Chapter 7

8.1K 93 3
                                    

Kath’s Pov

Pinalampas ko ang hindi pagpunta ni Daniel sa ginawa ko para sa 5th Anniversary naming. Bakit? Simple lang mahal ko siya at kailangan ko maintindihan o intindihin siya. Binalewala ko na lang anrinig ko sa kabila linya.

Ayoko saktan ang sarili ko. Baka mamaya nag aasume lang pala ako.

Kinabukasan na din umuwi si Daniel. Pagdating nya sa bahay kumatok siya agad sa kwarto ko at binigyan ako ng bulaklak at binati ng happy 5th anniversary. Simple lang sa tingin ng iba pero sobrang kinilig ako. Patunay lang na hindi nya nakalimutan ang araw na yun.

Pumasok tuloy ako ng opisina ng may ngiti sa mga labi ko. Sobrang saya ako. Mahal na mahal ko si Daniel.

Habang papasok ako ng opisina nginingitian at binabati ko lahat ng makasalubong ko. Paranoid na ba? Eh wala eh nagmamahal ako. At ganito ako magmahal.

Calling Daddy…

“Hello Dad napatawag po kayo?”

“Namiss lang kita princess.”

“Mas miss ko po kayo ni mommy.”

“Kami din miss na miss ka na naming kung pwede lang na bumalik na kami dyan eh”

“I understand naman dad”

“Anyway kamusta ang celebration nyo ni Daniel ng 5th anniversary nyo?”

“Hmm. Hindi siya nakadating dad eh….Pero sinurprise nya naman ako”

“Bakit?”

“Busy sa work dad. Alam mo naman si Tito Rommel”

“Get it. Sige na alam ko din nasa trabaho ka ngayon. Kinamusta lang kita.”

“Okay dad. I love you”

“We love you too anak ingat ka dyan. See you soon”

Tapos nilagay ko na ulit yung cellphone ko sa bag ko. At pumasok na sa Office ko. Pagpasok ko sandamakmak na folders at nag goodmorning sakin. Ang good talaga. Madami nanaman ako babasahin at iintindihin.

Busy busy ako ngayon umaga grabe. Hindi ako magtataka kung tatanda ako agad. Tumigil ako saglit at tiningnan ang picture frame sa may table ko.

 

“Nakakawala ng pagod ang makita ka” Sabi ko habang nakatingin sa Picture naming ni Daniel. This picture was taken nung nasa college pa kami.

Para nabigyan ako ng enerhiya. Kaya tinuloy ko ang ginagawa ko. Nakakapagod pero okay lang alam ko sa pag uwi ko mamaya mawawala ‘to dahil kay Daniel.

Napatigil ako ng may kumatok sa pinto ko. Its miles my secretary.

“Mam. Ms.Montes is here papasukin ko po ba?” Tanong nya habang nasa pinto.

“yes. Thank you miles” Tapos nag smile na lang ako. Bakit kaya napadpad siya dito. Siguro bored nanaman ‘to.

“Kath!” Sigaw nya sabay yakap sakin. Matnda na kami pero childish pa din siya.

Hasty Decision (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon