IA: LoM (TROAG) 15

6.2K 183 5
                                    

IA: LoM (TROAG) 15: Ranking Test

Cassia Jade Alvarez PoV~

Sa wakas nakabalik narin ako sa Academy. Wahhhhh!!!! Namiss ko ang Academy pati na rin sila. Nandito na ako ngayon sa harapan ng gate. Ng makita ako ng bantay ay pinagbuksan naman niya ako. Bago ako pinapabalik dito ay binigyan nila ako ng isang bracelet. At sinabi din nila kung sino talaga ako

/Flashback/

Sa wakas tapos narin ang paghihirap ko. Nandito kami ngayon sa labas ng kastilyo nila

"Princess" Tawag sa akin ni God Ezra

"Po?" Tanong ko sa kanya

"Here *sabay suot sa akin na napakagandang bracelet* wag na wag mo yan tatanggalin" Sabi nito sa akin

"Bakit?" Taka kung tanong sa kanya

"Para maitago ang totoo mong lakas. Kapag tinanggal mo ang bracelet na ito. Mararamdaman ng taga Dark Land ang lakas mo. Pagnagkataon ay kukunin ka nila at gagawing masama para kalabanin ang Academy, pati narin ang Illus Land" Paliwanag sa akin ni God Ezra

Napatango na lang ako

"Nga pala princess" Napatingin naman ako kay God Erebos

"Ang gamitin mong Illus ay Ice Element. Good Luck princess" Sabi nito sa akin

Tumango naman ako sa kanya

"At may sasabihin rin kami sayo princess" Saad ni God Poseidon na ikinatingin ko sa kanya

Ito na ba yon? Yung sinabi sa akin ni God Khione

"Don't tell it to everyone" Sabi naman sa akin ni God Veles

Tumango na lang ako. Napakagat labi naman ako dahil sa totoo lang ay kinakabahan ako sa sasabihin nila ngayon sa akin

"Ikaw ay isang katulad namin. Kami ang lumikha sayo. Kaya nasa sayo ang lahat ng Illus at Special Abilities. Ikaw lang ang makakatalo ni Lord Archer, ang Dark Lord, mahal na prinsesa. Kaya mag-ensayo ka pa ng mabuti para makapaghanda ka pa sa nalalapit na digmaan, sa pagitan ng dalawang kaharian. Don't trust easily princess. Trust yourself" Litanya ni God Ezra

Illus Academy: Land of Magic (The Rebirth Of A Goddess)✔(Under Major Editing)Where stories live. Discover now