Chapter 13

47 6 11
                                    

Flashback

JOUFFINES

Ang sakit.

Sobrang sakit na makita ang pinakamamahal mong lalaki na may kasamang iba. Kahit na friends lang, ang sakit pa rin.

Kung di niya lang naman kasi ginawa yun, di ito mangyayari. Kaso nangako siya sa akin, nangako siyang di niya na uulitin. 

Naalala ko yung kwento ni Brillianna sa akin,

Flashback: (Morning)

Nasa garden ako, nagsusulat ng akda. Love story namin ni Clar, of course.

Tapos biglang dumating yung tatlong magkakaibigan na sila Bernadette, Brillianna at Harlionne. Nginitian nila ako pero si Brillianna umiiyak na ikinagulat ko.

"Ano nangyari?" tanong ko sa kanila, "Your lover made our friend cry again" sagot ni Bernadette, "Ano?!" napatayo naman ako sa kinauupuan ko.

"Nangako siya na hindi niya ulit mananakit ng babae!" sigaw ko pa, "What happened?!" gigil na tanong ko, 

"Ikwento mo nga Brill" sabi ni Harlionne,

"Hampas-lupa yang iniibig mo!"

Aray. Grabe, ano bang ginawa ni Clar?

"Pinapaabot ko lang naman yung tubig ko kasi bawal ako umalis sa post ko, eh bigla niya ako tinitigan ng masama at binuhos yung tubig sa mukha ko, ano bang masama sa pagaabot ng tubig, Jou?!"

GINAWA NIYA YUN?! Di ako makapaniwala, ginawa niya ba talaga yun?!

"Your face seems that you don't believe us, Jou, please open your eyes, you know that your lover is a harsh person, he can do that" sagot ni Harlionne, pero hindi pupwede!

"Jou, iwanan mo na siya, sa kakatanggol niya sayo, maraming nadadamay na inosenteng tao" sagot ni Bernadette, ang hirap naman kasi iwanan yung taong mahal mo eh.

"Nagbanta siya na lapitan ko uli kayo, ay papatayin niya na ako, kahit na magkasala pa siya sa Reyna, wala siyang puso, Jou!" sigaw ni Brillianna, "Baka saktan ka din niya dahil sa kasamaan niya" sagot ni Bernadette.

Di pa rin ako makapaniwala. Naramdaman ko na lang na tumulo ang luha sa mga mata ko. Agad kong linisan ang lugar na iyong at agad kong hinanap si Clariode. Titigilan ko na.

End of Flashback

Ang sakit. 

Pero tama na siguro ang desisyon ko upang wala nang taong masaktan at madamay dahil sa pagtanggol niya sa akin. 

Kahit na napakababaw ng mga dahilan ko ay buo na ang aking desisyon. Tinigilan ko na.

Siguro nga mas nakakabuti na ito upang magbago na siya.

Nagulat na lang ako nang may tumabi sa akin pero hindi ko siya nilingon. Kilala ko naman na kasi. "Tigilan mo na ako Clariode" sagot ko, 

"Anong Clariode ka diyan? Miss, my name is Kirkpatrick, not Clariode" sagot niya kaya nagulat ako at napalingon.

"Huh? Oh, sorry, I thought that you were--" pero natigilan ako sa sarili ko. Naiiyak nanaman ako. Akala ko siya, akala ko susuyuin niya ako pero hindi. Tama si Brillianna, wala siyang puso.

Nagulat naman yung Kirkpatrick na yun sa pag-iyak ko. Tinapik-tapik niya ako sa balikat, "Makakalimutan mo din siya, makakahanap ka ng iba na mas magpapasaya sayo at di ka sasaktan" sagot niya, napakagaan ng loob ko sa kanya.

Nagkwentuhan kami hangga't sa may binigay siyang pagkain sa akin na malamig, kulay puti at mukhang masarap. "Ano iyan?" tanong ko, "Ice cream, isa itong pagkain na magpapasaya at magpapagaan ng loob mo" ngiti niya at natawa naman ako sa pagiging makata niya. 

