"Oo nga e. Kailangan pa ipagawa sa mga batang 'to."

"Ano ba kayong dalawa diyan? Kasalanan ng mga magulang nila kung bakit nila ginagawa 'yang mga 'yan." Singit ng isa nilang kasamahan sa pag uusap ng dalawang ito. "Saka kung mamroblema kayo parang ito lang 'yung pinagkakakitaan natin ah. Atin ang Manila World of Casino pati 'yung Paradise Visayan Casino. Nagtatayo na rin sila ng Casino sa Tsina. At marami pa tayong negosyo na pinagkukuhanan ng yaman. Kaya, 'wag n'yong kaawaan 'yang mga 'yan." Singit ng isang tauhan sa usapan nilang dalawa.

--------

JADE MELLONTIKOS MANTIS'

Point of View

2 days have gone by and that 48 hours is freaking dull. I'm terribly unproductive. I even participated classes, not to fulfill freshman duties, but just to search for anything shady. But, I got nothing. My palm is empty.

Ah, it's cleaning time.

Umalis na ako sa classroom para tuparing muli ang punishment since vacant din naman namin ngayon. I did pretty well in avoiding Ru and his group but it seems they're not finding me anyway, which is good. Ayaw kong maubos ang enerhiya ko sa pakikipagbardagulan sa mga estudyante dito sa campus. Okay na 'yung pagchismisan nila ako, hindi ako mapapagod do'n.

Kasalukuyan na akong naglilinis ng mga bola rito sa basketball gym. Nililinis na kasi ngayon ng janitor ang mismong court kaya ang mga equipment na lang ang pinalinis niya sa'kin. Medyo ang uncomfortable kasi may kasama akong naglilinis dito na estudyanteng babae. Siguro parusa rin sa kanya. Hindi naman kami nagpapansinan kaya okay lang.

Pero, medyo awkward pa rin. Gusto ko na lang matapos 'to. Ayaw kong makaramdam ng nilalang sa paligid ko ngayon. Naba-bother ako kapag naririnig ko 'yung paghinga niya. Binilisan ko na rin ang aking pagpupunas para makalipat na ako agad ng lilinisan.

"Mga hija!" Pagtawag ng pansin sa'min ng janitor kaya naman ay napalingon kami rito.

"Sino'ng pwede sa inyo na lumipat sa main library? Kailangan daw nila ng taga-punas ng mga estante roon." Tanong nito na nakapagpataas sa aking kamay. "Sige, hija. Pumunta ka na lang doon at sabihan mo 'yung librarian." Utos nito saka ako tumango at agad na iniwan ang basahan bago isinukbit ang bag ko. 

After leaving that place, sumakay na ako sa van which is bound for the Main Library. Nang marating ay ginawa ko na ang bilin ng janitor. Ngayon lang kasi ako makakapunta ng Main Library since kailangan pa ng reservation kapag papasok doon at sampung minuto pa ang biyahe mula sa department building namin. Kaya naubusan ako ng reservation slot kahapon. 

I have already got the chance to wander around their Central Library which is smaller than this library. Wala akong nahanap na history book ng NGS or anything na related sa pag-establish ng mga founders. Kahit mga newspaper o magazine wala. Sabagay, internet at radyo pa lang ang meron sila at wala pa silang sariling station sa TV.

Kakaunti pa lamang ang tao dito sa first floor ng library. Bahagya ko munang sinilip ang paligid kung may mga cctv pero wala naman. Ibig-sabihin, walang importanteng dokumento dito sa baba. Kaya naman, binilisan ko na ang pagpupunas ng mga shelves saka agad na umakyat sa pangalawang palapag.

"I'm on cleaning duty po." Pagpapaalam ko sa librarian na nasa front desk saka ko pinakita ang ID ko. Nang maikumpirma niya ay ibinigay niya na ang maliit na vacuum cleaner saka ko inabot ang bag ko sa kanya bago ako nagtungo sa isang shelf.

Habang naglilinis ay pasimple kong nilingon ang paligid at naghanap muli ng cctv.

Fortunately, I spotted one. It's placed across the room.

CHOSEN ONES (Revised Version) (COMPLETED)Where stories live. Discover now