Chapter 8

8.6K 107 16
                                    

Kath’s Pov

Bakit ang sakit sakit? Bakit niloko nya ako? Tang*na ano bang ginawa ko para lokohin nya ako ng ganito. Minahal ko naman siya. Sobra sobra pa nga ang ibinigay ko sa kanya. Pero bakit ganito?!

 

“Kuya isang shot pa!” Sabi ko. Nandito ako ngayon sa bar pinipilit makalimot. Pinipilit tanggapin na tinarantado ako ng tao mahal na mahal ko.

“Kath tama na lasing ka na.” Saway ni Julia. Pero hindi ko siya pinakinggan at uminom lang ako ng uminom.

“Mamaya na Julia. Hindi pa ako tapos uminom.”Sabi ko sabay inom ulit ng alak. Hindi ko alam kung kelan mauubos ang luha sa mga mata ko. Ang sakit sakit.

“Kath..” Yan na lang ang nasabi sakin ni Julia.

“Juls. Panget ba ako? Bakit kailangan nya ako ganituhin?” Tanong kay Julia.

“Kath. Stop it you’re not ugly. Gago lang talaga siya” Sabi nito. Kaya tumawa ako tapos umiyak ulet.

“Juls. Ang sakit sakit pala. Sh*t. I didn’t know. Na magagawa nya sakin ‘to. Pero nakakatawa noh? Matagal ko naman na nararamdaman na niloloko nya na ako. Pero wala nagbulag bulagan ako. Napanggap na wala lang yun. Na namiss interpret ko lang yun. Naalala ko pa nga nung 5th anniversary namin. Sabi nya Juls. Busy ako sa work sorry. Tapos ako si tanga naniwala sa kanya. Tapos juls….”

 

“Kath tama na ano ba. Let’s Go home” Sabi niya pero hindi ko siya pinakinggan at tuloy tuloy ako sa pagkwento.

“Tapos meron pa Juls yun sabi nyo nakita nyo sa bumili ng bulaklak? HAHA hindi naman pala para sakin yun. Para yun sa Mitzi yun. Lucky her.” Sabay inom ulit ng alak.

“Kath bakit ngayon mo lang sinabi ‘to?” Tanong nya.

“Dahil akala ko. Mali lang ang akala ko. Akala ko hindi nya ako magagawa lokohin. Akala ko ako lang eh. HAHA ang tanga ko. Akala ko lang pala” Tapos yumuko ako at umiiyak. Hindi ko alam kung pano ko idedescribe ang sakit na nararamdaman ko dito sa puso ko.

Parang gusto ko ng pumatay. Gusto ko magwala. Gusto ko siya sampalin! Pero mas gusto ko malaman kung bakit nya nagawa sakin ‘to? Wala ako maalala pagkukulang ko. WALA.

Totoo ba lumilipas talaga ang pagmamahal? Nakakasawa? Nakakasawa na ba ako mahalin Daniel? Sinubukan ko tumayo. At inalalayan naman ako ni Julia.

“Kath dahan dahan” Sabi niya tapos naglakad na kami papunta sa labas ng bar. Oo lasing ako. Pero malinaw na malinaw sa utak ko na ginago nya ako. Sinaktan nya ako.

Binuksan ni Julia ang pinto at inupo ako sa kotse nya.

Julia’s Pov

Naawa ako sa kaibigan ko. All this time matagal nya napala kinikimkim ang sakit na nararamdaman nya. Nung minsan siya pumunta ng condo. Tinanong nya ako kung anong gagawin ko kapag nalaman ko niloloko ako ni diego.

Hasty Decision (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon