Chapter 19

7.1K 79 10
                                    

Kath’s Pov

Para pa din ako teenager dito na hindi makarecover sa sinabi ni Daniel kanina. Pwede bang pakibuhusan ako ng tubig? Feeling ko nababaliw na ako eh. “Wag ka magkakamali lumapit o hawakan ang asawa ko kung hindi dadanak ang dugo at itatapon kita sa taal at ako mismo ang magpapasabog non”

Asawa? Ang sarap pakinggan pwede ko kaya hilingin na ulitin nya?

“Hoy Katha kanina ka pa hindi mapakali dyan naiihi ka?” Tanong ni Ayara. Kaya nagising ako sa katotohanan. Napatingin din sakin si Gab at si Daniel mula sa Mirror ng kotse.

“Nako baka natrauma na yun sa ginawa nung mga loko. Don’t worry Kath isusumbong ko sila kay daddy” Sabi ni Gab. Oo nga pala ang daddy nya lang pala ang isa makapangyarihan tao dito sa Lugar namin.

“No need okey ako. “ Sagot ko.

“Sure ka? Alam mo pwede ko naman gawin itapon talaga yung mga yun sa taal volcano. Just ask” Sabi ni Daniel. Teka pwede ba ako kiligin? Aish! Syempre hindi siraulo ka ba kath may ibang tao mahal na yan. At pakitatak sa utak mo na hindi na ikaw.

“Sure ako kaya magdrive ka na lang” Sabi ko. Kaya nagulat sila Ayara at Gab sa inasta ko dahil mukhang natarayan ko si Daniel.

Nagdrive lang si Daniel sa pupuntahan namin. Nagyaya kasi ng skyranch ito si Ayara dahil gusto nya daw sumakay sa Skyeye. Kaya eto kami papunta na dun. Medyo malayo din at matagal ang byahe papunta dun. Kaya nagdecide ako gamitin ang ipod ko matutulog muna ako.

Daniel’s Pov

Napakamoody lang ng babae. Kanina okey kami ni Kath pero nung tanungin ko siya kung okey lang siya. Nasungitan pa ako. Mga babae talaga ang hirap basahin ng tumatakbo sa utak nila at ang hirap pakiramdam ng tunay na nararamdaman nila.

“Baka pagod lang mamili yan pare” Sabay tap ni Gab sa balikat ko. Kaya nag drive na lang ako.

 

“Siguro nga pare” Ngumiti lang ‘to at ako nagfocus sa pagdridrive. Habang nagdridrive ako ay bigla nagring ang cellphone ko. Kaya sinagot ko agad.

“Hello”

[Hi Babe I miss you!]

“Me too. Diba may klase ka?”

[Yes pero wala prof eh. So where are you?”

“Actually nagdridrive ako eh”

[Ah where are you going ba?]

“Skyranch”

[Waaaa! Gusto ko din pumunta dun]

“Don’t worry pagbalik ko pupunta tayo”

Hasty Decision (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon