Chapter 56

36 4 4
                                    

The Real War

ZEDERAUGHN

Next week, naging King Zed na ako, syempre ba naman. Gwapo ko eh.

Hindi pa rin bumabalik si Keissui kaya mabuti naman, at lalo na wag sa pamamahala ko, pero if she does, edi lalaban ako. Pero sa ngayon, pinapalago ko lang ang Army. Yan ang focus namin ngayon. Training everyday mga ganyanan ba. 

Syempre, kasama ang bawat isa sa pageensayo at training, importante eh. 

Wala tuloy akong oras para kay Rilleanne, pero sabi-sabi daw nila, mahal niya pa rin si Ravaffel? Napakakumplikado kasi ng kuwento. Hindi pa sila bati ni Ravaffel, linigawan naman ni Rava itong si Merianilla, eh yung mga oras na yun, gusto ako ni Merianilla eh pero nagsidatingan ang buong Eightwan, nakilala ako ni Rilleanne at ayun. End of story.

So bale, hindi pa ayos sila Ravaffel at Rilleanne, pero may nahanap na agad na napupusuan. Ibang klase, may pagkamalandi kasi itong si Ravaffel eh. 

"King Zed, the 1st states would like to talk to you" biglang sambit ni Gavrielous sa akin, "Okay" sagot ko naman at nagtipon-tipon kami sa kwarto ko. "What is it were talking about?" tanong ko. "About Keissui" sagot nila at tumango na lang ako.

"What will you do if she shows up?" tanong ni Polaighne sa akin, napaisip naman ako. Ano nga ba? Lalaban ba talaga ako? Kaya ko ba panindigan yung sinabi ko? "I'll fight" sagot ko, "In words or in real battle?" tanong nila, "In battle, I want this war to end, I don't want her showing up then leaving without a fight, we must not be cowards anymore, people, we must learn to fight, if we fall, so be it, we can rise up again" sagot ko.

"Agreed" nasabi na lang nila. Ayos, pero sana naman huwag. Sinabi ko lang yun para may masabi. Joke, pero kakayanin ko.

JEZELSONE

Sumunod na week, ako na yung namahal, King Jez, alright.

Tulad ng ginawa ng mga previous Kings and Queens, pinalago ko rin ang Army. Lalong dumami, and the Visitland sent their troops also. May ibang tao naman na kusang lumapit sa amin para tumulong sa pakikipaglaban. 

I'm so thankful for their lives.

Nagplano na rin a ng buong 30 heirs kasama na ang Eightwan kung anong gagawin if ever na magpakita si Keissui, this time, hindi na kami magsasalita, gagamitin na namin ang aming sandatahan. Lalaban na kami.

Although, nakakatulong yung ginawang pakikipagusap about personal lives nila Clariode at Narcissus but words aren't enough. Kulang pa kaya kailangan na talaga naming lumaban.

Medyo kabado kasi death or life situation ito, you can die in battle , live or die, yun lang yun. Sinabi na nga rin namin sa mga babaeng kasamahan namin na huwag na silang lumaban, hayaan na lang kaming mga lalaki ang dumepensa sa kaharian pero matigas ang ulo dahil;

"Ano pala kami dito? Statue? Madre? Hindi pupwedeng hindi kami lalaban kasi kaharian din namin ito! Mamatay o mabuhay, at least may nagawa kaming paraan para lang naman sa kaharian namin. Dito kami nakatira! Dito kami isinilang kaya may karapatan kami na lumaban! At huwag na  huwag niyong iisipin na maliliit o mahina lang kami, hindi kami ganoon, kung si Keissui nga diba? Why not us?" -Genevieve, a knight from Eightwoon

Halos ikamatay na namin nung sinabi niya yan, may halong sampal at hampas pa yan. Wala naman na kaming magawa kasi palaban talaga eh. 

RAVAFFEL

Ngayon ay kasama ko sila Merianilla, Polaighne at Jonashaun.

Kakatapos lang ng training namin at naisipan na magpahinga sa may garden. Naghanda ng afternoon tea si Merianilla para sa amin eh. "Lalaban ba kayo?" tanong ni Jonashaun. "Ako hindi, ako taga-overseer eh, yun na yung pinlano eh" sagot ni Polaighne, "Ikaw ba, Meri?" tanong ni Jonashaun.

"Oo, syempre, ano pa sense ng training kung hindi ka makikipaglaban diba?" tanong ni Meri, dito sumasakit yung puso at loob ko. Yung makikita ko siyang makikipaglaban, na dapat ako yung lumalaban, hindi siya. "Puwede bang huwag na lang?" inunahan ko na.

"Ano?" tanong ni Merianilla, "Ako na lang yung lumaban, please" sabi ko, "Hindi puwede Rava, kailangan kong lumaban, para sa Eightwoon, ayokong nasa palasyo lang ako na nagdadasal na magtagumpay tayo, gusto ko nandoon din ako sa labanan" sagot niya, arggh.

"Merianilla, hindi ko alam yung gagawin ko kung mawala ka" sabi ko, "Ako rin naman ah, pero ang mahalaga lumaban tayo sa kaharian" sagot niya. Tumango na lang ako at yumakap sa kanya, ang hirap. Napakahirap yung desisyon na ginawa niya. 

Mawawalan ako ng focus sa laban.

ROUXBIGAEL

After weeks of training at pagmumove on ko kay Jodeniel, ako na si Queen Roux.

Kakain na sana kami ng lunch pero pinatawag ko na muna ang buong Eightwoon, Eightwan at lahat ng troops na makikipagsabakan. Parang ramdam ko, itong araw na ito na. "People!" tawag ko sa kanila, nakinig naman ang lahat.

"I don't know but I can't trust my feelings, but I just think it's the day that we will fight, this is the day where we will have a chance of victory, I just want to say that may God bless us all" sabi ko at dahil kinabahan na rin ako, tinawag ko si Genevieve na ipagdasal ang lahat.

After that, kumain na kami ng lunch. 

*trumpets*

No way. Sabi na nga ba.

KEISSUI

Wooh, I came back people! And this time, I will fight, no more tears, no more hurts and no more words. I will not speak but I will fight.

But maybe I'll speak a little.

"Good Afternoon!" I called, I saw them went out of the palace, oh, Rouxbigael's the Queen this week, aye? Well, say goodbye to your little reigning. I will end Eightwoon.

"For all you know, Queen Nitalione is my mother, my adoptive mother" I admit that, hope they're happy. "She is now held captive, so if you don't fight, I will kill her" I threatened.

NARCISSUS

Pwede ko na ba siyang batuhin ng sandamakmak na tinik?

Hindi ako naniniwala na kaya niyang patayin ang nanay niya, kahit na ba adoptive parent lang si Queen Nitalione, alam kong hindi. Baliw ba siya?!

"ANG DAMI MONG SATSAT LUMABAN KA NA!" nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni Marionette, di ko alam kung matatawa ako pero tama siya, "ON YOUR POSTS, PEOPLE! FIGHT!" binigay ni ni Queen Roux ang signal at naghanda na ang lahat. Nagsipuntahan ang lahat sa kanya-kanyang posisyon.

May mga ilang babae rin ang natira sa palasyo upang ipagdasal kami.

This is Eightwoon, we will fight for what is right. 1, 2, 3...

"FOR EIGHTWOOONNNNNN!"

---


EIGHTWOON KINGDOMWhere stories live. Discover now