Ω Kabanata LXIII Ω Ang Agam-agam ni Pirena

Comenzar desde el principio
                                    

            Lakad-takbo ang ginagawa ni Anthony. Nais niyang mailigtas si Mira kahit di niya alam kung saan tutungo para iligtas ang diwani. Patuloy lang siya sa pagtakbo ng makaharap niya ang isang grupo ng mga bandido.

          "Tao sa loob ng Encantadia?" Sambit nito. Napangisi naman ang mga kasama nito
          "Wag kayong lalapit." Babala ni Anthony na itinutok sa mga ito ang espadang hawak.
          "Anong akala mo sa amin matatakot dahil sa espadang yan?" Pang-uuyan ng bandido na agad sinalakay si Anthony para gawing bihag.

          Agad naman na ipinagtanggol ni Anthony ang sarili kahit alam niyang wala siyang laban sa mga laki ng mga bandido. Hanggang sa nahawakan na siya ng mga ito at nasugatan sa kanyang tagiliran.
         "Arrghhhh!" Sigaw niya at nagpipilit pa din siyang kumawala sa mga hawak nito.

          "Sabi na sayo mortal makukuha ka din namin." Sabi ng pinuno ng mga bandido.

          "Ssheda! Bitawan nyo siya!" Nagulantang sila ng lumitaw sa harapan nila ang malaking ahas na wangis ng Bathalumang Ether.
        "Bathalumang Ether!" Agad na yumukod ang mga bandido at binitawan ng mga ito si Anthony na gulat na gulat pa din dahil kay Ether.

         "Magsi-alisan na kayo!" Sigaw nito na agad naman na sinunod ng mga ito at naiwan ang mortal na si Anthony na agad pinalibutan ni Ether.
        "Isa kang mortal ngunit may naaamoy ako sa iyong dugo...." Sambit ni Ether sa kanya. Kumunot naman ang noo ni Anthony sa sinabi nito at hinawakan ang espada na dala niya.

         "A-anong ibig mong s-sabihin?" Natatakot na tanong niya.
         "Naaamoy ko sayo ang dugo ng aking alagad!" Sambit nito
        "Ano?!" Tanong niya dito.

         Nag-anyong encantada naman si Ether at kanyang nilapitan si Anthony agad nyang hinigit ang damit nito at tiningnan ang likuran. Nagulat si Ether sa kanyang nakita. Ang tanda ng isang may dugong etherian ang balat na animo balat ng ahas.

         "May dugo kang Etherian..... Isa kang kalahating Etherian!" Sambit ni Ether habang humahalakhak siya. Agad na pumiglas si Anthony sa hawak ni Ether ngunit tiningnan siya nito sa mga mata.
         "Babalik ka sa Lireo at lilimutin mo ang lahat ng ito.... Na nagkita tayo..... At sa takdang panahon na kailangan kita, saka kita kukunin sa mga diwata para buhayin ang aking mga alagad na Etherian." Nakangising sabi ni Ether. Tumango naman si Anthony na nasakop na ng kapangyarihan ni Ether saka ito tumayo at naglakad pabalik ng Lireo.

          "Sa takdang panahon ang kalahating mortal at kalahating etherian ang siyang tutulong sa akin para ibangon muli ang Etheria!" Nakangising sabi ni Ether habang nakatingin sa naglalakad pabalik sa Lireo na si Anthony.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

               "Pashnea!" Sigaw ni Hagorn ng makita na nakuha na ni Danaya si Mira mula sa pinagapusan niya dito.
          "Sumuko ka na Hagorn.... Matatalo ka na namin!" Sambit ni Pirena.
         "Ssheda!" Sigaw ni Hagorn saka niya pinatamaan ng apoy si Pirena na ikinatumba nito. Nakita naman ito ni Amihan kaya agad siyang tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Hagorn at kanyang pinatamaan ito ng bolang hangin na ikinabagsak din nito.

          "Pirena." Sambit ni Amihan na inilahad ang kamay sa nakatatandang kapatid.
         "Amihan...." Gulat na sabi ni Pirena di niya akalain na tutulungan siya ni Amihan. Napayuko si Pirena at piniling tumayo mag-isa.

         "Mga ashtadi!" Muli ay sumugod si Hagorn sa kanila. Sinangga ni Pirena ang pagsalakay ni Hagorn samantalang tinadyakan naman at sinugatan ni Amihan sa muka na ikinaluhod ng Hari ng Hathoria.
         "Sumuko ka na Hagorn...nagagapi na namin kayo...at ang mga alagad mo nauubos na sila ni Ybrahim." sambit ni Amihan.
          "Tama si Amihan sumuko ka na kung ayaw mong tuluyan kayong maubos." Sambit naman ni Pirena.
         "Hinde!" Galit na sagot ni Hagorn saka ito tumayo at akmang sasaksakin si Pirena ngunit agad na tinulak ni Amihan si Pirena kaya siya ang nasaksak ni Hagorn.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora