Chapter 9

8.2K 97 10
                                    

Daniel’s Pov

Nakalabas din ako agad ng hospital isang araw din ang tinagal ko. Hindi naman kasi malala yun natamo ko. Nahimatay lang daw ako. Kaya dumiretso na ako agad sa bahay. Si Mitzi muna ang naghatid sakin. Gusto nya pa sana mag stay kanina pero sabi ko wag na dahil may pasok pa siya.

Pagdating ko dito sa bahay. Wala ako Kath na nadatnan. Nasan na kaya siya? Siguro andun sa bahay ng papa nya. Nung tinext ko siya hindi siya nagreply. Siguro nga ay ayaw nya na ako kausapin o makita man lang.

Huminga ako ng malalim.

 

“I’ll give you space Kath…” Sabi ko sa sarili ko. Ngayon alam na ni Kath na niloko ko siya. Siguro dapat na din malaman ni Mitzi. Pero natatakot ako sabihin sa kanya baka masaktan ko lang siya.Lalo na ang bata pa siya. She’s Only 20.

Pumunta ako sa kwarto para magpahinga. Pagbukas ko ng pinto nagulat ako sa nakita ko.

“Kath…”Lumingon siya sakin. At nginitian ako. Pero alam ko pilit lang yun. Tiningnan ko siya pero BLANKO. Wala ako emosyon makita sa mga mata nya.

Hinihintay ko sampalin nya ako. Dahil sa ginawa ko pero hindi. She even smiled at me. Kaya hindi ko mainitindihan.

“She’s pretty. Hindi nakakapagtaka nagustuhan mo siya” She said without even looking at me. Hindi ako makasagot.

“Alam mo ba nameet ko na siya? Nung isang araw lang din. Nakakatawa. Yung babae tinulungan ko makatakas sa kuya nya? Yun pala ang kabit ng asawa ko.” Nakita ko pinunasan nya ang luha sa mga mata nya. This time ramdam ko na kung gaano ko siya nasaktan.

“Kath…”

 

“Kelan pa kayo? Or I’d rather say kelan mo pa niloloko?” Tanong nya habang nakatalikod at nakatayo sa harap ng bintana. Nanginginig ako pero hinawakanko pa rin ang balikat nya. Pero agad nya  inalis yun.

“Hindi ko alam pero 5months na kami” Tapos bigla nya tinakapan ang bibig nya at umiiyak na nga siya.

“Ma-matagal na pala. Going strong?” Tanong nito pero umiiyak siya.

“Kath bakit mo ba tinatanong yan….”Sabi ko dito. Dahil para bawat detalye ay gusto nya malaman.

“Baka kasi sakali maintindihan kita” Sabi nito habang pinupunasan ang luha nya. Gusto siya yakapin pero alam ko itutulak nya lang ako. Kaya napayuko na lang ako. Tapos bigla nya ako hinarap. This time nakatingin na ako sa mga mata nya.

Nagyon nakikita ko na ang mga mata nya. Nasasaktan siya. So now I don’t even know what to say. Alam ko kahit ano sabihin ko. I’ll end up hurting her.

Huminga siya ng malalim.

“Mahal mo ba siya?” Diretso nya tanong. Hindi ko alam kung dapat ko ba sagutin ang tanong nya.

“Kath hindi ko sinasadya”

 

Hasty Decision (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon