Chapter 26

6.4K 68 12
                                    

Mitzi’s pov

Kinikilig talaga ako sa araw na ‘to. Dahil kanina lang sinundo ako ni Daniel para mamasyal tapos kanina pumunta kami sa isang amusement park. Halos naikot nga namin ang buong lugar pero hindi naman ako nakakaramdam ng pagod dahil si Daniel ang kasama ko.

“Nag enjoy ka ba?” Tanong nya sakin habang hawak nya ang kamay ko.

“Oo naman. Sobra!”Sabi ko na tuwang tuwa habang may hawak na cotton candy. Naglalakad kami ngayon papunta sa Clubhouse ng subdivision namin.

“I think this is the right time” Sabi niya kaya napahinto kami sa paglalakad. Pero nasa tapat na kami ngayon ng isang swing.

“Hmm. What do you mean?” Pagtataka ko tanong dahil nagbago bigla an gang expression sa mukha nya. na hindi ko maintindihan.

“Promise that you’ll listen Mitzi.” Tumango na lang ako. Bakit para napaka seryoso nya bigla kanina lang napakaligalig nya. at halos sumakit ang tiyan ko kakatawa sa kanya.

Huminga siya ng malalim at hinawakan ang kamay ko ng sobrang higpit. Bakit nakakaramdam ako ng kaba sa oras na ‘to.  Kasalukuyan kami nakaupo ngayon sa swing.

“Mitzi you know how much I love you right? Sana wag mo kakalimutan yun. Mahal kita Mitzi at importante ka sakin” Napatingin ako sa kanya. Pero siya nakatingin pa din sa malayo.

Wala na din naman halos tao dito sa clubhouse dahil 6pm na din.

“Bakit mo sinasabi ang lahat ng yan sakin?” Pagtataka ko tanong. This time huminga ulit siya ng malalim. Tumayo siya at lumuhod sa harapan ko.

 

“Mitzi maghiwalay na tayo” Nabitawan ko yung  cotton candy hawak ko. Tamab ba ‘to naririnig ko? O nabibingi lang ako. Hinawakan ko si Dj.

“Ayoko ng joke na ‘to Daniel” Sabi ko sa kanya. Pero tiningnan nya lang ako.

“Hindi ako nagbibiro. Seryoso ako mitzi maghiwalay na tayo” Sagot niya.

This time naluha na ako. Dahil sigurado na ako sa mga naririnig ko. Nakikipaghiwalaya na talaga siya. Tinulak ko siya at tumayo ako.

“Mitzi..” Tawag nya pero niyakap ko lang siya ng sobrang higpit. Dahil ayoko makita nya umiiyak ako.

 

“D-daniel b-bakit may nagawa ba ako masama?” Tanong ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit nakikipaghiwalay siya sakin ngayon samantalang kanina lang sobrang saya namin habang magkasama.

Hasty Decision (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon