Chapter 47

4.5K 72 20
                                    

Kath’s Pov

“Daniel! Ano ba!” Sigaw ko habang hinahabol siya. Kanina ko pa siya tinatawag pero hindi nya ako pinapansin o nililingon. Kaya napilitan ako hilahin siya at iharap sakin.

“What?” Sabay tabig nya sa kamay ko.

“Kelan ka pa nakakaalala?” Diretsa ko tanong. Dahil yan naman talaga ang gusto ko malaman kaya ko siya hinabol.

“Nung huling maospital ako” He said. Pero hindi siya nakatingin sakin.nakatingin siya sa malayo. Bakit ba ayaw nya ako tingnan? Pero teka? Nung huling maospistal siya? Kaya pala ganon na lang kilos nya? Kala ko nagbago siya. Yun pala dahil bumalik na ang alaala nya haha.

“Bakit hindi mo sinabi?” Kalmado ko tanong o mas okey na sabihin na kinakalma ko lang ang sarili ko. Pero bago siya magsalita ulet ay pinangunahan ko siya. “Para lokohin mo nanaman ako? Nasasanay ka na ata niloloko ako Daniel” Hindi ko mapigilan ang sarili ko bitawan ang mga salita yan.

“Hindi kita niloloko”

 

“Anong tawag mo sa ginawa mo?” Inis ko tanong. Pero nagpipigil pa din ako ng emosyon.

“Nagsinungaling Oo pero hindi kita niloloko” Sabi nito habang nakaharap sakin. Sa wakas hinarap nya na ako.

“Ganon na rin yun. Pinaglalaruan mo ako!!” Hindi ko na napigilan at naibulalas ko ang sinabi ko. Masyado ng masakit ang nangyare ngayon araw. Tapos eto? Dadagan nya pa?

“Hindi kita pinaglalaruan! Nung sinabi ko mahal kita I totoo yun” Sabi nito sabay hawak sa balikat ko pero tinabig ko ito at sinampal siya.

“Mahal? Bakit hindi ko maramdaman? Oo dati nararamdaman ko. Pero ngayon alam mo kung anong pakiramdam ko? Pakiramdam ko pinaglalaruan mo lang ang feelings ko. Oo nandun na tayo sa nahuhulog na ako kay Albie. But we both know na may maliit ka pa rin parte sa puso ko.Dahil Una sa lahat asawa kita eh. Pangalawa ikaw lang ang lalaki minahal ko!! Bakit mo ba ginagawa sakin ‘to?!! Bakit ba paulit ulit mo ako sinasaktan?! Huh!!”

 

Sigaw ko dito. At nagulat na lang ako ng sipain nya ang buhangin sa gilid ko. Bakit siya nagagalit? Alam ko samin dalawa ako lang dapat ang nagagalit.

“Bakit ba paulit ulit mo pinamumukha sakin ang pagkakamali ko Kath? Oo nagkamali ako! Alam ko yun Kath! Dahil halos araw araw nagrereflect sa utak ko ang ginawa ko. Yung araw na may kasama ako iba habang hininihintay mo ako. Yung araw na Masaya ako sa piling nga iba habang umiiyak ka! Tang*na Kath alam na alam ko naman yun eh! Hindi mo na kailangan araw araw ipaalala sakin”

 

Hindi ako makagalaw sa sinabi niya ni hindi ako makapagsalita. Para bigla na lang ako na pipi sa sinabi niya. Siguro dahil may punto siya.

“Alam mo ba kung bakit hindi ko sinabi sayo nakakaalala na ako? Kasi gusto ko patunayan sayo mahal kita. Mahal talaga kita kahit hindi ako nakakaalala. Gusto ko maramdaman mo mahal kita hindi dahil sa nakakaalala lang ako. Kundi dahil mahala talaga kita. Kasi alam mo kath sa t’wing nakikita kita masaktan noon? Hindi ko maintindihan pero kahit ako nasasaktan. Hanggang sa isang araw narealize ko mahal na kita.mahal na pala kita.” Sabi nito habang may tumutulo na din luha sa mga mata nya.

Hasty Decision (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon