"Mitch, huwag mo ng pahirapan pa ang sarili mo. Sige na, makakaalis ka na."anito sa dalaga.



Nang tatangkain sanang talikuran iyon, pinigilan siya ng dalaga.



"Yung Mia na yun ba ang dahilan kaya umaayaw ka na sa akin?" matigas na tanong ng dalaga.



Subalit hindi agad sumagot si Anthony. Natahimik ito.



"Ano?! Bakit hindi ka magsalita diyan? Sagutin mo ang tanong ko." bulyaw sa kaniya ng dalaga.



"Fine! Gusto mong malaman ang totoo, Yes tama ang sinabi mo. Tinatapos ko na ang pakikipaglandian sa 'yo, because of here." malakas nitong sabi kay Michelle. Halos ipamukha na nitong ayaw na talaga sa dalaga. Pero parang hindi siya pinakikinggan.



Hanggang sa natigilan ang huli. Nabigla sa sagot ng binata. Pero hindi siya basta-basta magpapaapekto. Wala pang lalakeng umayaw sa kaniya. Kaya naman kara-karakay sinunggaban niya ang labi ni Anthony.



"Ummmmmm..."tangin ungol lamang ang narinig.



Tila wala namang pagtutul kay Anthony, bagkus ay lumaban din siya ng halikan. Naging mapusok at maalab iyon. Hanggang sa mapasandal na sila sa kotse.



Nasisiyahan naman si Mitch sa nangyari lalo pa't tinutugon din ng binata ang kaniyang mainit na halik. Mas lalo pa niyang ginalingan ang paghalik. Hanggang sa kinapa na niya ang pagkalalaki nito. Nang mabilis na matagpuan ay saka niya ipinasok ang kaniyang kamay sa loob ng pantalon ng binata.



Napaangat naman ang katawan ng huli. Kakaibang pakiramdaman iyon hanggang sa namalayan nalang nito na natatangay na siya sa ginagawa ni Michelle.



"Ahhhh...shit.." sa isip lang nito.



Pero may kung anong dumaan sa isipan ng binata. Napamulat siya. Sa pagkabigla ay naitulak nito ang dalaga.



"Umalis ka na ngayon din kung hindi, tatawag ako ng pulis para sila na ang bahala sa 'yo." galit na sabi nito sa dalaga. Muntik na siyang madala sa emosyong iyon. Mabuti nalang at napigilin din kaagad ang sarili.



"Oh come on, Anthony. Alam kong namiss mo rin ito. Mas higit pa diyan ang kaya kong gawin, alam mo 'yan." giit ng dalaga sa kaniya.



Hindi na nagpatangay pa sa pang-aakit na iyon si Anthony. Kaya bago pa mahuli ang lahat, kinaladkad nito ang babae at sapilitang isinakay sa sariling sasakyan.



"Umalis ka na, now!" galit at pasigaw nitong sabi.



Alam din Michelle kung ano ang ugali nito, kaya ng maramdamang galit na talaga ito sa kaniya, hindi na siya nagpumilit pa. Pero bago iyon ay sinalubong niya muna ang nakakapasong tingin nito.



"Hindi pa ako tapos sa 'yo, magkikita pa tayo." mariing sabi ng babae saka ini-start ang sasakyan at mabilis din na pinaharurot iyon ng takbo.



"Grrrrr..." sa gigil ni Anthony, napasipa pa siya sa gulong ng kaniyang sasakyan. "I'm warning you, Michelle... oras na may gawin kang hindi maganda, kalilimutan ko na babae ka." galit nitong sabi.



Mayamaya pa'y naalala nito si Mia. Tiyak na kanina pa ito naghihintay sa kaniya.



Hanggang sa mangmadali siyang sumakay sa kotse saka bumusina ng tatlong beses upang pagbuksan siya ng gate.



Akala pa nito ay si Manang Bebeng o Lina ang magbubukas ng gate, pero laking gulat nang makilala ang babaeng gumawa niyon. Bigla siyang kinabahan. Pero hindi niya kailangang ipahalata iyon kay Mia.



Nang ganap na maipasok sa loob ng garahe ang kaniyang kotse, nagmadali itong bumaba sa sasakyan.



Patakbong nilapitan ang dalaga.

(COMPLETED) PARTNER IN BEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon