Epilogue

5.8K 91 15
                                    

Epilogue

“Nasan ka na ba? Mamaya hindi ka dumating ah!” Sabi ni Albie sa kabilang Linya.

“Pwede ba naman hindi ako pumunta sa engagement party? Samantalang ako ang bida dun. Maghintay ka nga On the way na ako” Sabi ko dito. Kaya binaba ko na ang tawag. Ito si Albie hindi pa din nagbabago. 3years na ang nakalipas pero lagi pa din Atat.

Naalala ko nga nung nagdate kami. Galit na galit sakin dahil nalate lang ako ng 5minutes. Paano busy ako sa office. Ay may humabol na last minute meeting.

Kinuha ko na ang bag ko at bumaba na. Naka condo na ako ngayon ayoko na kasi tumira sa bahay namin noon ni Daniel. Masyado maraming hindi maganda ang nangyare dun at kailangan ko yun kalimutan. Hindi na pwede sa bahay dahil paalis alis sila Daddy. Wala din ako makakasama.

Dumaan muna ako sa bahay ng inaanak ko. Maaga pa naman. Masyado ata ‘to si Albie.

“Tita Kath” Tawag sakin ni Quennie. Yes si Quennie ang anak ni Julia at Quen. Kahit papano kaibigan ko pa din si Julia kaya pumayag ako maging ninang ng anak nya. Wala naman ako karapatan magalit sa kanya ng todo dahil hindi naman ako ang niloko nya.

“Quennie! Namiss mo ba ako?” Tanong ko dito. 6yrs old na pala si Quennie. At katulad ng mommy nya napaka kikay nito.

“Yes Tita. Look oh angred ng lips ko” sweet na sabi nito.

“Ay nako ginamit nanaman nya ng patago ang lipstick ko. Quennie ah!” Sigaw ni Julia. natawa na lang ako. Kung ituring kasi ni Julia si Quennie para barkada lang.

“Nasaan na pala si Quen?” Tanong ko dito.

“Nandito na siya sa pilipinas. Don’t worry hindi siya mawawala dun sa engagement party”

“Dapat lang kundi magagalit sa kanya Albie” tapos tumawa kami. Nagdecide na kami na umalis na dahil alam nyo naman si Albie galit sa Late. Iniwan nanamin si Quennie at sabay na kami umalis ni Julia. pero magkahiwalay kami ng sasakyan.

****

Nakarating na kami sa Venue at agad kami sinalubong ni Albie.

“Bakit ngayon lang kayo?” bungad na tanong nito.

“Makaarte ka naman para hindi dadating ang fiancée mo” sabi ni Julia.

“Tigilan nyo nga ako mamaya marinig kayo ni Tiffany magselos pa yun.” Sabi nito na ikinatawa namin ni Julia. Inaasar pa din kasi nila ako ni Quen kay Albie.

Nung umalis kasi si Daniel. Naging kami ni Albie. Akala ko kasi siya na talaga ang gusto ko. Pero hindi pala. Dahil siya lang ang lagi nasa tabi ko. Inakala ko nahuhulog na ako sa kanya. Kaya hindi din nagwork ang realsyon namin at pinili na lang namin maging magkaibigan.

Hasty Decision (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon