"Paano po ninyo nahuli agad ang mga suspek? E 'di ho ba kakapasok pa lamang ng tropa ninyo at imposible ang agarang paglabas n'yo at dala agad ang mga biktima?" And it goes like this. Mukhang dito na madadawit ang katauhan ko.

Tumingin sa akin si Chief General dahilan na sa akin matuon ang atensyon ng lahat.

"At sino nga po pala iyang kasama ninyo, Chief General? Isa po ba siyang secret agent?"

"Siya ang naabutan namin sa loob ng stock room. Sabay no'n ang nakatali nang tatlong suspek sa gitna. Ayon sa ilang napagtanungan naming witnesses, which are the victims, she's the one who helped the victims at dumepensa para ma-handcuffed ang mga suspects." Chief General explains to the media.

Nakatingin lang ako kay Chief General para maiwasan din na matutukan ang mukha ko ng kanilang mga camera. If you imagined him having a face na mga 40-50 years old ang itsura nitong si Daniel Dela Cruz, ay diyan kayo nagkakamali. PNP Chief General Daniel dela Cruz is a 25 year old man at pantansya ng mga kababaihan sa buong Pilipinas. Obviously. He's handsome. Hindi ko na kailangang idetalye ang features at sukat ng bawat parte ng mukha niya. His height, much taller than mine, well he's a guy after all. 

He's explaining confidently and sincerely. Naalala ko na naman ang sinagot niya kanina sa isang reporter. Paano kaya kung maraming mga tao ang nag-iisip ng gano'n? Pero, wala naman talaga kasi akong rason kung bakit ako nagbebenta ng mga armas. Bahala na sila.

"For clarification, this woman wasn't a victim nor one of the hostages. The gunshot wounds that she got were from the three suspects that she fought with." Dagdag niya pero napa irap na lang ako. Dapat 'di na lang niya sinabi 'yon. Alam ko na kung sa'n patungo ang usapan.

"Pero sino nga po ba siya? May we have a short interview with her? Just a little information about her and her name?" Tanong ng isang reporter dahilan para mapatigil ako.

Doomsday.

Tumingin si Chief General sa akin, na para bang nangungusap ang mata nito kung pwede o maaari ba. Ilang segundo lamang akong nakatingin sa kanya at iniisip ang ilang maaaring itatanong nila at ang pwede kong isagot.

"Uhmm siguro hin-----"

"Yes, you may." Hindi ko na pinatapos ang isasagot sana ni Chief General sa mga press at pinangunahan ko na ito. Dahilan upang mapatingin sa akin ang lahat sa sagot ko. Ah, wait... what did I just said?

What the hell?

Oo masikip dito at ayos naman ang layo nila sa amin dahil hinaharangan sila ng pulis para maiwasan ang gulo, pero parang may nararamdaman akong presensiya sa likod ko. Lagot na kung pulis 'to.

Easy-peasy lang naman siguro ang mga tanong nila. I wish, basic information. Pwede na ang one-line na sagot. Tatakbo na lang ako kapag suspiscious na ako.

"Kung hindi ka isang biktima ano ang ginagawa mo sa pinangyarihan ng insidente? O baka isa ka nga sa miyembro ng secret----"

"I'm not a secret agent. I'm there because I need to save someone." Agad kong sagot para 'di na humaba pa.

Isa pa, ang sabi niya just a little lang daw ang itatanong nila. Okay na 'to.

"Pero paano n'yo naman nalaman ang daan? At sino ang sinasabi mo na kailangan mong iligtas-----"

"Mas madaling makahanap ng daan sa taas."

"Uhmm hindi n'yo na kailangang sagutin ang tanong ko----"

"Pwede ba naming malaman 'yung pangalan mo?" Biglaang tanong ng isang reporter na lalaki.

Pamilyar siya sa na parang napanood ko na ata somewhere. Siguro siya 'yung isa sa mga reporter sa channel na pinapanood ko.

CHOSEN ONES (Revised Version) (COMPLETED)Where stories live. Discover now