Chapter 30

34 6 5
                                    

Visitland

DOMINIQUEU

2 days had passed, nasa disicpline room pa rin si Kairanelle at hinahanap-hanap na nila yung lover niya.

Naging seryoso at tahimik na rin ang palasyo, natatakot siguro kela Harlionne. Yeah, me too, I don't like her to be Queen. Nalaman ko na pinag-rest week niya si Gav and that is totally unfair.

Binigyan niya rin ng awtoridad sila Bernadette at Brillianna at lalo kaming natakot. Walang ganun.

Habang nagmamasid-masid, nakarinig na lang ako ng mga yapak ng kabayo at napatingin sa malayo. May anino, teka di ko maaninag.

"Chloride oy" tawag ko, "It's Clariode" pagcocorrect niya. "Tingin ka dun oh, may tao ba?" tanong ko at nakitingin naman siya.

"Ayan na yata yung Visitland eh!" sigaw niya at tumakbo pabalik ng palasyo. Ako naman, natunganga lang dito kasi di ko alam gagawin ko.

May pamilyar kasi na mukha.

"Excuse me Miss, is this the Eightwoon Kingdom?" tanong nung isang lalaki. Ay nakalapit na pala. "Yes this is" ngiti ko, para syempre, you know, very pleasant and inviting.

"May I ask, where is your Queen?" tanong niya at sakto dumating si Chloride na may dalang lalaki, "Let these men accompany your horses and I will show the way to our Queen" sabi ko at bumaba na sila sa mga kabayo nila.

Naglakad kami sa hall at nakita ko yung ibang mga tao nakatingin sa kanila, may gwapo ba guys? May maganda rin ba diyan guys? Tse, ako lang maganda rito.

Joke.

Kumatok muna ako sa pintuan ng Reyna at nagpapasok siya, "What do you want?" tanong niya nang makita ako, "The Visitland are here, my Queen" sagot ko at nanlaki mata niya, bahala na.

Kaya niya na yan. Pumasok yung mga taga-Visitland sa loob at ayun, mukhang may conference mamaya.

Bumaba ako sa may stables at narinig ko yung mga lalaking naghihigikgikan.

"What's the commotion here?" tanong ko, "You see that white girl?" tanong ni Gevoughne, tama ba pangalan nun? Di ko sure, "Ayan ka nanaman eh, akala ko ba kay Ariazelle ka lang?" tanong ni Narcissus, mukhang tama naman diba? Pangalan niya? Syempre, mahal ko eh.

"Aba brother, lagkit din kaya ng tingin mo dun" asar ni Chloride at syempre, nag-asaran na sila. "Don't you have anything to do? Go back to your posts!" utos ko sa kanila.

"I'm higher than you, Domi, I don't have the right to follow your orders" sabi ni Narcissus, oh my gosh, what did he called me? Domi? Oh my gosh.

"But isn't that the right thing to do?" tanong ko pa, "We don't have any mission right now" sagot niya, napairap na lang ako at pumasok sa loob ng mga stables at naglinis-linis.

Kainis naman yung Narcissus ko. Hay nako. Kung bakit ba kasi may Ivileene na siya.

ANDERSSEN

I saw the Visitland, well, visiting our land.

They announced that we will have a proper introduction, the Visitland and Eightwoon. The Eightwan can also join us if they want.

"Paano ba yan, babalik na ba yang si past?" narinig ko yung mga taga-Eightwan, "Wrong timing! Bakit ba ngayon pa sila bumalik?" mukhang may nangyari nga talaga. Sino ba yun? Si Anneliese?

Alam ko may something sila ni Azriel but I don't know, I really don't like topics about love. Eew.

I looked and observed as I usually do with my best mate, Jehrogue but he ain't here. He's busy courting Antoinette. I'm also glad that he got over with Polaighne.

Akala ko forever na siyang aasa eh.

But nothing last forever. Just numbers. I live by that.

