IA: LoM (TROAG) 36

5.4K 166 68
                                    

IA: LoM (TROAG) 36: Welcoming Party/Acquaintance Party

Cassia Jade Alvarez PoV~

Nandito ako ngayon sa library. Wala kasi kaming pasok ngayon dahil naghahanda na sila para sa Acquaintance Party. Well, kahit papano, naa-adopt din nila ang pamumuhay sa mortal world

Satyr-half goat and half men o women

Lernaean Hydra- a serpent with nine heads

"Anong binabasa mo Cassia" Napalingon naman ako sa katabi ko

"It's all about creatures" Sagot ko sa kanya

Kasama ko si Irene dito sa library, nagbabasa siya patungkol sa iba't-ibang klase ng halaman. Kami lang kasi ang magkasama ngayon. Tinatanong niyo kung nasaan ang Elites at ang The Reapers? Well, may kanyang-kanyang gawain para sa party. In short, ako lang ang hindi busy. Mabuti na lang nakita ko si Irene dito sa library kaya may kasama ako

Nga pala, 1 week na ang nakakalipas ng makalabas na ako sa hospital. At sa loob ng 1 week ay nagiging weird sina Troy, Jared, Vaughn at Hamish. Kung paanong weird? Malalaman niyo. Si Grey naman ay ayon ganoon pa rin. Napapansin ko lang na sa akin lang siya ganon. Pagdating sa iba ay cold, emotionless at maikli lang kung magsalita o sumagot

"Cassia" Nabalik naman ako sa realidad

"Bakit?" Tanong ko kay Irene

"Magla-lunch na. Kaya pumunta na tayo sa cafeteria" Pangyaya nito sa akin

Tumango naman ako at binalik na namin ang aklat na sa pinagkuhanan namin. At naglakad na kami palabas ng library papunta sa cafeteria. Habang naglalakad ay panay bati sa akin ng mga school mate ko kaya binati ko rin sila na may kasamang ngiti. Kung may gusto sa akin, may ayaw din sa akin. Katulad nito

"What a pathetic bitch" Bulas ni Camilla

Camilla Stewart #1 na may ayaw sa akin

Hindi ko alam kung bakit ayaw niya sa akin. Wala naman akong ginagawa sa kanya. Siya lang to, bigla-biglang nang-aaway

"Pwede ba Camilla, wag kang hahara-harang sa dinadaanan namin" Inis na sabi ni Irene

"Hindi ikaw ang hinaharangan namin kundi itong mahinang babae na ito" Sabi naman ni Bianca

Bianca Parker #2 na may ayaw sa akin

"Ano bang ginagawa ni Cassia sa inyo, diba wala. Nanahimik nga yung tao, inaaway niyo pa" Galit na sabi ni Irene sa kanila

Hinawakan ko naman si Irene. Ayaw ko ng ganito. Hindi ako sanay sa ganito. At hindi ako masasanay sa ganito. Kahit madami ng umaaway sa akin

"Irene" Naibulas ko na lang

"Ako sayo Cassia, layuan mo ang Elites pati na ang The Reapers. Hindi ka bagay maging kaibigan sa kanila dahil mahina ka lang. Magiging pabigat ka lang sa kanila. At pwede ba, wag mong lalandiin ang tatlong prince pati na si Troy at Jared" Inis na sabi sa akin ni Madelyn

Madelyn Mitchell #3 na may ayaw sa akin

Napayuko na lang ako. Dahil ang sakit niya magsalita. Ako? Nilalandi sina Hamish, Vaughn, Grey, Troy at Jared? Hindi naman ako malandi. Bakit ang bilis nila manghusga? Kaibigan ko lang naman sila

"Pwede ba, wag na wag niyong pagsasalitaan si Cassia ng ganyan. Hindi niya nilalandi ang tatlong prince pati na sina Troy at Jared" Galit na sabi sa kanila ni Irene

Mas lalo ko naman siya hinawakan para kumalma. Mahina talaga ang puso ko pagdating sa ganito

"Wag kang patawa Irene. Malandi ang babaeng yan. Mahina na nga malandi pa" Sabi ni Camilla

Illus Academy: Land of Magic (The Rebirth Of A Goddess)✔(Under Major Editing)Where stories live. Discover now