Chapter 28

6.5K 74 12
                                    

Kath’s Pov

Halos hindi ako nakatulog sa tanong ni Daniel kagabi. Ang tagal ko din nakatorete sa kanya. Hindi ko inexpect na itatanong nya yun sakin. Nagleave ako ngayon sa office dahil ngayon ang dating ni Diego.

Mamaya gabi daw ang dating nya dito. Kaya may dinner mamaya sa bahay nila.

“Hoy kath bakit ba tulala ka?” Albie. Kasama ko pala siya ngayon. Nagyaya kasi siya lumabas medyo bored daw kaya pumayag na din ako mamaya 3pm pa naman kami magkikita ni Julia.

 

“Hindi noh!” Sagot ko dito habang sumusubo ng cake.

 

“Kunyare ka pa eh ganito nga yun mata mo kanina” Tapos dinemo pa niya. Baliw talaga ‘to lalaki ‘to. Kaya binato ko siya ng tissue at tumawa pa. Baliw talaga.

 

“Che!”

 

 

“Mas gumaganda ka kapag nag susungit ka! Haha” Inirapan ko lang siya. Pero bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Aish!

“Maganda naman talaga ako” Sagot ko. Tapos bigla siya may binulong pero hindi ko narinig.

“Ano?!”

 

 

“Ang sabi ko napaka conceited mo! Haha” Tapos tumawa lang ako ng sarcastic. Kainis ‘to siya lang ang lalaki nakakapang bara sakin bukod kay Daniel.

Speaking  of Daniel ayan nanaman naalala ko nanaman yung sinabi niya.

“Pwede bang wag na natin ituloy yan? Pwede bang ayusin na lang natin lahat? Pwede ba ako humingi ng isang pagkakataon? Pwede ba kath?”

 

Nakakainis sobra ako apektado sa tanong na yan. Kung tutuusin madali lang naman sagutin ang tanong nya eh. Syempre mahal ko siya. Pero may parte sa puso ko na natatakot na magtiwala ulit sa kanya. Kaya ito ang nagpipigil sakin.

 

“A girl might say she’s fine. But when you pay close attention, you’ll see the truth in her eyes” Sabi ni Albie kaya bumalik ako sa realidad.

 

“Ano bang pinagsasabi mo?”

 

 

“Kath sobra kaya halata na may bumabagabag sa utak mo. Ano ba yun?” Sasabihin ko ba sa kanya? Pero baka pagtawanan nya lang ako eh. Pero kaibigan ko naman siya eh. Halos bestfriend na nga turing ko sa kanya eh.

Hasty Decision (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon