IA: LoM (TROAG) 11

6.5K 201 13
                                    

IA: LoM (TROAG) 11: Training with God of Ice, Khione

Cassia Jade Alvarez PoV~

"Sige guys, magti-training na ako" Sabi ko sa kanila

"Saan ka magti-training?" Tanong ni Vaughn sa akin

"Sa Mystique Garden. Doon na lang ako. Mas gusto ko na mapag-isa para makapag-concentrate ako" Sagot ko sa kanila

Sa totoo lang mas maganda sana sa Illus Garden, pero baka may makakita sa akin at may magsumbong kay Head Master, edi pagagalitan ako. Sa Mystique Garden kasi ay pwede ako kahit may makakita pa dahil binigyan naman ako ng pahintulot nila Sienna, Asha at Vaughn

"Baka maulit na naman yung nangyari sayo Cassia baby" Sabi na lang ni Sienna

"I'm fine, I promise" Nakangiti kung sabi sa kanya

"Are you sure Cassia baby?" Tanong ni Asha sa akin

Tumango lang ako. And with that ay umalis na ako sa cafeteria at naglakad na papunta sa Mystique Garden. Ng makarating ay umupo agad ako sa damuhan at pumikit. Ginawa ko ang ginawa ko noon. Hanggang sa naramdaman ko ang lamig sa paligid ko. Kaya napadilat agad ako. Nasaan ako?

"Welcome to Icea, mahal na prinsesa" Seryosong sabi ni God Khione

Ngitian ko na lang siya

"Can we start?" Tanong nito sa akin

Tumango lang ako sa kanya. Kayanin mo ito Jade. Fighting!

"Ok then. Close your eyes. Feel your energy. When you feel it. Say the word ice spike" Sabi nito sa akin

Nagtataka ko naman siyang tinignan? Ice? Akala ko ba Earth Element lang ang Illus ko? Bakit may ice?

"Ice?" Nagtataka kung tanong sa kanya

"Just follow what I said princess. After your training, we will explain everything to you. For now don't asked any question. Just go with the flow" Sabi into sa akin

Sinunod ko na lang siya. Sobrang seryoso niya kasi *pout*. Ng maramdaman ko na yung enerhiya ko ay binigkas ko na nga

"Ice spike"

"Open your eyes princess" Minulat ko nga yung dalawa kung mata

At may nakita akong isang hindi gaano kalaki na ice na lumulutang sa harapan ko na sobrang tulis ng dulo nito

"Ibato mo yan sa kahit na saan mahal na prinsesa" Ginawa ko naman yung sinabi niya

Binato ko nga ito sa kanan ko. Pero kino-control ko ang ice spike. Iniwasiwas ko naman yung daliri ko ng kaunti papunta sa pwesto ni God Khione. Hindi ko pinapahalata ang ginawa ko kay God Khione. Seryoso lang akong nakatingin kay God Khione, hanggang sa makita ko na ang ice spike na nasa likod niya. Ng malapit na ang ice spike sa kanya ay bigla na lang gumilid at tinapat ang kaliwa niyang kamay sa matulis na dulo ng ice spike. Then bigla na lang nawasak ang ice spike na ginawa ko. Napa-pout naman ako ng kaunti sa nakita ko. Hindi talaga sila basta-basta lang matatamaan

"I think alam mo na ang gagawin mo mahal na prinsesa" Sabi nito sa akin

Tumango na lang ako. Katulad lang naman ito sa training ko kay God Veles. Ang kaibahan nga lang ay ang elements

"Ice wall"

Then may ice wall na nasa harapan ko. Wow ang galing

"Ice shield"

Then may transparent na ice na pumalibot sa akin. Ang mga Ice Elemental Holder lang ang may kayang makakita sa shield na ginawa mo. Cool diba? And if you're asking, why I did know? Well, I did an advance read

Illus Academy: Land of Magic (The Rebirth Of A Goddess)✔(Under Major Editing)Where stories live. Discover now