Nakita ko na biglang lumabas yung mga taga-Visitland sa kwarto ng Reyna at nagkekwentuhan sila. I heard that they speak English and Filipino so I guess we can communicate well.

Tapos bigla na lang ako napatitig sa isang babae, hindi siya payat, hindi siya maputi at hindi siya kagandahan pero nakita siya ng mata ko.

Sa bawat ngiti at pagtawa niya parang nahulog na ang aking loob.

Di ko lang alam na nasa harapan ko na siya.

"I'm Anderssen, what's your name?" tanong ko bigla, papaano naman ako napunta sa kinalalagyan ko? HA? ANO NANGYARI?!

"So direct, Mister Anderssen, well I am Kezaiah, nice to meet you" ngiti niya at makikipagshake hands na sana kaso tinitigan ko lang yung kamay niya.

"Are you going to shake hands with me or not?" tanong niya na nakataas ang kilay. Ang ganda niya talaga. "I am" sagot ko at nakipagshake hands.

Humigpit yung hawak ko at di ko na talaga napigilan, "Can I court you?" tanong ko, "What?" nagulat siya, "No I mean, can I call you?" tanong ko, ano ba yan, nawalan ako ng lakas ng loob.

"Call me what?" tanong niya, "Maybe, kez?" sabi ko, ang korni naman!

"Anything you want" ngiti niya, "Perhaps, love?" tanong ko na medyo pabulong. "What?" nagulat uli siya, "No, nothing, it's Kez, I'll call you Kez" ngiti ko.

"Well, Mister Anderssen, see you later" ngiti niya.

"Yes, Kez" ngiti ko na lang din. ANG GANDA NIYA, nasaan na ba kasi si Jehrogue?

I need to tell him about Kez!

Dumating ang 7pm at di ko pa rin nakita si Jehrouge pero nag-proper introduction na silang lahat, kasama din pala nila yung Hari nila na si... What's his name again?

"Good evening, I am the King of Visitland, King Kieferone" sagot niya, ayun pala. Mukhang foreigner nga kasi singkit din tapos maputi. Parang ka-lahi niya yung mga foreigners dati na pinadala ni Genevoughn.

"Good evening everyone! I am the King's assitant, advisor and bishop, Josiah" sagot nung isang katabi ng Hari nila at biglang nag-react itong katabi ko, si Genevieve pala.

"Tahan na, kalimutan mo na yun" sagot ng kanyang katabi na si Jouzhuel, hala? Kilala ni Genevieve yung mga taga-Visitland? Papaano yun? Imposible!

Nagpakilala yung iba at itong susunod na babae, papakinggan ko bawa salita niya.

"Good evening~ I hold the money in our land, yours truly, Kezaiah!" at pumalakpak ako at tinitigan nila ako.

Finally, nakita ko na rin si Jehrouge kasama si Antoinette. Hay nako. Samahan mo naman ako dito, mag-isa nanaman ako.

Anyways, natapos na ang lahat at nagsikain na kaming lahat. Pero nakakahiya pa rin yung ginawa ko kanina.

"Hala ang gwapo niyaaa" narinig ko yung katapat kong si Jouffines na kausap si Merianilla na katabi niya at nakita ko rin yung masamang pagtitig ni Clariode sa kanya.

Partida ha, limang upuan kalayo si Clariode kay Jouffines tapos pabulong niya pa yun sinabi tapos narinig pa yun ni Clariode?

Tindi.

"Ano yun, Jouffines?" narinig ko si Clariode, fight, fight, fight.

"Ha?" nagulat din si Jouffines, lagot ka nyan. "Wala, kausapin kita mamaya ha?" sagot ni Clariode habang patuloy na kumakain, "Lagot kaaa" asar ni Merianilla sa kanya at napapout lang si Jouffines.

Nako nako nako.

---

EIGHTWOON KINGDOMWhere stories live. Discover now