IA: LoM (TROAG) 34

4.6K 137 7
                                    

IA: LoM (TROAG) 34: She's already fine

Jared Knight PoV~

/Student Council Office/

"Hindi ba natin bibisitahin si Cassia?" Tanong ko kay Troy

"We need to finish this. Then, we will visit her" Sagot nito sa akin

Tumango na lang ako

"Nga pala, nasaan na ang Elemental Stones?" Tanong ko na naman sa kanya

"Nasa pangangalaga na ng Councils" Sagot nito

Napa-buntong hininga na lang ako. Sana naman nagamot na nila si Cassia dahil ngayong araw na ang panghuli. Malalagot talaga kami kapag nalaman nila ang nangyari kay Cassia. Napabuntong hininga na lang ako

"They will mad at us for not protecting her" Nasabi ko na lang

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Troy

"We will just face our consequences" Naisaad na lang ni Troy

"Yeah right" Naibulas ko na lang

Ng matapos na ako ay binaling ko ang tingin kay Troy na hindi pa tapos. Mas madami kasi yung sa kanya kaysa sa akin. Dahil sa mission niya kaya natambakan siya ng mga papeles

"Hindi ka pa tapos?" Tanong ko sa kanya

"Malapit na" Sagot nito

Binaling ko na lang ang tingin ko sa glass wall kung saan tanaw dito ang field ng Academy. Naalala ko yung araw na pinapatakbo sila ni Professor Zane at pinapahabol ng tatlong malalaking wolves. Tawa ako ng tawa that time dahil sa nahuhuli sila Cassia, Asha at Sienna. If you can see their faces that time, mamatay kayo sa tawa

Napangiti na lang ako ng maalala ko yon

Naalala ko din na hinarangan ko siya sa hallway at binigyan ng box of chocolate. Natulala pa nga ako ng ngitian niya ako ng matamis. Nakakabakla pakinggan pero, damn, kinikilig ako that time. Kaya umalis agad ako para hindi nila makita na namumula ako dahil sa kilig, nakakahiya kaya

"Tara na" Natauhan naman ako dahil sa boses ni Troy

Pagtingin ko sa kanya ay nakatayo na siya sa kinauupuan niya, kaya tumayo na rin ako sa kinauupuan ko at naglakad na kami palabas ng office papunta sa Illus Hospital. Doon na kasi siya dinala ni Grey pagkadating nila dito. Hindi kakayanin kung sa Infirmary lang siya

Habang naglalakad kami ay nagtitilian yung mga kababaihan dito sa hallway. Napapailing na lang ako. Ang hirap talaga kapag gwapo, ang daming naghuhumaling sayo. Except kay Cassia na parang wala lang sa kanya kung nakikita siya ng gwapo. Kaya nga nagustuhan ko siya. Napangisi na lang ako sa pinag-iisip ko

Ng makarating na kami sa hospital ay dumeristo agad kami ni Troy sa E.R

Pagkadating namin ay nandoon na silang lahat

"Bakit nandito kayo sa labas?" Tanong ko sa kanila

"Pinapalabas kami dahil gagamutin na nila si Cassia baby" Sagot ni Asha

Napatango na lang kami ni Troy. Mabuti naman at magagamot na siya

After an hour ay lumabas na rin ang apat na higher healer

"Ano na? Umepekto ba? Ok na ba si Cassia baby? Gigising na ba siya?" Tanong agad ni Sienna

"Woah~~, isa-isa lang, mahina ang kalaban" Sabi ni Lance Scott

"Sumagot ka na lang" Sabi naman ni Asha

Ang taray talaga ng babaeng ito

"She's already fine, umepekto ang ginawa naming lunas. Hihintayin na lang natin kung kailan siya magigising" Sagot ni Jake O'Brien

Illus Academy: Land of Magic (The Rebirth Of A Goddess)✔(Under Major Editing)On viuen les histories. Descobreix ara