Chapter 14

7.7K 97 30
                                    

Kath’s Pov

Kanina lang nakatawa na ako. Pero nawala ang lahat ng yun ng makasalubong ko si Dj. Pero kahit ganon? Ramdam ko na medyo okay na ako ngayon. Kesa dati na araw araw ako umuuwi lasing. Alam ko nag mumukha ako kawawa sa harap ni Dj.

Kaya ngayon nakahanap na ako ng kaibigan na kaya ako tulungan mag move on ay sasamatalahin ko na. Pagod na ako gawin mukha kawawa ang sarili ko. Kaya hindi ko na hahayaan. Although may kirot pa din sa puso ko.

Pero sabi nga nila time can heal wounds. At nagtitiwala ako dun.

Pagpasok ko dito sa kwarto ay agad na ako nagshower dahil napakalagkit na ng katawan ko. Ilang minute lang ay natapos na ako. Kaya nagbihis na ako agad. Humiga na ako sa kama ko at sinubukan ipikit ang mga mata ko. Pero nagulat ako ng biglang may yumakap sakin.

“D-Dj?” Nauutal ko tanong. Wala naman ibang tao pwede yumakap sakin dito dahil dalawa lang kami na nasa bahay na ‘to.

Hindi siya nagsalita pero hinila nya ako paharap sa kanya kaya ngayon nasa ibabaw ko siya. Tinitingnan ko siya. Para wala emosyon sa mga mata nya. Lasing ba siya? Pero sa pagkakaalala ko tubig lang ang huli nya ininom.

Itutulak ko sana siya pero naunahan niya ako. Hinalikan nya ako bigla. Nanlaki yung mga mata ko sa ginawa nya. Nung una nanlalaban ako pero hindi nagtagal hindi ko mapigilan magresponse sa halik nya. And his kisses is now being so deep. Ewan ko pero para wala naman ako maramdaman sa halik na ‘to.

We are just kissing. Hanggang sa bigla may luha na tumulo sa mga mata ko. Hindi ko mainitindihan pero para may kirot sa puso ko habang hinahalikan nya ako. Bakit ganito? Hanggang sa tumatagal umiiyak na ako at tumigil na ako sa pagresponse.

Tingin ko napansin nya yun kaya tumigil na siya at tiningnan ako ng seryoso. Wala pa rin emosyon sa mga mata nya.

“I’m sorry”He said

“Kahit ilang sorry pa ang gawin mo hindi mababawasan yung sakit Dj. Tandaan mo yan” Then he left. At ako naiwan umiiyak dito. Bakit nya ba kasi kailangan dahilan? Ano bang gusto nya patunayan? Na sa pitik nya lang mabilis nya ako makukuha? Ewan ko pero that kiss made me feel that I’m so pathetic.

Narinig ko ang pagbagsak ng pinto sa kabilang kwarto. At pagbagsak ng hindi ko matukoy na gamit. Hindi ko na maintindihan. Umiiyak lang ako ng umiiyak dito. Hanggang sa may isang tao ako tinawagan.

“Hello”

[Kath?]

“Pwede ba tayo magkita?”

[Sure]

“Sa park na lang subdivision namin. I just need someone to talk”

[Sige. Pupunta na ako wait for me]

 

Then I end the phone call. Bakit ka ba ganyan Dj? Bakit mo ba ako ginaganito? Sinusubukan ko maging okey pero bakit para pinahihirapan mo ako? This totally sh*t

Hasty Decision (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon