EIGHTY SEVEN*KEN

2.4K 70 0
                                    

                            Alas dyes na ako nakarating sa bahay dahil sa traffic.Nadatnan ko si Inang na nanunuod pa ng tv at saka ako nagmano.Parang may gusto syang sabihin kaya inantay ko muna syang mauna magsalita at umupo ako sa tabi nya.
"Anak,Inaantok kana ba?Gusto mo ng pumasok sa kwarto mo?_Inang.Sinasabi ko na nga ba,may gusto syang sabihin sa kin.
"Hindi pa naman po Inang,May problema po ba?_AKO.
"Eh kasi,yung kapatid mo.Si Miggy..._Inang
"Ano pong tungkol kay Miggy Inang?May nangyari po ba sa kanya sa Baguio?Kailangan ng pera?_AKO
"Hindi sa ganun anak,Kasi hindi ba ang paalam nya sa akin may training sila duon.Pero nalaman ko lang ngayon,Buntis na pala ang nobya nya at nung malaman ng tatay ni Mariz,hindi na sya pinaalis sa bahay nila dun sa Baguio._Inang.
"Asan na po si Miggy nyan Inang?Kamusta daw po sila duon?_AKO
"Nasa Baguio pa din.Kailangan daw pakasalanan muna ni Miggy si Mariz at saka sya pwedeng makauwi dito sa atin._Inang
"Ano?Bakit ganun?Bawal yun ah.Pananagutan naman ni Miggy yung bata pero hindi kailangang pakasalanan agad agad._AKO
"Yun nga ang sabi ko,Pero ang sabi daw ng tatay ni Mariz sya ang kausapin tungkol duon._Inang.
"Ganun po ba,Sige po Inang ako na po ang bahala.Bukas na bukas din aakyat ako ng Baguio para kausapin ang pamilya nila Mariz.Para maiuwi ko na din si Miggy dito._AKO
Nakita ko kay Inang na para syang nabunutan ng tinik sa sinabi ko.Napangiti sya sa akin at saka lumakad na papunta sa kwarto nya.Bukas na bukas din,Wala akong choice kundi umakyat ng Baguio at puntahan si Miggy.

SM BAGUIO:Dito namin napagpasyahang magkita ni Miggy.
Nakangiting Miggy at Mariz ang sumalubong sa akin pag dating ko sa meeting place namin.Kasama ko naman si Kylie na bumeso naman kay Mariz.
"Ate! Buti nakarating kayo agad.Kala ko mamaya pa kayo after ng work mo eh._Miggy.Na yumakap sa akin.Alam ko nahihiya sya sa akin pero hindi ako nagagalit sa kanya.Sa aming magkakapatid,si Miggy ang pinakamatalino.Alam ko din na Responsable syang anak at kapatid,Nagkataon lang na iba talaga kapag tinamaan ka na ng pana ni kupido.Lahat hahamakin mo para sa Minamahal.
"Sympre naman malakas ka sa ate mo,Kagabi pa nga nyan gusto sanang pumunta na.Pinigilan ko lang kasi sabi ko sasamahan ko sya._Kylie
"Talaga ate Kylie?Salamat sa pagsama kay ate ha,Namimiss ko na nga sila ni Inang eh._Miggy
"Ate Ken,Sorry nga po pala sa problemang dinala namin ni Miggy sa inyo.Si tatay kasi,ang tigas ng ulo.Gusto kasal kaagad._Mariz
"Wag mong alalahanin yun.Akong bahala makipag usap.At saka hindi problema yan,Blessing yan.Ilang months na ba?_AKO
"Hahaha.Ang cute magbuntis ni Mariz sweetheart,look at her namumula mula yung cheeks._Kylie
"Ate Kylie talaga ba?Pero mas maganda kapa din,Pang model talaga.Mag ti three months na sya ate Kendra.Look,ang dami ng nakatingin sa atin,tayo na sa bahay!_Mariz
"Mabuti pa nga.Yan ang hirap kapag may famous kang kasama eh, di ka makapag lakad at makapamasyal ng normal lang._Ako
"Hahaha.Ate Kylie,mag cover ka na lang muna ng mukha mo.Dont worry ako ang bodyguard mo._Miggy
"Ay naku,yang si buntis ang alalayan mo.Hayaan mo yan si Kylie na paminsan minsan nahihila ng mga tao._AKO
"Grabe ka sa akin Sweety!Hmmmp!Sige wag mo na ko alalayan, kaya ko maglakad mag isa._Kylie.Nauna ng maglakad mag isa
"Hahaha.Ang cute ng ate Kylie nyo kapag nagagagalit noh?Kaya palage kong inaasar yan para mas maging cute pa sya._AKO. Tapos hinabol ko na nman sya at inakbayan papalabas ng mall.

