Thirty Nine

1.2K 75 34
                                    

Grayson Fitzgerald

"Son? Oh my son!" Medyo malabo na yung paningin ko, pero pilit ko pa rin inaaninag ang daan habang inaalalayan ni Ace.

Hindi na ako nag attend ng Charity Ball, pagkaalis ni Thea, dumiretso na ako sa Spectrum jet at bumyahe papunta dito sa New York.

Kailangan ko ng makausap si Cecile.

I have to make a choice..hindi ko na kaya na wala si Thea.

Nakatulugan ko sa jet ang pag inom, at eto nga akay akay na ako ni Ace papasok sa bahay namin.

"Son, anong nangyari sayo? Ace bakit lasing na lasing siya?" Nagaalalang tanong ni Cecile.

Isa sa pinaka importanteng tao sa buhay ko---na nagawa kong ipagkanulo ang pinakamamahal kong babae para lang maprotektahan siya.

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon, I want to hate my mother at the same time I want to hate myself dahil sa ginawa kong desisyon 3 years ago.

Fuck.

This is so messed up.

Pagod na pagod na akong magkunwari na kakayanin ko lahat para kay Cecile. Dahil sa totoo lang mas kakayanin ko ang lahat kung kasama ko si Thea.

Hindi yung ganito..na mag isa ako.

I feel so empty.

"Ang alam ko lang po madame, ang huli niyang kasama ay si Ms. Thea." Rinig kong sabi ni Ace.

"Thea? Siya din ba yung babae niya last time?" Naguguluhang tanong niya.

"Madame, if I may, can I speak freely?"

"Okay Ace, but it's Cecile and everyone knows that.. what is it about?"

"Uhmm. Cecile, alam niyo naman pong matagal na akong security ng anak niyo, and lahat ng pangyayari sa buhay niya, halos alam ko na din. Hindi po discreet na tao si sir lalo na pag dating sa karelasyon, and lalo ng hindi siya nangbabae. Dahil isang babae lang naman ang kinababaliwan niya hanggang ngayon."

I heard my mother gasp. "Anong ibig mong sabihin Ace? Si Stella ba?"

"Mas maayos po pag si sir na ang kinausap niyo po. Ang sa akin lang, hindi na bago itong paglalasing niya hanggang sa makatulog. Simula nung insidente sa opisina niya tatlong taon na ang nakakaraan, ito na po ang ginagawa niya."

Wala na akong narinig munang sagot galing kay Cecile. Nakapikit pa din ako dahil sa kalasingan.

"Sige Ace, and thank you. Hindi ko alam na ganito na pala ang nangyayari sa anak ko. Na nagiging selfish na ina na ako. Hindi ko man lang siya tinatanong kung masaya ba siya. Ikuha mo muna ako ng maligamgam na tubig at maliit na towel."

"Sige po madame."

"Salamat Ace. At hintayin mo ako sa library. I have something to discuss with you paka asikaso ko dito sa anak ko."

Narinig ko ang mga hakbang ni Ace palayo, at ang pag lundo ng kamang pinaglagyan sakin.

"Grayson, bakit naglihim ka kay mama? Bakit hindi mo sinasabi na nahihirapan ka? Masyado ba akong pabigat sa buhay niyo ng kapatid mo? Sino ba talaga si Thea, Grayson? Mahal ka ba niya? Siya ba ang nagpapasaya sayo?..."

Madami pang tinanong si Cecile, hanggang sa naramdaman ko na lang ang maligamgam na bimpo sa mukha ko na nagpatulog na sakin.

------

Fuck.

Sa halos gabi gabi kong pag inom hindi pa din ako sanay sa matinding hangover. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko para mabungaran ang pamilyar kong kwarto dito sa New York.

TouchedWhere stories live. Discover now