Tinanggap ko naman yung ice cream, paano ba ito kainin? Kinagat ko yun at biglang nanigas yung gilagid ko at natawa siya sa akin, "Dilaan mo kasi!" natatawa pa rin siya, ano ba yan. Napahiya ako.

Dinilaan ko naman at sarap na sarap ako pero bigla akong nakakita ng anino sa may puno, ugh nevermind, baka ilusyon ko lang yun. Ang mahalaga ay may ice cream ako na nakakapaggaan at saya ng loob ko. 

Nagpatuloy kaming magasaran at magkwentuhan at sobrang gumaan ang loob ko.

CLARIODE

WHAT.THE.HECK.

Kaya bang nakipaghiwalay siya sa akin ay dahil may iba na siya? Hindi yun ganun kadali, Jouffines.

Di ko na napigilan ng bigla yakapin nung lalaki si Jouffines. Walang hiya.

Bumaba ako sa pinagtataguan ko at tumakbo ako sa kanila at agad kong sinuntok yung lalaki na yun. Taga-Eightwan pala ito eh, hindi talaga maganda ang pagkadating nila dito. Malas!

"Clariode, ano ba?!" galit na sigaw ni Jouffines sa akin, "Wala siyang karapatan na yakapin ka!" sigaw ko,

"As for you, wala ka ring karapatan na saktan siya dahil hindi mo ako pag-aari!" sigaw niya at sinampal niya ako. 

"Kaya ba nakipaghiwalay ka sa akin ay dahil sa kanya?" tanong ko, "OO! At ano naman sayo? Ang alam mo lang ay manakit nga mga tao na malapit sa akin!" sagot niya, ang sakit. 

"Ginawa ko yun upang ipagtanggol ka!" sigaw ko sa kanya, "Ipagtanggol? Ganun ba yun? Ipinagpatanggol mo ko na nakakasakit ka ng ibang tao?!" sigaw niya uli sa akin.

"Mahal kita Jouffines, ikaw lang, hindi ko makakayang iwan mo ako, ano ba yung ginawa ko? Wala naman diba?" tanong ko, napailing naman siya. Ano ba kasi ginawa ko?!

"YAN! Diyan ka magaling sa pagdedeny mo, gusto mo lagi kang tama! Lagi kang nasusunod! Nasasakal na ako sayo!" sigaw niya at napaluhod nanaman ako.

"Ano ba kasing ginawa ko? Nangako na ako na di na ako mananakit, may pruweba ka ba?" tanong ko, "Di na ako makikinig pa" sagot niya at sabay sila nung Kirkpatrick na yun na pumasok sa palasyo.

Ang sakit. Ang sakit sa damdamin. 

Hahayaan ko na siya, di ako ito eh. Di ako yung Clariode na kilala niya. Di ako mapagpasensiya at naghahabol. Makikita niya kung sino talaga ako. 

Ayaw niya sa akin? Aayawan ko na din siya. Ganyanan na pala tayo, Jouffines? From now on, isa ka na lang sa mga nakaraan ko. Wala nang tayo. Wala nang Jou at Clar. Wala nang Jou sa buhay ko. Wala na.

Pumasok na ako sa aking kwarto ko at nakitang nagbabasa si Narcissus.

"Maga ng mata mo, brother" sabi niya sa akin, "Ngayon lang ito, bukas wala nang Clariode na naghahabol at umiiyak" sagot ko sa kanya, "Woaahhh, seryoso ka na niyan kay Dom?" tanong niya, "I told you, magkaibigan lang kami" sagot ko sa kanya.

"Siguraduhin mo lang" sagot niya na may pagdududa na ikinakunot ng noo ko, anong ibig niyang sabihin? Nevermind. Matutulog na lang ako at bukas, iba na. Di na ako yung nakaraan na Clariode, bagong Clariode na ako at buong-buo.

---

EIGHTWOON KINGDOMWhere stories live. Discover now