Chapter 50

4.9K 78 22
                                    

Daniel’s Pov

Napabuntong hininga na lang ako sa mga nagawa ko ngayon araw. Una ang pagpirma ko sa annulment papers namin ni Kath. Alam ko matagal nya ng hinihingi na pirmahan ko yun. So this is it. I did her a favor. Pangalawa ngayon ang araw ng pag alis namin Kuya.

Kuya decided na bumalik na lang sa New York  dahil mababaliw daw siya dito. Baka sakali dun makalimot daw siya. Hindi naman nya ako sinasama. I’m just the one who insisted it.Ewan ko tingin ko kailangan ko din ‘to.

At gusto ko na din makita si Mama at Papa. Ipapaalam ko na din sa kanila nakakaalala na ako.

“Pwede ka pa umatras. Habang nandito pa tayo sa pilipinas” He said. Nasa kotse na kasi kami papunta airport. Umiling ako sa sinabi nya.

Ngayon pa ba ako aatras? Eh eto na nakaimpkae at nakabihis na ako.

“Matagal ko pinag isipan ‘to kuya. Kaya hindi na ako aatras. Para din sa ikabubuti namin ni Kath ‘to” Oo aalis ako hindi para iwanan si Kath. Pero eto lang ang naiisip ko paraan para maging maayos lahat.

“Pero hindi ka nagpaalam sa kanya” sabi nito.

“Ikaw ba nagpaalam ka kay Julia?” Pabalik ko tanong. Tapos umiwas siya ng tingin.

“Let’s not talk about her” He said.

 

“Kuya..”

“Look Dj. I was damn hurt. So much. Please avoid mentioning her name.” Sabi nito at halata naman hanggang ngayon nasasaktan siya. Kaya tumango na lang ako.

Ang saklap ng lovelife namin ka kapatid ko? Kung nagloko ako siya naman niloko? Hindi kaya ang dapat na karma ko ay kuya tumama? Tss. Stop thinking Daniel.

Kinuha ko na lang ang cellphone ko. Itext ko kaya si Kath na aalis ako? Para naman kahit papano mainform ko siya? Pero para saan pa? for sure naman wala yung pakeelam sakin. Galit nga yun diba?

Hindi naman siguro? Kasi ako naman ang umiiwas eh. Ay nako Daniel magtigil ka nga. Nagdesisyon ako I-off na lang ang cellphone ko. Bahala na. nagdesisyon na ako. Papanindigan ko na ‘to. Para sa ikabubuti ng lahat.

Para sa ikakabuti natin Kath.

Kath’s Pov

Nagmadali ako pumunta ng airport. Kailangan ko maabutan si Daniel hindi pwede yung ganito lang na iiwan nya ako. Sana man lang kinausap nya muna ako. Hindi yun para ako tanga na wala alam.

Pumunta ako kanina sa office ni Dj para malaman kung anong oras ang flight nya. 4pm. Damn! 3pm na kaya. Aabot pa ba ako? Mukhang traffic pa dito sa Edsa-Taft. Tss!

Tinry ko tawagan siya. Pero hindi ko macontact mukhang pinatay nya ang cellphone nya. Sa inis ko binato ko na lang ang cellphone ko. Daniel naman wag naman ganito.

Hasty Decision (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon