Chapter 72: His Girl

Start from the beginning
                                    




hinigpitan ko yung yakap ko sakanya dahil ito lang ang alam kong way para icomfort sya. Pinapakinggan lang nya ko pero ramdam ko parin yung paghikbi nya.


"masakit umasa diba? Pero madalas patuloy parin tayo sa pag-asa. Lagi tayong umaasang may miracle kasi dun tayo humuhugot ng lakas para maging masaya..para magpatuloy. Ikaw ba, bakit ka patuloy na umaasa?"



"kasi naniniwala akong kahit gaano ako kag*g* papakinggan parin ako ni Lord."


napangiti ako sa sagot nya. Tumingin sya sa akin at mukhang ok na sya ulit ngayon.

"Ano sabi nung doctor? Miracle na lang ang kelangan natin. So, meron tayong 1%, 2%, 3% or pwede rin nating paabutin ng 100%, basta wag lang tayong susuko Carlo. Kakayanin ni Khate toh. Samahan natin sya hanggang sa huli. Miracle lang ang mapanghahawakan natin ngayon. At gawin na natin ang lahat ng magpapasaya sakanya, para kung dumating man yung araw na yun, iiwan nya tayo ng punong-puno ng memories. Mawala man sya, pwede parin sya magpatuloy dito, satin."


tinuro ko kung nasan yung puso ko.Sa totoo lang, takot din naman akong mangyari yun. Pero umaasa ako na makakasama parin namin sya ng matagal. Hindi naman masamang umasa diba? Naniniwala ka lang naman na may miracle. Not exactly sa gusto mong mangyari, pero sa plan ni God.



Sandali pa kaming nag-usap bago bumalik yung 'Half-human, half-animal like' ni Carlo. PSH. kanina parang batang umiiyak, tapos ngayon batang pasaway! Kulit kulit.


"Tingin mo talaga Ash? 100% sure?"


"hindi lang 100. 143%"

"psh. Nahahawa ka na kay Daniel ah. Tara na nga. Balik na kita"


hinawakan pa nya kamay ko pero pinigilan ko sya. Pinaharap ko sya kung saan nakapwesto sila Khate.


"Kung ako sayo isasayaw ko na sya bago pa sya mapagod kakasayaw sa iba." nasa likod nya ako at nakahawak sa magkabilang balikat nya. "Go na! Wag ng patorpe! Bading mo"


bigla ko syang tinulak. Aangal pa sana kaso napangiti na sya. May paheart heart sign pa sya sakin bago puntahan si Khate.


Hayst. Kaiyak! Nagmamature na si Carlo. Huhu! Binata na sya!PFFFT! Ahahaha! Parang nanay lang ang peg ko? Yikes!


So, ano pang gagawin ko? Hanapin si Daniel. Actually kanina ko pa sya hinahanap. Hindi man lang ako isayaw nung mokong na yun.



Pumunta na ko sa table at naabutan ko syang mag-isa. Seriously? Nakaupo lang ba sya dyan simula kanina?

Parang nakaramdam naman ako ng guilt sa naisip ko. Imposible namang ganun? Pero pano nga kung hinihintay lang nya ko? Eh kasi naman ASHLEY! Ikaw yung girlfriend tapos nakuha mong makipagsayaw sa iba at iwan sya? Samantalang dapat sya yung laging kong kasama ngayon.



"sige zoom pa."

umupo ako sa may tabi nya. Nagulat pa nga yata sya kasi bigla nyang inoff phone ko. Aysus! Trip na naman nya pictures ko. Makazoom wagas! Kaya ayokong pinapahawak sakanya yan eh.



"Hindi ka pa ba nagsasawang titigan mukha ko? Kelangan talaga izoom pa."


umiling lang sya at ngumiti. kinuha ko nasakanya yung iPod. Hayst. Malungkot nga sya ngayon, at dahil yun sakin. Kasi usually kukulitin nya ako agad or ituturo nya yung nakakatawa kong picture, mang-iinis sa pisngi ko, lalambingin or babanat ng cheesy words nya pero hindi yun yung nangyari.

Silently In Love (Completed)Where stories live. Discover now