Chapter 42

5K 69 11
                                    

Kath’s Pov

Simula ng bumalik kami dito sa resthouse ay panay ang hila sakin ni Daniel. Oo hila talaga literal. Tuwing kakain kami at uupo si Albie sa tabi ko hihilahhin nya ako tapos ililipat sa ibang upuan. Hindi naman kumikibo ang mga kasama namin. Feeling ko gets na nila yun.

“Daniel bakit ka ba nanghihila nanaman? Wala naman si Albie” Oo hila hila nanaman nya ako.

“May pupuntahan tayo. At pwede ba wag mo banggitin ang pangalan ng demonyo”

“Daniel umayos ka nga sa mga sinasabi mo”

 

“Okey halimaw na lang”

 

“Daniel!”

 

“Aish oo na! Basta tigilan mo na ang pagbanggit sa pangalan nya. Tara na” tapos naglakad na kami ulet. Oo holding hands kami maglakad. Pilit ko man hilahin yung kamay ko wala eh hihilahin ulet ni Daniel. Naninibago tuloy ako sa kanya.

Para siya yung Daniel ko noon. Yung kapag gusto nya gusto nya talaga wala pakeelam sa mga tao mababangga nya.

“Daniel saan ba tayo pupunta?”

 

“Dun oh.” Sabay turo nya sa may malaki bato. Teka ano gagawin namin dyan? Kukunin yan bato at iuuwi? Okay Kathryn! Last mo na yan. Kung ano ano pinag iisip mo.

“Anong gagawin natin dyan?”

 

“Basta bilisan mo na” sabay hila nyo ulet sakin. Nasasanay talaga siya hila hilahin lang ako ah? Sa pagkakaalala ko wala naman ‘to sa usapan namin.

Nandito na kami sa tapat ng malaking bato. May special ba dito? Kasi sa nakikita ko para wala naman.

“Oh?”

 

“Tara akyat na tayo” sabi nito. Aba pwede pa lang umakyat dito?

Umakyat na kami. At ilang Segundo lang ay halos mapanganga ako sa nakita ko. Ang ganda ng view grabe para paraiso. Green kung green ang kulay.

“Ang ganda noh?” Sabi nito.

“Sobra” sagot ko habang nakatingin pa din sa magandang paraiso sa harap ko. Hindi ko talaga maalis ang tingin ko sobrang ganda talaga.

“Nung wala pa kayo dito. Nandito ako madalas. Actually nalaman ko lang ‘to lugar na ‘to nung time naglalakad lakad ako at iniisip ko kamusta ka o di kaya anong ginagawa mo. Hindi mali. Kung kamusta kayo ni Albie anong ginagawa nyo at kung Masaya ka ba sa kanya at nakalimutan mo na kaya ako? Habang iniisip ko yun hindi ko maiwasan hindi malungkot. Syempre yung taong mahal ko Masaya sa iba? Leche para ako nasusuffocate sa ginagawa ko yun”

Hasty Decision (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon