HySE <3 15. The Graduation and Fiancee

Start from the beginning
                                    

"Ang yaman pala nila talaga." Napatingin ako kay DM, Nel, PJ, at Kuya, sabay nila iyong sinabi.

"Tara pasok na tayo." sabi ni TJ na dala na ang bag ko. Sinubukan ko itong kunin pero ayaw niya ibigay. naglakad na kami papasok.

"Ang galing siguro ng dumisenyo ng bahay na ito noh?" sabi ni DM sabay hawak sa pader ng bahay. Tama nga siguro si DM, ang ganda kasi ng pagkakagawa.

"Sino ba dumisenyo nito??" sabi ni Nel at tiningnan niya si TJ, pinandilatan lang siya nito.

"Si mommy ang gumawa ng disenyo,." Napatingin na naman kami sa nagsalita. Yung babae kahapon at yung lalaki. Sa pagkakaalala ko si Beanca at Jacob sila.

"Mommy mo?? Magkaano-ano kayo ni Baby Jazz??" tanong ni ate Che, tama nga pala wala siya kahapon. Tumingin lang si Beanca kay TJ.

"Ako nga pala si Jacob, kaibigan niya." sabat ng Jacob nakipagkamay siya kay Ate at Kuya.

"Ryan." sabi ni kuya.

"Cheska." sabat ni ate. "So, kaano-ano niyo si Baby Jazz?"

"Kap-

"Kaibigan." Di natapos ni TJ ang sasabihn niya dahil sumabat na si Beanca ng di tinitingnan si Cheska. "Pamilya namin nagmamay-ari ng plane na sinakyan niyo kanina." sabay tingin niya kay Ate at ngumiti. "Ako nga pala si Beanca."

"Kuya, akyat na muna kami sa mga kwarto namin. Bianx, Jhake, maiwan na muna namin kayo." Nakangiti sabi ni PPJ. Para namang alam na alam na nito ang pasikot sikot sa bahay. Sabagay, kaibigan ni TJ si Beanca. "Tara na mga tol!!"

"Akyat na muna kami Beanca, Jacob." umalis na nga kaming anim.

==================================================================================

"Jazztine's POV"

Umakyat na sina Drey, mabuti na lang sinalba na naman ako ni RJ. Sasabihin ko na sanang ang tunay na relasyon namin ni Beanca kaso, umepal siya. Di ko na yun kasalanan!

"Labas lang kami Kuya." tumalikod na siya sa akin. Nakokonsensya naman ako, pakiramdam ko pinapahirapan ko siya.

"Bea!" sigaw ko. Mas mabuti sigurong kausapin ko na siya ngayon. Lumingon naman siya sa akin. "Jake, pwede mo muna ba kaming iwan?"

"Sure." sagot naman ni Jacob. "Bei, labas na muna ako." umalis na siya.

Tahimik lang kaming dalawa, umupo na ako sa sofa dito sa sala, sumunod naman siya. Tahimik lang kaming dalawa na parang nagpapakiramdaman sa isa't-isa.

"May sasabihin ka ba?" tanung niya sa akin. Aba!! Hindi ata marunong gumalang tong batang eto.

"Ilang taon ka na ba??" Tinaasan niya lang ako ng kilay niya. Antaray!! "Sa pagkakaalam ko kasi mas matanda ako sayo. Learn to call me Kuya from now on."

"Tsk. I'm always calling you that pero binabalewala mo lang!" Napayuko naman ako sa sinabi. Totoo, kuya talaga tawag niya sa akin simula noong nagkita kami.

"Pasensya na Bei. Medyo, naninibago lang ako. Masakit pa kasi eh." Masakit pa rin kasi yung mga nalaman ko. "Sana, bigyan mo pa ako ng kahit konting oras para maghilom yung sugat."

"Kung nasasaktan ka, nasasaktan na rin ako. Masakit para sa akin ay ibalewala mo. Ilang taon kita hinanap tapos ito lang ang makukuha ko?"

"Wag kang mag-alala, bukas magagampanan ko na tungkulin ko sayo." niyakap niya ako matapos kung sabihin yun at ganun rin ginawa ko. "I'm sorry Bei."

"Promise yan ha??" Sabi niya, tumango lang ako at ngintian siya. "By the way kuya, she's watching us."

"Sino??" Lumingon ako sa paligid, wala namang tao.

Happy yet Sad Ending [HySE &lt;3 KathNiel]Where stories live. Discover now