Chapter 41

4.9K 80 10
                                    

Daniel’s Pov

Sa totoo lang hindi ko din alam kung saan kami pupunta ni Kath. Dahil hindi ko naman kabisado ito Palawan. Ewan basta gusto ko lang solo ko si Kath. Yun lang.

Tiningnan ko ulet si Kath. Mukha pagod nga talaga siya dahil mahimbing siya natutulog ngayon. Mukha talaga siya anghel mapapikit o gising man. Hindi ko tuloy lubos maisip kung paano ko nagawa saktan ang mukha yan. At paano ko nakaya durugin ang puso nya.

Bakit ba naman kasi ako nagka amnesia eh. Edi sana hindi kami umabot sa ganito.

Pinagpatuloy ko ang pagdridrive. Bahala na kung saan kami makarating ang importante magkasama kami ng kami lang. PERIOD.


“Nasan na tayo?” Nagising na pala siya.

“Hindi ko alam.” Diretso ko sagot dahil hindi ko naman talaga alam. Ang alam ko lang gusto ko siya makasama.

“Ano nanaman ba ‘to Daniel! Ihinto mo ‘to” Hindi ko siya pinansin pinagpatuloy ko lang ang pagdridrive.

“I SAID STOP THIS CAR! NOW!!” sigaw nya. Tiningnan ko muna siya tapos tinabi ko muna yung sasakyan. Nasa tabi kami ngayon ng Hi-Way.

Nagmadali siya lumabsa at ganun din ako.

“Saan ka pupunta Kath?”

 

“Babalik ako sa resthouse” sabi nito habang naglalakad at pilit pumapara ng sasakyan.

“Pero Kath-“

 

“Daniel ano nanaman ba ‘to ginagawa mo?! Kararating lang namin pagod ako at gusto ko magpahinga ng todo tapos eto ka hihilahin ako at hindi mo alam kung saan mo ako dadalhin. Ano ba problema mo?!”

 

“Kath-“

 

“ANO PROBLEMA MO?!?!!”

 

“NAGSESELOS AKO KATH! YUNG ANG PROBLEMA KO! NAGSESELOS AKO SA ALBIE YUN! NAGSESELOS AKO KASI HINAWAKAN MO YUNG KAMAY NYA! NAGSESELOS AKO KASI NAKIKITA KO NAPAPANGITI KA DIN NYA TULAD NG GINAGAWA KO SAYO NOON. NAGSESELOS AKO KASI PINAPAHALAGAHAN KA NA DIN NYA KATULAD NG PAGPAPAHALAGA KO SAYO! NAGSESELOS YAN ANG PROBLEMA KO! TANG*NA NAGSESELOS AKO!!!!” Hindi ko man sinasadya isigaw pero kusa lumabas sa bibig ko yan. Natulala siya sa sinabi ko. Kahit naman ako.

“P-pano na-nagseselos?”

 

“Mahal kita Kath. Mahal na mahal kita noon pa man” Sabi ko dito sabaya hawak sa balikat nya. tiningnan ko din siya sa mata para makita nya nagsasabi ako ng totoo. Na mahal ko talaga siya. Pero imbes na sumagot siya?

Sinampal nya ako.

“Hindi mo ako mahal dahil yun ang sabi mo sakin noon diba?” umiling ako.

Hasty Decision (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon