HySE <3 15. The Graduation and Fiancee

Start from the beginning
                                    

"Ingat kayong dalawa sa byahe. Tumawag kayo pagkarating niyo doon." sabi ni Ate Che ng nagannounce na malapit ng lumipad yung plane.

"Tian, Tine, itext niyo sina tito at tita pagdating niyo. Magpasundo kayo." sabat ni Kuya Ry, para namang bata pa itong dalawa kung pagsabihan ooh.

"Ingatan mo si Tine, tol.. Congrats ulit sa inyo." sabat naman ni Nel. Hindi na sumama sina nanay sa amin.

"Kayong dalawa, text niyo kami minsan ha," sabat naman ni DM.

"Ikumusta niyo na lang kami sa mga tanawin dun." Isa pa itong si PJ.

"Pano, alis na kami. Ate, ingat ka dito ha, text ka lang pag mayproblema." sabi ni Tine at sabay yakap sa akin.

"Hoy ikaw Kuya Jazztine, pag si ate umiyak dahil sayo, ipapatapon ka talaga namin sa ilog PASIG!!!" sabat naman ni Tian at niyakap na ako.

"Makakaasa kayo bro. Atsaka, bago niyo ako matapon, mapapatay na ako nina Darwin at Arnel." saad ni TJ.

"NAMAN!!!" sigaw nung dalawa.

"Kayo talaga. O sige na, ingat kayo ikumusta niyo na lang ako kay mommy at daddy. Congratz ulit." umalis na nga silang dalawa, kami naman ay lumapit nasa plane namin.

"Tara, pasok na tayo." saad ni TJ pagkarating namin sa plane. Bakit kaya ang tahimik dito at walang mga sumasakay na tao?? Pumasok na naman kami. Inalalayan ako ni TJ. Si TJ, DM tatluhan kasi, at Nel ang magkakatabi. Ako naman at si PJ. Si ate at kuya syempre. Kami lang pito dito sa plane.

"Bakit tayo lang ang andito??" nagtanong na si Ate. May napapansin ako sa plane namin. Hindi siya yung pampasahero. Private Plane ba ito???? Hindi lang kami sinagot nila. Pinagpalit pa nga kami ng upuan eh. Ako at Ate Che na ang magkatabi. Mukhang may alam na rin si Kuya.

"Seat belt na kayo, lilipad na tayo." biglang nagsalita ang stewardess. Lilipad??? Eh kami palang ang sakay eh!!!

"PRIVATE PLANE BA ITO???" sabay naming tanong ni ate. Hindi pa rin kami sinagot nung limang lalaki. Lumipad na nga ang plane.

"Hoy TJ!!!" sigaw ko na naman ulit habang lumilipad na kami.

"Bakit Drey??" sigaw niya sa akin pabalik.

"Palit kayo ni ate, may pag-uusapan tayo." sigaw ko na naman sa kanya. Nakita ko na siyang tumayo at lumapit sa akin. Si Ate Che naman lumipat na rin. Umupo na si TJ sa tabi ko. "Kanino itong plane?"

"Akala ko naman sasagutin mo na ako." sabay smirk niya. Iba talaga dala ng ugali nung DM at Nel na yun.

"Umayos ka nga Jazztine!!! Niinis na ako!!!." Naiinis na talaga ako. Sumeryoso naman ang mukha niya. Siguro dahil Jazztine na tawag ko sa kanya.

"Promise, sasabihin ko na talaga sayo laha-lahat bukas. Please, wag ka na mainis sa akin." Seryoso na ang mukha niya. Ok fine, basta siguraduhin niya lang na sasabihin na niya sa akin bukas.

"Fine. May isa pa akong tanong, kaano-ano mo si-

"We are here!." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil lumapag na kami. Agad na lumabas na yung lima, ako na lang at TJ ang naiwan. Tumingin ako sa labas.

"TJ, hindi naman to sa airport eh." napalingon ako sa kanya, inilalahad na niya ang kanyang kamay para tumayo ako. Tinanggap ko naman ito at lumabas na kami ng plane.

"Salamat po." sabi ni TJ sa piloto at umalis na ito agad.

"Wow, laki naman ng bahay na yan!!!" Sigaw ni ate Che sabay turo sa bahay na nasa harapan namin. Hindi lang ito basta bahay, isa itong MANSYON!!!!!!

Happy yet Sad Ending [HySE &lt;3 KathNiel]Where stories live. Discover now