IA: LoM (TROAG) 23

6K 168 8
                                    

IA: LoM (TROAG) 23: First stop, Ayala Museum in Makati

A/N: Stone Necklace on multimedia 📷 🔝

Cassia Jade Alvarez PoV~

Nandito kami ngayon sa hapag kainan. Dahil kakain na kami ng breakfast alangan naman maglalaro kami diba? Aish... Ayan ka na naman Jade

"Ngayon ba tayo magsisimula sa paghahanap natin ng elemental stone?" Tanong ni ate Thalia

Ang awkward kung tatawagin ko sila na ate, pero kahit nao-awkward ay tinawag ko pa rin sila ng ate, pero except nila Sienna at Asha, hehehehe

"Oo, ngayon na tayo magsisimula sa paghahanap natin sa mga elemental stone para maaga tayo makabalik sa Academy. Mas maaga, mas maganda. Kailangan natin unahan ang taga-Dark Land sa paghahanap. Kapag naunahan tayo. Ikakabagsak ito ng Academy" Paliwanag ni Sienna

Tumango na lang kami dahil may point si Sienna. Hindi kami pwede mag-relax lang

"Punta muna ako sa kwarto, may gagawin lang muna ako" Nakangiti kung sabi sa kanila

Tumango lang sila. Kaya tumayo na ako sa pagkakaupo ko at naglakad na papunta sa kwarto ko

Ng makarating na ako sa kwarto ko ay umupo ka agad ako sa kama ko then binalot ko ng force field ang kwarto ko para walang makakarinig sa akin sa pag-uusap ng mga God

Pinikit ko naman ang dalawa kung mata at nag concentrate. Pag-dilat ko ay--------

😱 Sino ba ang hindi magugulat kung and bumungad sayo ay ang pagmumukha ni God Veles? At hindi lang yan sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko

"Ahm.... God Veles pwede mo ba ilayo and pagmumukha mo sa mukha ko" Sabi ko sa kanya

Ang awkward lang kasi

"Bakit? Hindi ka ba naga-gwapuhan sa akin?" Naka-pout na tanong sa akin ni God Veles

"Hindi naman sa ganoon pero---" Hindi ko naman naituloy ang sasabihin ko ng sumingit si God Ezra

"Lumayo ka nga Veles, nao-awkward na sayo si princess" Sabi ni God Ezra tapos hinila niya si God Veles papalayo sa akin

"Hehehehe salamat God Ezra" Nakangiti kung sabi sa kanya

"Bakit mo kami tinawag princess?" Tanong ni God Poseidon sa akin

"Hinahanap kasi namin ang elemental stone dito sa mortal world" Sagot ko sa kanila

"Gusto ko lang malaman na nandito lang ba sa manila ang hinahanap naming elemental stone?" Tanong ko sa kanila

"Nandito lang sa manila ang elemental stone. Kaya alam namin na mahahanap niyo ito" Sagot at sabi ni God Erebos

"Alam ko na naramdaman niyo ang aura ng mga elemental stone" Nakangiti kung sabi sa kanila

"Dahil alam rin namin na naramdaman mo rin yon. Pero bakit mo tinatanong kung nandito ang elemental stone?" Sagot at tanong ni God Khione sa akin

"Gusto ko lang siguraduhin" Nakangiti kung sagot sa kanya

"Good luck princess" Nagulat naman ako na nakatingin kay God Hephaestus

"Nandito ka pala. At himala nag-salita ka na. Akala namin wala ka dito" Pang-aasar ko sa kanya

"Tsss..." Naibulas na lang ni God Hephaestus

Napa-iling na lang ako. Balik sa dati na naman. Ikaw naman kasi Jade, inasar mo pa

"Sige babalik na kami. Mag-iingat kayo dahil naramdaman ko ang mga aura ng taga-Dark Land" Sabi sa akin ni God Ezra

"Wag kang mag-aalala mag-iingat kami" Sabi ko sa kanya

Tumango lang siya, and with that ay nawala na lang sila na parang bula. Kaya pinawalang bisa ko na ang force field na ginawa ko. Napa-buntong hininga na lang ako

Lumabas na rin ako sa kwarto ko at naglakad na pababa. Ng na sa baba na ako ay nakita ko sila na nakaupo sa couches. Ng makita nila ako ay tumayo agad sila

"Let's go" Pangyaya ni Grey

"Saang museum ang una nating pupuntahan?" Tanong ko sa kanila

"Ayala Museum sa Makati" Sagot ni Vaughn

Tumango na lang ako

"Pahatid tayo kay manong Pedro" Sabi ko na lang sa kanila

Tumango naman sila. Kaya tinawag ko si manong Pedro. Maya-maya ay nandito na si manong Pedro sakay sa limousine. Pinag-buksan naman kami ng pinto nung bodyguard na nagbabantay sa harapan ng bahay. Ng nandito na kami sa loob ay umalis na kami sa village

Katabi ko naman si Troy, dahil nabo-boringan ako ngayon ay kukulitin ko muna siya

"Siya nga pala Troy, may girlfriend ka na ba?" Tanong ko sa kanya

Napalingon naman siya sa akin, then I heard him chuckle

"Bakit?" Naka-pout kung tanong sa kanya

"Ang cute mo kasi" Natatawang sagot nito sa akin

"Sagutin mo kaya yung tanong ko sayo" Sabi ko sa kanya

"Hahahaha..... Wala" Wala? Sa gwapo niyang yan? Wala pa siyang girlfriend?

"Wee~ dinga" Hindi makapaniwalang sabi ko sa kanya

"Oo nga" Sabi nito sa akin

"Sa gwapo mong yan. Wala talaga?" Sabi at tanong ko sa kanya

"So gwapo ako para sayo?" Tanong nito sa akin

"Oo" Maikli kung sagot sa kanya

Totoo naman eh~

"Hahahaha may nag-seselos dito" Natatawang sabi ni Asha

Napatingin naman ako sa kanya

"Selos? Kanino? At sino?" Tuloy-tuloy kung tanong kay Asha

Hindi naman halata na curious ako? Hehehehehe

"Nasa tabi tabi lang. Kanino? Hahahaha sa inyong dalawa ni Troy, Cassia baby" Natatawang sagot ni Asha

Sa amin ni Troy? At nasa tabi tabi lang? Sino sa kanila? (Grey, Hamish, Vaughn, Thalia and Hailey)

Pero parang pinagloloko lang naman ako ni Asha. Bakit naman sila mag-seselos sa amin ni Troy? Wala naman dapat ika-selos











💬
OMG!!! Sino sa kanila?

Abangan sa next chapter

Hahahahaha

Please vote, comment and follow me guys. Thank you so much

Illus Academy: Land of Magic (The Rebirth Of A Goddess)✔(Under Major Editing)Where stories live. Discover now