Chapter 4

8.7K 105 12
                                    

Daniel’s Pov

Nagising ako ng wala na si Kath sa tabi ko. Sobrang aga pa naman 6am pa lang. Baka siguro nasa baba yun at maaga nagising. So pumunta na ako ng CR at nag ayos na ng sarili. Nag-tooothbrush,naligo at nagbihis na ako.

Pagkababa ko. Wala ako Kath na nakita. Teka pumasok na siya? An aga pa ah? Hinanap ko yung cellphone para itext kung nasan siya.  Pero hindi siya nagrereply. Kaya hinayaan ko na lang at nagluto na ako ng breakfast ko. Wala kasi maid dito sa bahay hindi na din naman naming kailangan.

Ilang minuto lang nag ring ang cellphone ko. Shit! Si Mitzi yung tumatawag…

“Mitzi sabi ko sayo wag mo ako tatawagan diba?”

“Bakit ba? Ano bang masama? May magagalit ba?”

“Wa-wala naman. Bakit ka ba tumawag?”

“Namiss lang kita. Tska hindi mo na ako tinetext eh”

“I’m sorry medyo busy lang sa work”

“Miss na kita babe”

“mi-miss na din naman kita babe. Magkikita naman tayo later diba?”

“Yes! I texted you ah?”

“Huh?”

“Nevermind baka akala ko lang nagtext ako. Sige. bye babe I love you ”

“I love you too”

End of phonecall

Hindi ko kabit si Mitzi. Dahil hindi niya alam na may asawa na ako. Nakilala ko siya noon sa bar. Napakaamo ng mukha nya,maputi,maganda at party girl. Kilala din ang pamilya nila sa larangan ng Business.

Oo nagtataksil nga siguro ako sa asawa ko.

 Halos 5months na din kami ni Mitzi at matagal ko na nga niloloko ang asawa ko. Hindi ko sinasadya pero napamahal na sakin si Mitzi. Binalak ko noon makipagbreak na sa kanya dahil nakokonsensya na ako. Dahil napakabait ng asawa ko sakin at kahit kelan wala siya nagawa masama sakin.

Kaya nga yung nangyare kagabi? Sobrang ako nakokonsensya. Halos saktan ko siya sa restaurant dahil akala ko niloloko nya ako. Pero sa totoo lang ako ang nagloloko.

Hindi ko din alam kung bakit ko nagagawa kay kath. Ewan ko basta nagyare na lang naguguluhan ako.

Natapos na ako sa kinakain ko at nagdrive na ako papasok ng trabaho.

Kath’s Pov

Para ako nabuhusan ng malamig na tubig na may madami yelo. Pagkatapos kung mabasa yung text na yun kagabi ay dinelete ko din. At hindi ko na napigilan umiyak. Halos hindi na ako makatulog dahil sa nabasa ko.

Niloloko nya nga lang ba o nag aassume lang ako? Pero ano naman dahilan para magtaksil siya sakin? Wala ako maalala na ginawa ko na mali.

4am na din kanina kaya nagdecide ako mag ayos at umalis na. 5am pa lang kanina nung umalis ako ng bahay. Sa totoo lang hindi ko alam kung saan ako pupunta. Sa ganito kaaga dahil 7am pa nagbubukas yung office.

Hasty Decision (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon