Nine

2.2K 85 41
                                    

Thea Elise

    "Welcome Thea at Nicky! Nako, pasensiya na sa bahay namin maliit lang ha?" Masayang bati saamin ni Tita Precy pagkababa pa lang namin sa multicab ng barangay nila.

    Tita is the current barangay captain of Pateros at pakiramdam ko ay super VIP ang treatment namin dito dahil sinundo pa talaga kami ng mga tanod sa tapat ng apartment namin.

    "Nonsense auntie! .Ang presko kaya dito!" Nakangiting sabi ni Nicky sabay halik sa pisngi ni tita, na ikinagulat nito.

    "Oo nga po tita, salamat po pala sa pagpapa escort sa mga tanod, nakakahiya para tuloy kaming VIP." Natatawa kong sabi sabay beso na din.

    "Mga ganda!!" Rinig kong sigaw ni Voltaire na ngayon ay nalingunan kong hingal na palapit saamin.

    Diretsong nakangiti ang tingin niya kay Nicky habang nagpupunas ng pawis at hawi ng side bangs. He is in his usual emo get up at pansin kong ginamit niya ang bigay kong pencil eye liner. Hindi kasi nag smudge.

    "Goodevening miss byutipul, can I carry your tupperware?" Pinunas pa nito ang mga kamay sa suot na pantalon habang kabadong nagsasalita sa amaze na amaze na si Nicky.

    "Sure handsome. Thank you." Inabot ng malandi kong bestfriend yung tupperware na may laman ng crispy pata sabay kindat.

    Natawa kaming lahat maliban kay Voltaire dahil mukha itong mahihimatay. Agad siyang binatukan ni Tita Precy.

    "Ilagay mo na nga yan doon sa likod, para kang natuod diyan susmaryosep." Natauhan naman ito at naglakad paalis ng may ngiti sa labi.

    "Sandali lang mga hija, tawagin ko yung pinakagwapo kong nag-iisang anak." Paalam ni Tita habang natatawa.

    "Nicky, remind mo ako maya kunin yung tupperware ha, kakabayad ko lang nun kay Jelly." Paalala ko sakanya.

    "Oo inay, obsessed much ka talaga sa Tupperware." Komento niya na binelatan ko na lang.

    Pareho kaming napalingon sa likod ng marinig si Tonyo. I think he's using a microphone para yata subukan yung videoke.

    "Mga ganda!" Tyrone materialized infront of us at nakita kong may hinahanap siya sa likod namin. Tinaasan ko siya ng kilay na parang nagtatanong.

    Lumapit siya at nag kamot ng ulo.

    "Ah..dun na tayo sa likod, inaayos kasi ni Tonyo yung videoke." Nagpalinga-linga pa siya sa paligid.

    "Sino ba hinahanap mo? Kulang pa ba ako Tyrone? My god, you're killing me here." birong tanong ni Nicky.

    Biglang namula si Tyrone at tumitig saming dalawa.

    "Ah..eh..si.."

    "Si?" dugtong ko.

    "Jelly.."Mahina niyang sabi.

    "OH MY GOD!!!!!!" Sabay naming sigaw ni Nicky.

     "Kasi naman mga ganda wag niyo akong ibubuking ha?" Kinamot pa nito ang ulo habang nagmamasid pa din sa may pintuan.

    "Okay, hayaan mo tulungan ka namin maya para makatabi mo...text ko siya maya pag-upo natin kung asan na. Pahiram din ng extension para macharge ko itong state of the art phone ko, kailangan ko na yatang palitan ang battery."

    "Sure. Salamat ganda, tara na sa likod andun na sila. Hindi na pala ininvite ni Tonyo si boss manager amo pinunong Raffy, bawal kasi dito ang manyakis." Tumawa kaming tatlo because we all shared the same sentiments.

TouchedWhere stories live. Discover now