Session Three - Decline His Offer

55 1 0
                                    

Session Three

          Decline His Offer

                               "Ano, Calvin? Hanggang diyan ka na lang ba?"

                    Tumayo ulit si Calvin kahit nanginginig-nginig ang buong katawan sa pagod. Buong gabi na kaming nagt-training pero hindi niya man lang maiwasan ang attacks ko. Okay lang sana kung walang partida, pero sobrang bagal na nga ng galaw ko eh. Kahit yata elementary student, kayang umiwas sa ginagawa ko sa kanya.

                              With my arms crossed, I snorted, "Akala ko pa naman si Dax ang may problema, kaya ko siya tinanggal as personal trainor mo. Ikaw naman pala ang may problema eh."

                              "Hindi!" Pinunasan niya yung dumudugo niyang labi na natadyakan ko kanina, saka ako tinignan ng diretso. "May problema man sa'kin. Hindi mo maipagkakailang may problema rin du'n sa lalaking iyon! Can't you see it? He has this...grudge against me!"

                              May galit sa kanya si Dax? Bakit naman? "So? What are you gonna do about it?"

                              Napakamot siya ng ulo. "Uh, ewan."

                    Engot. -__-++

                              Dahil sa inis, tinuhod ko yung tiyan niya. "Papatunayan mong nagkamali siya ng akala sa 'yo!" sigaw ko. "Papatunayan mong hindi ka dapat minamaliit ng mga tao. Papatunayan mong hindi ka dapat tinatratong mas mababa pa sa insekto! Ipapakita mong may ibubuga ka, na may lakas kang ipaglaban ang sarili mo. Ipapakita mong nagkamali sila ng binangga. Ipapakita mong hindi na dapat nila kahit kailan susubukang apihin ang taong katulad mo! Dahil tao ka rin, katulad nila. Hindi ka insekto. Hindi ka dumi. Hindi ka hayop. At mas lalong hindi ka wimp!"

                    Sa haba ng sinabi ko, wala siyang naisip maisagot. Tahimik lang siyang nakatulala sa sahig habang dumudugo yung labi niya. Dahil alam ko namang walang maitutulong sa kanya yung araw-araw na pagt-training sa kanya this way, pumunta muna ako sandali sa storeroom ng Shadow Zone. Dumampot ako ng isang pair ng special dumbbells. Special dumbbells kasi, imbis na buhat-buhat lang ng tao yung weights, naikakabit 'to sa katawan ng tao. Using straps, maikakabit 'to sa mga binti't braso ng trainee. In the meantime, dahil baka hindi kayanin ni Calvin, sa binti na lang muna siya magsusuot ng ganito. After two weeks, baka pwede nang dagdagan pa.

                    Bumalik agad ako sa training ground ng Shadow Zone pagkatapos kunin iyon. Malayo pa lang, kitang-kita ko na siyang nakaupo pa rin siya sa sahig at nakatulala.

                              "Tumayo ka diyan."

                              That seemed to wake him up from his mental slumber. "Uh, sorry. H-H-Hindi ko...napansing nandito ka—"

                              "Enough with the blabbing, Calvin. Halika nga rito."

                              Dali-dali siyang lumapit sa 'kin at tinanong akong, "A-A-Ano iyan?" sabay turo sa dumbbells na kapit ko sa kaliwang kamay.

                              "Uh, dumbbells. Para lumakas ka, kailangan suotin mo na 'to araw-araw buong araw."

                              Of course, ano ba'ng magagawa niya kapag ako na ang nag-uutos? "O-Okay."

He's My Apprentice [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now