Chapter 40

5.2K 65 12
                                    

Kath's Pov

Medyo naging matagal din ang byahe namin papunta sa resthouse ni Diego. Hindi naman kami naligaw dahil may GPS ang sasakyan ginamit ni Albie at binigay naman ng maayos ni Diego kung paano pumunta dito.

Medyo malayo sa sibilisasyon ang resthouse na 'to. Pero wala ako masabi sa ganda ng lugar. Talaga nakakarelax sa lugar na 'to.

"Ang ganda dito ah." Sabi ni Mitzi.

"Yes kahit medyo malayo worth it naman" sabi naman ni Albie. Kinuha na namin ang mga gamt namin at naglakad na papasok. Hindi pa kami nakakalapit ay nakita ko na si Daniel na naglalakad papalapit samin.

"Kamusta ang byahe?" Tanong nya.

"Okey lang bro medyo malayo nga eh" Sagot ni Albie.

"Tama ka. Sana hindi ka na sumama malayo kasi talaga dito baka napagod ka lang" Natigil kami lahat wala umimik sa sinabi ni Daniel. Except for Albie na nagawa pa ngumiti.

"Worth it naman pagod eh" Sagot ni Albie sabay tingin sakin. At nagind dahilan ito para makita ang inis sa mukha ni Daniel.

"Kararating lang namin may tensyon na agad?" Singit ni Quen at napailing na lang habang tumatawa. Nauna na ito maglakad at sinundan naman siya ni Mitzi. Aakto na sana ako kukunin ang maleta ko ng unahan ako ni Daniel.

"Tara na. naghihintay na sila kuya" Sabi ni Daniel kaya tumango na lang ako at sumunod kami sa kanya ni Albie.

Pagpasok namin sa bahay ay nakita ko si Quen na nakatayo sa tapat ng pintuan teka may nangyare ba?

"Quen?" Tawag ko dito. At lumingon siya sakin.

"Tama na Julia. Haha" Sabi ni Diego habang tumatawa. Tiningnan ko kung anong ginagawa nila yun pala ay naghaharutan sila sa Sala.

"Kuya tama na nga ang landian" Sabi ni Daniel kaya natigil sila Julia at napatingin samin. Hindi naman sila nagulat dahil ininform ko na sila na kasama si Mitzi at Quen. At umokey naman sila.

"San ang kwarto namin?" Sabi ni Quen na para  iritable. Teka kanina lang okey siya ah anong nangyare? Umayos si Diego at Julia at tumayo.

"Matutulog ka na agad? Mamaya na Bro kumain muna tayo" Tumango na lang si Quen. At napapansin ko umiiwas ng tingin si Julia kay Quen. Nag away ba sila?

"Oo nga. Tara"Yaya ni Julia kaya sumundo na kami sa kanila.

Pagdating sa kusina ay madaming nakalapag na pagkain. May Lobsters,Kaldereta,Adobo,Menudo,Chicken Curry .

"Fiesta?" Sabi ni Mitzi habang paupo.

"Ang dami ah sino nagluto?" Tanong ko.

"Yung cook dito. Sinadya talaga namin magpaluto ng marami" Sabi ni Diego.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Dahil nandito ka na" Singit ni Daniel. Naphinto ako sa pagkuha ng pagkain at napatingin sa kanya. Yung mga mata yan. Ganyan ako tingnan noon ni Daniel na mahal ako.

"Kath ito chicken curry mukha masarap" Singit ni Albie kaya nabaling sa kanya ang tingin ko.

"Mu-mukha nga sige" sagot ko. Kaya nilagyan nya ako sa plato at tiningnan ko ulet si Daniel. Bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon? Para bang gusto ko pa siya titigan.

Hasty Decision (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon