Thirty Six

1.1K 65 17
                                    

Thea Elise

"What???" Irita kong sagot dahil kanina pa ring ng ring yung cellphone ko. Gusto ko pang matulog ng matiwasay dahil mamayang gabi may presscon ang ilang piling foundation na aatend sa Charity Ball, at dahil bukas na yung event hanggat maari gusto ko muna pagpahingahin ang nerves ko.

Mamaya kasi sigurado akong magiging laman kami ng balita, lalo na pag nalaman nilang Wyatt ang isa sa may ari ng foundation. Eversince kasi si Ollie na ang ginawa naming front para sa company given our predicaments.

"Nakahiga pa din kayo hanggang ngayon? Bloody hell! Kanina pa ako tumatawag sainyo ni ate Nicky!" Napangiti ako sa tindi ng grace under pressure ni Cara, kahit pa siguro grabeng badtrip niya hindi pa din niya matanggal ang po, opo or pag ate kuya samin nina Ollie.

"Slowdown Caroline, ano ba kasi yun?"

Narinig kong nagbuntong hininga siya.

"May sinend akong links sa viber niyo. My goodness, I thought mahigpit yung security niyo? Ang daming leaked photos niyo ni kuya Ollie!"

"Shit. I'll call you back." Bumaling ako sa tulog na tulog pa ding si Nicky with matching eyemask.

Kaya naman pala tulog na tulog kasi naka earphones.

I'm pretty sure nakaloop nanaman yung buong album ng Queen. Yun kasi ang pampatulog niya, nagtataka nga ako bakit ang talas pa din ng pandinig niya kahit overnight madalas ang pag soundtrip niya.

"Hey, Landi, gising." Tinanggal ko yung eyemask at earphones sabay tapik ng marahan sa pisngi niya.

"Hmmmm 5 minutes Manang."

"No, wake up na Landi."

"Uggh..fine."

"Upo na diyan, may sinend daw na links si Cara sa viber natin. I'm opening it right now...holy shittttttt. Fuck."

Inagaw naman sakin ni Nicky yung phone ko.

"Wyatt heiress resurfaces with Mystery man." Nicky read. "Whoa, sikat ka na T." 

Yun yung caption nung picture kung saan nakasampa ako sa likod ni Ollie kahapon pababa ng jet.

"Bwisit, paanong nakalabas tong mga to?" I clicked the second link at isang US gossip site ang bumungad samin.

"Oh my god.. 'Spotted at the Manila Peninsula, Thea Elise Wyatt, the estranged daughter of the late Socialite/International Model Freya Esquivel and Oil Mogul Theodore Wyatt. The elusive Ms. Wyatt was sporting a black hoodie, black gym shorts and a pair of knee length boots. Sources says that the man carrying her is Oliver Moreau, son of Financial Analyst Bernard Moreau and the humanitarian advocate,Jacqueline Lumineer. Oliver was wearing a black V neck shirt, cargo shorts and topsider shoes. Not much has been gathered regarding their relationship but they were pretty touchy and intimate according to one of the paparazzi." Basa ko dito. "Pambihira, mas worse ang paparazzi dito kaysa sa France." Itinapon ko yung phone sa higaan.

Nakita ko naman si Nicky na nagdial ng phone niya.

"Victor, have you read about the photo leaks of Thea and Ollie?" Anito, and I know si Victor ang kausap niya. Umiiling pa ito at sumimangot. "My god, bakit hindi niyo inagapan?Okay. Okay. Bye." Nakita ko ang pag irap niya at humarap na sakin.

"Confirmed, since matagal na daw may speculation ang media tungkol sa may ari ng TN Group, matagal na daw pala silang nag aabang sayo. And yun na nga, hindi na estimate nina Alpha yung dami ng paparazzi sa tarmac. And yung mga nagpost nga ng pictures niyo, yun yung mabilis na nakatakbo nung hinabol nila. Even Reuters,CNN and major gossip sites swarmed around the airport nung malaman nilang owners ng TN Group ang aatend ng Charity Ball. Well, I must admit, palaki na kasi ng palaki ang foundation natin, kaya siguro malakas ang hatak sa press, lalo pa't yung mga scholars mismo natin ang nagpopromote ng foundation sa social media. Alam mo na basta trending."

TouchedWhere stories live. Discover now