HySE <3 14. Ako na lang!

Mulai dari awal
                                    

"So, ano na plano?" panimulang tanong ni Ate.

"Vacation tayo next week?" sagot naman ni DM. "Diba yun yung usapan niyo ni Bambina, Jazz?" Tumango lang kami ni TJ, habang kumakain.

"Venue??" tanong naman ni Kuya. Saan nga ba maganda?? PPero sabi naman ni TJ siya daw bahala eh. 

"Samal Inland Resort. What you think?" Suggestion ni Nel.

"Okay lang naman kung Samal?? Kaso mas okay siguro kung mas malayo." suggestion ni PJ. Tama nga naman, one week kami magbabakasyon tapos sa Samal lang pala?? Malapit lang yun dito eh.

"Sa Resort niyo na lang kaya sa Digos, Nel??" suggestion ko naman. may resort kasi sila sa Digos eh. Medyo tumango naman sila maliban kay TJ na parang my iniisip pero patuloy parin sa pagkain niya. "Hoy TJ, magsuggest ka naman!"

"Ah,.. eh... Boracay na lang tayo." sabi ni TJ. Teka??

"BORACAY??" sabay-sabay naming tanong maliban sa kanya, syempre dahil siya ang nagsuggest. Tumango lang siya.

"Ang layo naman ata nun. Malakilaking pera kailangan natin para makapunta doon noh." Sumabat na si Kuya Ry. Hindi naman sa minamaliit ko sina TJ at PJ ha, pero, sa pagkakaalam ko di sila ganun kayaman eh. Average ang status ng family nila, paano sila makakagastos para lang magbakasyon??

"Don't worry, I'll pay everything. Ako na bahala. Sa bahay, pagkain, beach, at kung ano-ano pa." Woah, kung makaasta naman ito parang ang yaman-yaman. Ang sama ng nagiging epekto ng pagsama-sama niya kina DM at Nel.

"Excuse lang TJ ha, pero ang laking pera nun, saan ka kukuha??"

"Bambina, hayaan mo na lang siya. Tutal gusto niya naman gumastos eh." nagsalita na si DM. Nagngitian lang sila ni TJ.

"Atsaka, mas masaya yung Bora kesa sa resort namin noh!!" nakangiti ring sabat ni Nel. Nagsitanguan na lang sila. Si TJ, tinap lang ako sa balikat.

"Okay, Boracay na tayo, wala ng tututol. Kailan tayo aalis??" sabat na ni PJ. Kailan ba mas magandang umalis???

"Any day basta wag lang bukas. Graduation nung kambal eh." sumabat na si Ate Che.

"Pwede kaya, bukas rin naman alis nung dalwa eh." Sabat ni Kuya Ry. Aalis agad yung kambal after their graduation dahil sa Manila yung handaan. Nagpaalam na naman ako sa kanila na di ako makakapunta dahil ako ang mag-aasikaso ng grades at clearance ng klase namin.

"Anong oras ba alis ng dalawa??" tanong ni PJ.

"1pm." ako na ang sumagot.

"So pwede na bukas??" tanong ni Nel.

"Di rin pwede. Ala pa kaya tayong plane ticket?" sabat ko na naman.

"Don't worry Drey, naayos ko na." napatingin ulit ako kay DM. Hawak-hawak niya phone niya. Napakamot na lang ako ng batok ko. Ang weird niya talaga ngayon.

"Ibang klase ka talaga bro." sabat ni DM. Napatingin na lang ako sa kanya.

"Ano oras ng flight tol???" sabat ni Nel.

"1:30" nakangiting sagot ni TJ. 

"Then it is final. Bukas at exactly 1:30 aalis na tayo para mag BORA!!!" excited na sigaw ni Ate Che at ymakap kay kuya Ry. May naremember na akoi!!

"Status niyong dalawa??" Tanong ko sa kanila. Napatingin lang sila sa akin. "Kayo na noh??"

"Okay, fine.. OO kami na. " sagot ni Kuya Ry. Napangit yung mga kasama ko pati rin silang dalawa.. 

Kwinento na nila sa amin kung kailan naging sila. Salty at Bitter pala tawagan nilang dalawa eh. Nagstay lang kami dito sa mall, I sa rooftop ng mall hanggang gumabi. Ang ganda-ganda ng view. Si PJ nauna ng umalis dahil may pupuntahan daw siya. Si ate Che at Kuya Ry umalis na rin dahil pupunta pa sa tindahan, di na nila pinasama si TJ. I'm now left with the three boys.

"So, ano uwi na rin tayo?" tanong ko sa kanila.

"Wag na muna. Wala naman ka namang gagawin sa inyo kaya wag kang magmadali." Tama naman si DM. 

"Princepessa, Jazz, we havve something to tell you." Sabi ni Nel matapos ng sikuhan nila ni DM. Ano na naman problema nila?? "Ayaw ko sana tong gawin kaso ayaw ka na namin pahirapan pa."

"Ha??" tangi kong nasambit.

"Nararamdaman naman namin eh. Nakikita namin kung gaano ka kasaya kapag kasama mo si Jazz. Alam rin namin na di ka niya kayang saktan, napatunayan na namin yun." Eh?? Pnagsasabi mo DM??

"Tol, di niyo naman to kelangan gawin eh." Isa pa itong si TJ. Ano ba??? Bat ang weird nilang tatlo??

"Jazz, gagawin namin to, di para sayo kundi para sa Bambina ko." Ano ba gagawin nila?? DM kailan pa ako naging iyo ha???!!!!

"Atsaka, wag ka na umangal, magpasalamat ka na lang." Isa pa itong si Nel. Sige ako na OP!!!

"Pero, sa oras na may ginawa kang mali, lagot ka sa amin!!" choros na sabi nina Nel at DM. Tumango na lang si TJ. Ano ba ito??

"Sige, sige.. Ako na OP dito!!!" sumabat na ako sa usapan nilang tatlo. "Baka nakakalimutan niyong tatlo na kasama niyo ako?? Baka gusto niyo naman magshare ng pinag-uusapan niyo???" tumawa lang silang tatlo... BALIW!!!!!!

"Bambina, I'll stop courting you na MUNA." Diniinan ni yung muna at tumingin kay TJ. Te-teka, ano raw yung sabi niya???? 0_0

"Ako rin Princepessa. Babalik lang ulit ako sa panliligaw sa oras na sinaktan ka NIYA!!!!" sabat rin ni Nel. O_O , mas lalo ng lumaki ang mata ko sa gulat, and it is all black!!! I already don't know what happen...

-The End!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!-

==================================================================================

==================================================================================

Sana ay nagustuhan ng mga mambabasa ang chapter na ito. Kahit na medyo nagiging O.A. na ay binabasa pa rin nila. Taos puso ko pong pinaaabot ang aking pasasalamat sa inyo.

Pleas LIKE....................VOTE...................Become a Fan..........at..................Add to Reading List....

Happy yet Sad Ending [HySE &lt;3 KathNiel]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang