Naglakad ito patungo sa kama upang maupo sa gilid niyon. She'd heard similar stories before. Ngunit hinayaan pa rin niya ang sarili na mahulog ng malalim katulad ng mga babaeng sinasabi ni Josefina. But it was more than just because of Donny's looks. It's the way he made her feel loved, protected and cared.

Kung puwede lang bumalik sa nakaraan...sana mas pinatatag niya pa ang puso niya. Sana hindi siya kaagad naniwala. Sana mas lalo niyang hinusayan ang pag-iwas. Sana hindi siya nasaktan at patuloy na nasasaktan.

"Kaso bigla siyang nawala. He studied abroad. Hindi ko na rin siya no'n nakikitang kasama nina Daniel sa mga bar na madalas nilang puntahan, eh," wika ni Cassi. "Maybe he finally decided to take life seriously. Hindi na rin naman siya bumabata."

Tumango-tango sina Sammie at Josefina roon. This whole conversation about Donny made her feel uneasy. Mabuti na lang at walang kaalam-alam ang mga kaibigan niya na minsan na silang naging malapit noon ng abogado.

"Mukhang hindi naman pala magiging malungkot ang bakasyon na 'to para sa'kin," nangingising sabi ni Cassi.

"Seriously, Cassandra? Si Donny? Hindi ba girlfriend niya ang anak ni Senator Delavin? He's off-limits!" natatawang sabi ni Sammie.

Nilingon niya si Cassi na nasa malapit lang. There's a naughty and playful gleam in her eyes. Mukhang sa halip na umatras ay mas lalo itong ginaganahan sa kung ano mang naiisip. She felt like she shouldn't react on this. Kaya pilit niyang kinikitil ang tila humihiwang sakit sa dibdib.

"If he's still in a relationship with her, sana kasama niya ang girlfriend niya rito."

"Malay mo kasama niya? In their hotel room or something," hula ni Josefina.

Baka nga kasama nito si Kisses at hindi lamang nila nakita. Bumagsak ang kanyang mga balikat. Itinuon niya na lamang ang mga mata sa kalmadong dagat at magandang araw sa labas ng kanilang hotel room na matatanaw mula sa nakabukas na balkonahe.

"We'll see..." Cassi in a determined tone.

Ilang minuto ang lumipas at dumating sa kanilang kuwarto ang mga lalaki. May dala-dalang mga pagkain ang mga ito at ilang bote ng alak. Agad na nagtama ang mga tingin nila ni Vitto. She gave her a weak smile. Naglakad ito palapit sa kanya at naupo sa espasyo sa kanyang tabi.

"How do you feel? Masama daw ang pakiramdam mo?" nag-aalala nitong tanong.

Maingay sila Cassi dahil bukod pala sa mga pagkain ay may dala ring DVDs ang mga lalaki na nirentahan ng mga ito. Nagtatalo kung ano'ng magandang pelikula ang dapat na unahing panoorin.

"Let's have our dinner here na lang din," anunsiyo ni Cassi na agad sinang-ayunan nina Sammie.

"Maayos na ako ngayon. Pasensiya na kanina kung bigla na lang akong nag-walk out doon," tabingi ang kanyang naging ngiti rito.

Tipid na ngumiti si Vitto sa kanya bago tumango, "You're fine, that's what's important. Kumain ka na muna." Inabutan siya nito ng sandwich at malugod niya iyong tinanggap.

The next day, mas dama niya ang excitement nilang magka-kaibigan dahil muling makakapag-laro. Maaga pa lang ay gising na sila at naghahanda. Nag-order na lamang sila ng breakfast at sa kuwarto na kumain para hindi na kailanganin pa ang bumaba.

"Mauuna ang game namin hindi ba?" tanong ni Sammie.

Josefina looked at the games' schedule, "Yup. Tayo ang mauuna."

She's cleaning the lenses of her volleyball sunglasses when she heard a knock from the door. Nagbibihis pa si Cassi samantalang sina Sammie at Josefina ay nag-uusap tungkol sa magiging laro. Sa huli'y iniwan niya ang ginagawa para buksan ang pinto.

Falling for Mr. Wrong (A SharDon Fanfiction)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant