Fifty Eight

1.1K 58 18
                                    

Thea Elise

Mangiyak ngiyak ako nung sumilip ako sa binatana ng Spectrum jet. Kitang kita ko na kasi ang nag gagandahang castles ng Tuscany.

Nung time na gumagawa kami ng Travel Bucketlist ni Nicky, alam ko na agad ang number one sa listahan ko..yun din kasi ang number one sa Life Bucketlist ko.

Visit Tuscany.

Hindi ko alam, siguro na fascinate ako sa castles dito, kahit nga nung kami pa ni Christopher--there was a time na nagkukuwentuhan kami tungkol sa mga pangarap namin--that was a rare moment..bago pa man yung pambubugbog niya sakin.

At isang napagkasunduan namin ay magpakasal dito---what a waste of wishful thinking.

Pero kahit na may bahid na bad memories yung kagustuhan kong makapunta dito, it didn't really matter kasi there's something about the place..na parang hinahatak ako papunta dito. Ganun din yata si Nicky, deep down kahit cynical kami, we wanted to get married to our prince charming, at number 1 sa Travel Bucketlist niya at Life Bucketlist ay makapunta ng Alexander Palace.

Obsessed kasi siya sa empires, kings, prince, princesses, dukes etc--oh well kahit sa Valois and Tudors, pero mas naguumapaw ang interes niya sa Russian Crown dahil na din sa pagkawala ng isang angkan doon. Natatawa nga ako kasi halos karamihan ng libro niya dati puro about sa history at mythology, siguro dahil na rin sa nagpe paint siya. She's fascinated by mysteries, how things are made and what not.

Sayang lang kasi hindi namin natupad ng sabay yung mga listahan namin.

Napalingon ako kay Grayson na mahimbing na natutulog kayakap ang baby kulit namin. I have to wake him up dahil mag dedescend na, pero naghintay muna ako ng ilang minuto para mapagmasdan silang dalawa.

I could not ask for anything else.

Kasama din namin sa jet sina kuya, Selene, mom and a pack of security details.

Napagplanuhan kasi namin na doon i-celebrate ang birthday ng Piggy namin at nung kambal since magkasunod na araw lang naman ang birthday nila.

Nakita ko nga ang kislap sa mga mata ni Selene habang nagpaplano ng "Royal Birthday" na siya ang nakaisip maging theme. Hindi ko nga alam kung natutulog pa ba siya lately dahil nga pati susuotin namin, siya at yung ilang magagaling na couturier sa Allure ang gagawa.

Nauna na sina Nicky doon a few days ago para makapag book ng castle and other things that will require time at syempre yung pinaka gusto kong castle ang pinili nila--Castello Banfi Il Borgo.

Hindi kasi kami agad naka alis ni Gray sa New York dahil napag usapan naming dalawa na ilibot sa Spectrum at itrain ng konti si kuya Theo tungkol sa pamamahala ng business.

Napansin kong seryoso talaga si kuya, despite the fact that he revealed to us his "shameful" (his words not mine) secret---na hindi naman niya talaga kailangang ikahiya.

I admired my husband more lalo na at nasolusyunan niya agad yung problema nito. Mas close na din sila ngayon, naiinis lang ako pag sumusobra ang inom nilang dalawa, pero minsan lang naman pagkatapos ng work nila.

Nag pa check up na din kami regarding conceiving another child, and normal naman ang findings. Kahit nga si Gray pina double check ang sperm count niya, baka daw kasi naapektuhan ng pagiging alcoholic niya yung little Maxwells.

Kaya siguro nung na clear yung alcohol side, ayun parang bff na sila ni kuya at ng alak.

Inaway ko pa nga siya at pinagsabihan dahil doon, kaya naman napagkasunduan namin na hanggang dalawang baso or bote ng beer na lang siya. Ayokong makalakihan siya na Greer ng laging umiinom, kapalit ay ang hindi ko na pagkain ng brownies---a hard bargain.

Touchedजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें