Pinunasan ko ang baba niya nang makita ang dumi na hula ko'y grasa. Halatang kata-trabaho lang nila sa ginagawa nilang pangongolekta ng basura.

"Wala ka namang leeg e." Biro ko dito saka humalagapak sa tawa si Zai ang munting kaaway ni Biboy. Mukhang mag-aasaran na naman ang magkapatid.

"Oo nga kuya! HAHAHA mangalakal ka na lang!" Sabi ni Zai at nasamid pa sa kinakaing pandesal.

Sarap na sarap naman sa pagkain ang ilang mga kaibigan nila o 'yung mga bata dito sa barangay na ito habang kumakain dito sa karinderya ni Ate Suzy at Aling Juana.

Nang maramdaman kong may tao sa kaliwang bahagi ko ay agad ko itong nilingon. Si Ate Suzy pala. 25 years old pa lang siya at maagang nabuntis. Iniwan ng asawa kaya siya na lang ang nag-aalaga sa nag-iisang anak nila. Mabait itong si Ate Suzy gayon din ang nanay niyang si Aling Juana.

"Buti at napabisita ka ulit, Jay? Na-miss ka talaga ng mga batang 'yan hahaha." Sabi niya at mahina pa akong hinampas sa kanang braso ko.

Nakaupo kasi ako kasama ang mga bata, samantalang nakatayo naman si Ate Suzy at mukhang napadaan lang sa pwesto namin.

Pero kami lang naman ng mga bata ang sumasakop sa limang pahabang upuan nila dito sa karendirya kaya walang naaabala.

"Namiss ko rin naman sila. Magkano nga pala ang nakuha ng mga bata?" Tanong ko dito at nginitian niya muna ako bago sumenyas na titignan niya raw muna.

Nakangisi akong tinitignan isa-isa ang mga batang gutom na gutom sa pag kain nila.

Pansit, pandesal, juice, manok, hotdog at ice cream. 'Yan lang ang kinakain nila ngayon. Pero, parang isang taon na silang 'di kumakain dahil sa sobrang dumi na ng lamesang pinapatungan ng mga pinagkakainan nila ngayon.

Mahigit dalawang taon ko na silang binibisita, laging gan'to ang naaabutan ko. Walang pagbabago.

Inilibot kong muli ang paningin ko sa paligid at gano'n pa rin ang nasisilayan ko. Kung may nagbago man, 'yun ay lumala lang.

Marxist view tells us that poverty exists because of capitalism. And this is never wrong. Egalitarian and equality are among those words that were made ideally; not made because they are actually happening. Even if we are desperate to change this fact, it's impossible. 

Ipinamigay ko na sa kanila isa-isa  ang mga laruang binili ko mula sa mall ng NGS kanina lang umaga. Dahil mura at matibay ang mga gamit sa NGS ay doon ko naisipang mamili.

"May bago ka na namang wawalain, koya!" Pang aasar ni Zai kay Biboy na napanguso na lamang.

"E ikaw? May bagong sisirain?" Pambawi ni Biboy sa kapatid nito at nilabas ang dila at nag belat sa kapatid.

"Ay! May bago na namang ipapampalo sa'yo si tatay!!! Hahahaha" masiglang pang asar ni Zai sa kapatid.

Napatigil ako sa sinabi ni Zai. Agad kong inalisa nang mabuti ang mga braso ni Biboy saka ko nakita ang malaking pasa na nagtatago sa mahabang manggas ng damit niya.

Mariin ko itong pinagmasdan bago napakuyom ang aking kamay. 

"Sinaktan ka ulit ni Mang Ernes?" Tukoy ko sa ama nilang lasinggero at sugarol. Napasimangot si Biboy at parang kaunti na lang ay tutulo na ang mga luhang nanggigilid sa mga mata niya.

"O-opo..." Sabi niya at yumuko pa. Lumapit naman si Zai at hinimas ang likod ng kapatid habang nakasimangot din.

"Sorry kuya..." Sabi ni Zai.

Minarapat ko munang inilihis ang usapan namin at hinayaan sila na magkwento tungkol sa mga nakatatawang karanasan nila at sa kung ano-anong gusto nilang sabihin. Sinama pa nila ang pusa ni Biboy na pinagmamalaki niya pang walang buntot. Kahit paborito ito ni Biboy ay pinipilit niyang ibigay sa akin dahil nasabi ko sa kanya noon na mahilig ako sa pusa. Pero tinanggihan ko dahil bukod sa hindi ko kayang mag-alaga ay ito na lang din ang pag-aari niya.

CHOSEN ONES (Revised Version) (COMPLETED)Where stories live. Discover now