IA: LoM (TROAG) 19

6.3K 182 15
                                    

IA: LoM (TROAG) 19: Meet the Reapers

Cassia Jade Alvarez PoV~

Nandito kami ngayon sa mystique garden. Dito kasi dumeritso si Grey

"Aish... Bat ang tagal nila" Inis na sabi ni Asha

"Wag kang atat Asha, in any sec., nandito na ang mga yon" Natatawang sabi ni Sienna

OP ako sa kanila. Hindi ko naman kasi kilala ang tinutukoy nila

"Nandito na pala sila" Napatingin naman ako sa may entrance

And then may nakita akong dalawang nagagandahang babae at dalawang nagagwapuhang lalaki

"Sorry natagalan kami, nag-report pa kasi kami ni Head Master Hendrix" Sabi nung babae na may kulay itim na buhok hanggang balikat ang haba nito

"Hey, babe namiss kita" Sabi nung lalaking kulay tsokolate na buhok at lumapit ito kay Asha

Babe? Sila ba? May boyfriend si Asha?

"Sorry hon natagalan kami sa mission namin" Sabi nung lalaki na may pulang buhok at lumapit ito kay Sienna

May boyfriend na ba sila? Bakit hindi ko man lang alam? Shunga ka talaga Jade, nagtanong ka ba? Ito na naman po tayo binara ko na naman ang sarili ko. Pero sabi nila na kaibigan lang kaya hindi ako nag-a-asume

"Sino siya?" Tanong nung babae na may pink na buhok

Tumingin naman sila sa akin

"Nga pala guys, new friend at one of the Elites. Siya si Cassia Jade Alvarez. Galing siya sa mortal world. One of the ice elemental holder. Ang bunso sa grupo natin" Pakilala ni Asha sa akin

Nginitian ko lang sila. Sa totoo lang? Nahihiya ako sa kanila

"Hi, I'm Hailey Salvador, my Illus is Life Draining" Pakilala nung pink na buhok

"Hello, I'm Thalia Yokohama, isa akong Witch" Pakilala nitong itim na buhok

"Hi, Cassia ako nga pala si Caleb Monteverde may Illus is lightning. Boyfriend ako ni Sienna" Pakilala nitong pula na buhok

"Hi, Jade, I'm Cedric Lee, my Illus is Petrification. Boyfriend ako ni Asha" Pakilala nitong tsokolate na buhok

"Nice to meet you all" Nakangiti kung sabi sa kanilang apat

"At Cassia baby, sila ang The Reapers. The 2nd strongest here in Illus Academy. Like us they also able to do a mission. They are from Sphinx House" Sabi sa akin ni Asha

"Talaga?" Gulat na gulat kung bulas

"Waahhh!! Bakit ang cute cute cute mo Cassia" Nanggigigil na sabi sa akin ni Hailey sabay kurot sa right cheek ko

"Machakit" Huhuhuhu ang sakit

Ito na naman po tayo sa panggigigil na yan. Kawawa tuloy ang cheekbone ko *pout*

"Hehehe peace, ang cute cute cute mo lang kasi Cassia, sarap mo i-display" Nakangiting sabi ni Hailey sabay peace sign

"Mabuti naman may bunso na tayo sa grupo" Masayang sabi ni Thalia

"Babe kapag nagka-anak tayo. Gusto ko kasing cute ni Cassia" Sabi ni Cedric kay Asha

Namula naman si Asha sabay hampas sa braso nito

"Bata pa tayo babe, kaya tumigil ka diyan" Saway ni Asha

Ang sweet nila

"Nga pala, pwede ba ako magtanong?" Tanong ko sa kanila

Illus Academy: Land of Magic (The Rebirth Of A Goddess)✔(Under Major Editing)Where stories live. Discover now