" sigaw ng mga announcers. Hala agad? Coronation na agad?

"Teka, di ko pa tapos ice cream pie ko!" narinig ko yung mga taga-Eightwan's, "Mamaya na yan! Excited na ako kung sino next!" sabi nila. Hala, oo nga, sino kaya.

"By the way, ganda mo diyan" narinig kong bulong ni Clar, "Ako? Sus, kelan pa?" tanong ko, "Since una kitang nakilala" sagot niya, ayie, kinilig naman ako? Syempre oo. Sinong hihindi, kikitilan ko ng buhay. Joke.

Naupo kaming lahat sa cathedral at nang bumukas ang pintuan, OH MY GOSH. QUEEN HARLIONNE!

Nag-coronation na and for a week, siya na ang aming mahal na Reyna! Sana ituloy niya yung race! Excited na ako dun, sana manalo ang mga bebe Eightwoon namin!

HARLIONNE

After ng deposition ni Queen J ay kumain na kami, "Uy" lumingon ako at nakita si Gavrielous, pagod nanaman ito. Ewan ko ba, pinagod ni Jouffines nung namumuno pa siya.

Ang daming inutos sa kanya, di bale pag ako naging Reyna, di ko siya uutusan at araw-araw ay free day niya. Bait ko noh? Syempre mahal ko.

Kausapin ko na lang si Jouffines mamaya bakit niya pinahirapan si Gavrielous ng ganun.

"Kumain ka na? Kain na" ngiti ko sa kanya, "Kumain na ako, ikaw ba?" tanong niya, "Okay na ako" ngiti ko, kitang-kita talaga yung pagod sa kanya oh. Nakakaawa.

Paano ba naman, inutos-utusan siya sa palasyo. Gawin mo ito, gawin mo yan! Ikaw dito, ikaw doon! Kawawa naman. Kainis.

"Harlionne?" lumingon ako at nakita ang Reyna, "My Queen" sabi ko at napa-bow, "Can I talk to you for a while?" she asked at um-oo na lang ako.

Pumunta kami sa cathedral at nakita ko yung isang gown na nakasuot sa isang mannequin. Oh my gosh, alam ko na ito.

"Congratulations, Queen Harlionne" sagot ng Queen at naghanda nanaman kami.

Nang matapos akong magbihis, narinig ko na yung sigaw ng mga announcers na bumalik sa cathedral, ito na, REYNA NA AKO!

Nag-coronation na kami at nung sinabi ni Queen Nitalione talaga eh, "I hereby declare, the New Queen of Eightwoon Kingdom, Queen Harlionne!" oh my gosh. I'm in tears.

Nagsipalakpakan sila at ako naman ay tuwang-tuwa. Una, ang ganda ng gown, pangala, reyna na ako at pangatlo. I will rule the land for a week! This is good!

Happy life ako! Ang saya naman nito.

Natapos ang celebrasyon at agad ko nang pinatawag si Jouffines sa aking kwarto, I need an acceptable reason. Narinig ko naman na may kumatok sa pintuan, okay, start na ng english.

"Come in" I answered then Jouffines went inside, "Please be seated" I smiled at her, ooh, mukha siyang nerbyos, alam na.

"While you were reigning Queen, I saw that you made Gavrielous suffer from your commands to him" I said and she kept quiet. "Why?" I asked, "I'm sorry but I was just testing him to see if he can handle the responsibilities, he's the highest position next to the Queen so he should know about responsibility" sagot niya.

Ay.

"Well, I shall give him his rest day for a week" I answered, "Thank you, you may go" ngiti ko sa kanya, "Uhm wait, can I---" she answered but I cut her off.

"Speak when you are spoken to" sagot ko at natahimik siya, "What do you want?" I asked,

"About the race of Eightwoon and Eightwan, will you still continue it?" she asked, "Oh yes, of course" I smiled, "Is that all?" I added, "Yes that's all your Highness, thank you for your time" yumuko siya at umalis. Nabibitter ako kay Jouffines sa pagpapahirap niya Gav, bakit ganun. Pero anyways, that doesn't matter anymore.

Okay! New Queen? New rules.

---

EIGHTWOON KINGDOMWhere stories live. Discover now