Sumunod ako sa kanya at iniwan niya ko sa loob ng wardrobe para magbihis. Takte naman. Sigurado gagabihin na kami sa pag-film ng commercial na ‘to. Shit! Gusto ko ng pumunta sa tabi ng asawa ko!! TT_________TT Hoy! Hindi ako obsess, kung yan ang iniisip niyo! :p

                Paglabas ko ng wardrobe, tatawagan ko na sana si Pitchi pero…

                “Patrick! Pumarine ka na! Practisin niyo na ng HYPer-M yung gagawin niyo!” tawag ni Manager Ebs. Tsk. De sumunod na ako, baka pagalitan pa ko ng baklita na yun noh! :p

                So ang commercial na ‘to ay para sa isang Music Center? Ah… chicken naman pala gagawin ko e! Tutugtog lang ako ng bass guitar. Tutugtog lang kaming apat! Ha!

                “Oh, ano gusto niyong tugtugin natin para sa commercial na ‘to?” tanong ni Yosef sa amin.

                “Dapat yung masayang tune!” sabi ni Mike.

                “Hm… Yung Love kaya?” sabi ni Harry.

                “Ah… Love, Love, Love clap clap clap!” kanta ni Mike.

                “Sige yan na lang! Lively!” sabi ko.

                “Game na, pwesto na mga bro!” sabi ni Yosef.

                At agad kaming pumwesto na apat with our instrument. Nag-rehearse muna kami bago i-film. Para wala raw sabit sabi ni Manager Ebs. Wala tayong magagawa, perfectionist ang Lola mo.

~

                Tss. Nakakainip naman… TT__________TT Wala na si Patrick ah? Dapat nandito na si Belle. Nasaan na kaya yung berat na yun. >3<

belle alarcon calling…

Belle: Hmm??

Pitchi: Hala! Kagigising mo lang? Past 1 na ng hapon ah?

Belle: Hindi friend… May lagnat ako…

Pitchi: Ay… Kaya pala wala ka pa dito e. Kanina pa kasi nakaalis si Patrick…

Belle: Oo nga friend e, nagtext nga kanina na puntahan na raw kita e may lagnat naman ako…

Pitchi: Sige friend, okay lang. Pahinga ka ng mabuti! Pagaling ka ha?

Belle: Sige friend, bye.

*click*

                Si Belle nilalagnat, wala man lang akong makakwentuhan . *forever alone* TT__________TT Huhuhu.

                “Pitchi hija…” paglingon ko si mommy pala.

                “Ma, kayo po pala” sabi ko at naupo si mommy sa tabi ko.

                Nagbuntong-hininga siya, “Pumayag ka bang sumama sa daddy mo sa France?”

                “Hm… Sabi ko po pag-iisipan ko”

                “Ah, o sige anak…” sabi ni mommy at hinimas ang ulo ko at parang may sadness sa mga mata niya. Bakit kaya?...

                “Ma, may nangyari po ba?”

                “W-Wala anak. Don’t mind me, stress lang ako dahil sa puyat” at ngumiti siya pero halatang pilit. “Sige, maiwan muna kita ha?” at lumakad na siya paloob.

Love PrecautionWhere stories live. Discover now