Status

122 1 1
                                    

(A/N) After a long time na naka-on-hold ang HMA, itutuloy ko na po siguro ito ulit, and, this time, tatapusin ko na po ito—hopefully, matapos ko. xD Anyway, hindi ko sigurado kung madalas akong makakapag-update dahil nagsimula na naman po ang school. XD Pero nakaya ko naman dati, so susubukan kong kayanin ulit this year. :)

The story will be more of Cynthia's POV pero kay apprentice ang status. xD

Dedicated po kay Krenmeijie for replying to my HELP note. Eh bigla akong na-good mood tuloy madali akong na-convince na ituloy yung story. XD

Status

                      Buti na lang talaga pwede akong magpahuli ng uwi ngayon. Wala si Mommy sa bahay pati si Daddy. Boring lang rin sa bahay. May business meeting kasi sila sa Sherwood Mansion doon sa malayong lugar na wala akong balak alamin. Usually kasi hindi ako pinapayagang magpahuli ng uwi kasi gusto ni Mom siguradong safe ako. I couldn't blame her for being so concerned about me. I could barely take care of myself. T^T

                    Ang disadvantage lang ng late umuuwi, hindi ako nakakapagpasundo sa driver namin. Ako pa magd-drive... Nakakatamad. -__- Tsk. Loyal kasi sa parents ko ang nagwo-work para sa 'min. I'm sure, kapag nagpasundo ako kay Mr. Rhad, magtatanong na agad kung bakit ako late umuuwi. Hindi ko naman mapalusutan ng tama kasi hindi ako sanay ng nagpapalusot. Kapag nalaman niya kung bakit ako late umuuwi, sumbong ka'gad iyan sa parents ko. Baka mag-Karate lessons na naman ako, wala naman akong natututunan do'n. Sakit lang sa katawan. #__#

                              "Oi!"

                    I turned around. As expected, yung barkada ni Gilbert mambu-bully na naman...pero nagpa-late naman na 'ko ah! Hinintay pa talaga nila 'ko? Ano ba'ng mahalaga sa wallet ko eh ten thousand lang naman ang laman niyan araw-araw?

                              "Ano na naman ba'ng gusto n'yo?"

                              "Wallet mo, malamang." Sabi na nga ba. =__=

                              "Ayoko!"

                    I ran as fast as I could palayo sa kanila. Kaya lang, pagdating ko sa bandang dulo ng hallway, may nakabantay na ring malaking lalaking mukhang bouncer sa gitna ng hallway. Tsk. Ipit na naman ako! >.<

                    Hindi pa. Siguro pwede pa'kong bumalik sa--

                              "Bigay mo na kase."

                    Sabi nang ayoko eh! >o<

                    Eh mapilit. Sinunggaban agad yung backpack kong nakasukbit sa likod ko. Waah! Kapit-kapit na niya yung braso ko ta's kadiri, parang 'di man lang nag-hand sanitizer! >.< Hirap na hirap na nga ako du'n kay Gilbert, nakisali pa yung mukhang bouncer na kunin yung backpack ko sa'kin para hanapin yung wallet ko du'n.

                    Sinubukan kong hampasin yung lalaking kumukuha sa bag ko. Nakailag siya ka'gad sa attempt kong hampasin siya. Tapos, dahil nawala yung concentration kong tagtagin paalis yung kapit sa'kin ni Gilbert, nakapitan niya yung isa ko pang braso kaya kapit-kapit na niya parehas! TT^TT

He's My Apprentice [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now