HySE <3 14. Ako na lang!

Start from the beginning
                                    

nandito lang naman ako

At kung saan-saan ka pa naghahanap

nandito lang naman ako

Ako na lang, sana

Ako na lang, sana

Ako na lang, sana

Ako na lang, sana

Ako na lang......~

Natapos na rin akong kumanta at nag-bow na ako. Nagpalakpakan ang audience, mga kaklase ko, at mga nanonood na teachers.

"Very good Ms. Bautista. You never failed us." Tumayo na si maam. "I'll release your grades next week. You can go home now."

"Excuse me maam." sigaw ko. Bumaba na si mam ng stage kaya tumakbo ako palapit sa kanya. Next week kasi yung vacation namin eh, at kung next week release ng grades, ako dapat yung kumuha nun dahil ako ang Mayor ng class.

"Bakit Althea?"

"Eh, kasi po wala po ako next week maam eh." sabay kamot ko sa ulo. Lumapit na rin sa amin ni maam sina DM, Nel, Ate, Kuya, PJ, at TJ. Si Angel at PJ naghiwalay na naman kasi ulit, kaya sa amin sumasabay si PJ.

"Don't worry you can ask anyone from the class officers to get your grades from me." Tumango na lang ako. Sino naman yung uutusan ko eh, yung vice di kami okay??

"Althea." napatingin ako sa tumawag si Barbie. "Ako na lang kukuha ng grades natin next week."

"Talaga??" Si Barbie ang ex ni PJ. Siya ang P.I.O ng class namin. Tumango lang siya. "Thanks, Barbs."

"Salamat." sabat ni PJ. Ngumiti lang si Barbs at tumalikod na sa amin.

Dumiretso na kami sa mall. Sa resto ko sana gusto kaso, ayaw nila kasi nakakabagot daw doon. Nandito kami sa isang food chain dito sa rooftop ng mall. Fries lang at Float ang inorder naming pito.

Nakaupo lang kamin nina TJ, DM, at Nel dahil sina Kuya, Ate, at PJ na ang kumuha ng food namin.

"Jazztine??" napatingin kami sa nagsalita. Isang babae na parang kaedad lang namin o mas bata pa, at isa ring lalaki. "Ikaw nga!!"

"Ay hinde, hindi. Picture ko lang ito." sungit naman agad ata nitong si TJ. Problema niya??

"Pilosopo." nakapout na sabi nung babae.

"Ipakilala mo naman kami sa kasama mo tol." sabat ng lalaki..

"Bat di ikaw ang magpakilala, wala ka bang bibig??" problema ba nitong si TJ??! Siniko ko nga, napayuko na lang siya.

"Init ng ulo mo dude ha. Hi I'm Jacob." Sabay abot ng kamay ng lalaki sa akin. Inabot ko naman.

"Ako naman si Beanca, kap-

"Kaibigan ko!!" sumabat na agad si TJ at di pinatapos ang babae. May kabastusan rin naman itong lalaking to, nahahawa na talaga sa dalawang ugok.

"Hello, I'm Althea, friend ni TJ." sabay abot ko ng aking kamay. Nakipagkamay naman siya sa akin pati na yung boy. "Si Darwin at Arnel, friend rin namin. Tapos yung iba naming kasama bumibili pa ng food."

"Kilala na namin sila." sagot ni Beanca. Ako na lang naman pala ang hindi nila kilala eh.

"Nice meeting you guys." sabi ni Jacob. "Dun na kami sa table namin."

"Sumabay na lang kayo sa amin." sabi ko.

"WAG!!" sabay na sabi nung tatlo, tumawa lang si Beanca.

"Wag na Althea, alis na kami." tumalikod na nga sila. Yung tatlo yumuko lang. Problema ba ng mga ito????

"Ito na food natin." sabay lapag ni PJ sa pagkain. Umupo na rin sila. Nagsimula na kaming kumain.

Happy yet Sad Ending [HySE &lt;3 KathNiel]Where stories live. Discover now