IA: LoM (TROAG) 29

6.9K 190 82
                                    

IA: LoM (TROAG) 29: Grey's confession but someone interrupt it

Cassia Jade Alvarez PoV~

Hi-hinalikan a-ako ni Grey!! Pero bakit hindi man lang ako nagalit? Ang weird. Pero bakit niya ako hinalikan?

*dub.dub.dub.dub.dub.dub.dub*

Ang bilis ng heartbeat ko. Napahawak naman ako sa dibdib ko habang nakatitig pa rin kay Grey. What's the meaning of this? May sakit ba ako sa puso? Pero sa pagkakaalam ko, healthy naman ako. Kumakain nga ako ng gulay at prutas. Pero bakit ang bilis ng heartbeat ko? Kailangan ko na talaga magpa-check up

"Grey" Naibulas ko na lang

Hindi pa kasi niya sinasagot yung tanong ko

"I want to tell this to you once, so please listen ok" Sabi nito sa akin

Tumango lang ako

"*sigh* I li-----"

"Nandito lang pala kayo" Napalingon naman ako sa likod ko

Then we saw Asha smirking

"Bumaba na kayo dahil kakain na" Dagdag nito

Then she close the door. Binalik ko naman ang tingin ko kay Grey

"Ano yon Grey?" Tanong ko sa kanya

"Aish.... Nothing, just don't mind it" Sabi na lang nito

Then he hold my hand at naglakad na kami papunta sa dining room

Ano kaya ang sasabihin niya? Ano yon? I li-----, anong kasunod non? Naman~, hindi ata ako makakatulog nito. Kainis kasi si Asha eh~ *pout* 😣. Yan tuloy may iisipin na naman ako

Ng makarating na kami sa dining room ay lahat napatingin sa amin ni Grey-------- no scratch that---- sa kamay pala namin. Bakit? Then tinignan ko yung kamay namin. Anong mali? Nakahawak lang naman si Grey sa kamay ko. Anong problema doon?

"Anong mukha yan bunso?" Tanong ni ate Hailey sa akin

"Wala naman" Yan na lang ang naisagot ko

Bakit? Ano ba ang mukha ko? Hinila naman ako ni Grey papunta sa table. Ng na sa table na kami ay binitiwan ni Grey ang pagkakahawak sa kamay ko

Then umupo na kami sa upuan at nagsimula na kami kumain. Habang kumakain ay kung ano-ano lang ang pinag-uusapan namin. Ng matapos ay dumeritso agad ako sa back garden. Ng makarating ay humiga agad ako sa damo

Ang dami namang bituin ngayong gabi. Ang gaganda nila. *sigh* Mommy, Daddy, nasaan na kayo ngayon? Kumakain ba kayo sa tamang oras? Nakakapag-pahinga po ba kayo? I miss you both. Kung may Illus ako, ibig sabihin meron din kayo?

Ang tanga mo talaga Jade, magkakilala nga sila ni Head Master. Bakit ganito? Palagi ko na lang binabara ang sarili ko? 😣

Naramdaman ko naman na may tumabi sa akin. Kaya napalingon ako sa right side ko. Then, I saw Hamish. Binalik ko na lang ang tingin sa ulap

"They're beautiful" Rinig kung bulas nito

"Alam mo Hamish, nakakainis na kayong dalawa ni Grey" Sabi ko sa kanya

Ewan pero yon agad ang unang lumabas sa bibig ko

Pero na sa ulap parin ako naka-tingin. Ang ganda kasi, kasing ganda ko. Ang umangal susunugin ko. Pero peace lang, hindi ako bad girl. Good girl ata to

"Why?" Nagtataka nitong tanong sa akin

"Nakakainis kasi kayo dahil palagi kayong nag-e-english. Mabuti na lang fluent ako kung hindi dudugo talaga ang ilong ko pati utak ko sa kaka-english niyong dalawa. At hindi lang yan, mapapanis ata ang laway ko sa inyo, hindi man lang kayo nagsasalita. Pamensan-mensan lang kung kinakailangan" Naka-pout kung sagot sa kanya

"It's that so?" Tanong ni Hamish

"Anong 'It's that so- It's that so' na lang" Sagot ko sa kanya

"Cassia" Tawag nito sa akin

"Yes" Sagot ko sa kanya

"What type of guy do you want to become your boyfriend?" Tanong nito sa akin

Napakurap-kurap na lang ako sa naging tanong sa akin ni Hamish

"Hindi ko alam, hahahaha weird right?" Natatawa kung sabi sa kanya

"Kinda" Sagot na lang nito

"Sa totoo lang hindi naman ako mapili. Basta mabait, magalang, may respeto sa akin, mapagmahal at mahal na mahal ako ng sobra. Yon lang naman ang gusto ko sa isang lalaki. Hindi naman ako mapili sa itsura. Ikaw? Anong gusto mo sa babae?" Tanong ko sa kanya

"Li-----"

"Tssss..... Why the both of you are here outside?" Napaupo naman ako then lumingon sa likod ko

Then I saw Grey na sobrang seryoso

"Maganda kasi yung ulap, tignan mo oh~ *sabay tingin sa ulap*, ang daming stars" Nakangiti kung sagot sa kanya

"Samahan mo kami Grey, dali~" Sabi ko sa kanya

Humiga naman siya sa tabi ko kaya humiga na rin ako. Ito na naman tayo, pinag-gitnaan na naman nila akong dalawa

"Nga pala meron bang event ang Academy?" Tanong ko sa kanila

"Yes" They answer in unison

"Ano naman yon?" Tanong ko na naman

"Next month is Acquaintance Party" Sagot ni Hamish

Napaupo naman ako

"Next month" Bulas ko na lang na gulat na gulat. Bakit hindi ko alam yon?

Umupo naman silang dalawa

"Yeah, why?" Tanong sa akin ni Grey

"Wahhh~ kailangan natin tapusin ang mission natin. Gusto ko pa naman pumunta" Naka-pout kung sabi

"It's boring" Sabay na sabi nilang dalawa

May choir ba? Sabay kasi silang magsalita

"Ya! First time ko um-attend ng party" Sabi ko sa dalawa

"Seriously" Yan na naman yang sabayan na pagbigkas

"Oo nga" Sabi ko na lang

"How about your previous school?" Tanong sa akin ni Hamish

Napatahimik na lang ako

"Cassia" Tawag pansin sa akin ni Grey

"Paano kasi------ natatakot ako um-attend dahil wala akong kaibigan na makakasama sa party o event ng school. Natatakot akong ipapahiya nila ako sa mga student o ibully sa harapan ng school buddies" Sabi ko na lang habang mahahalata sa boses ko ang kalungkutan

"Tsss...." Bulas na lang nilang dalawa

Napa-pout naman ako. Sarap nila sunugin. Ano sila kambal? Dahil sabay na magsalita o baka naman member sila ng choir. Eh ang tanong my choir ba ang Illus Land?

Asha Foster PoV~

Naistorbo ko ata ang dalawa kanina? Kasi naman, pagkakita ko kay Cassia baby na parang hindi maipinta ang mukha kanina ng makapasok na sila sa dining room

Si Grey naman ay seryoso. Asha naman palagi naman yan seryoso. Hindi mo pa yan nakikitang ngumiti o kung ano pa yan. Well, except na nakita na namin siya na galit dahil lang sa nag-holding hands sila Vaughn at Cassia baby

Maalala ko lang yon? Natatawa ako. Galit kasi ang mababakas sa mukha ni Grey at ni Hamish. Akalain niyo yon, tinamaan na ang dalawa. Yelo kasi ang puso ni Hamish habang si Grey naman ay bato

Tssss.... Bahala na nga sila, makatulog na nga lang

😴😴😴😴😴😴😴














💬
Pft... Ang epek ng confession ni Grey

Good luck next time Grey. Sana wala ng istorbo, pft hahahahaha

Sino ang bet you guys, mag-comment lang kayo 😊😊

Done this chapter

Sorry for the short update. Please vote, comment and follow me. Thank you so much

Illus Academy: Land of Magic (The Rebirth Of A Goddess)✔(Under Major Editing)Where stories live. Discover now