"Sir,magandang tanghali po.Pasensya na kayo sa abala._AKO.
Andito na kami sa bahay nila Mariz at ang tatay nya ang mismong kaharap namin ngayon.
"Tay,Ang ate po ni Miggy.Si ate Kendra.At si ate Kylie naman po yung nobya nya._Mariz.
"Magandang tanghali din naman.Mabuti naman at naparito na kayo.Nasabi na siguro sa inyo nung dalawa ang gusto kong mangyari._tatay ni Mariz
"Opo.Kaya nga din po ako nagpunta dito para pag usapan natin kung anong magandang gawin para sa dalawa._AKO
"Gaya ng sabi ko kay Miggy,Ang nais ko lang naman sana ay makasal ang dalawa bago sila magsama._Tatay ni Mariz
"Kaya nga din po ako naparito Sir,Para na din sana pag usapan na muna natin ang para sa bata.Yung tungkol sa kasal,Hindi na po ba pwedeng ipagpaliban na muna?_AKO
"Madali nyong nasasabi yan dahil lalaki ang sa inyo.
Papano naman ang anak ko?hindi naman ako papayag na hindi sila makasal bago pa tuluyang lumaki ang tyan ni Mariz._Tatay ni Mariz
"Pero Sir,Baka naman po hindi pa handa yung dalawa sa buhay may asawa?baka naman after nilang magpakasal,magbago pa sila ng pananaw at hindi naman po kasi basta basta ang mapasubo sa pagpapakasal._AKO
"Hindi ako humihingi sa inyo ng magarbong kasal.Kahit sa Huwes lang papayag ako.Ang mahalaga,makasal ang dalawa sa lalong madaling panahon._Tatay ni Mariz
Nagkatingin na lang kami ni Kylie.Tumango tango sya sa akin na parang nag sasabing wala na tayong magagawa kundi sundin ang gusto ng tatay ni Mariz.
"Well,Pwede ko po ba munang makausap ang kapatid ko ng sarilinan?_AKO
Napatingin naman sila Mariz at Miggy sa akin.Tapos lumabas kaming dalawa ni Miggy para makapag usap.
"Ate,sorry talaga.Dahil sa akin nagkaka problema tayo ng ganito._Miggy
"Miggy,Its okey.Hindi mo kasalanan.Alam ko naman na nagmamahalan kayo ni Mariz.Isa lang ang gusto kong malaman sayo,Gusto ko sagutin moko ng bukal sa puso mo...Handa kabang Pakasalanan si Mariz?_AKO
"Ate,Alam ko naman hindi pa dapat.Kasi patapos pa lang ako,Gusto ko pa sanang matulungan si Inang.Gusto ko pa sana syang bigyan ng maginhawang buhay...Pero Mahal ko talaga si Mariz ate,Kaya kahit alam kong magkakaganito!Nagawa pa din namin yung bagay na hindi tama._Miggy.
"Wag kang mag alala kay Inang,Tuwang tuwa nga sya nung malaman nyang buntis na si Mariz,May baby na naman daw syang maaalagaan sa bahay.Kung sakali bang magpakasal kayo,saan kayo titira?_AKO
"Sympre ate,sa atin kami titira.Napag usapan na namin ni Mariz yun.Pumapayag naman ang tatay nya,Basta lang daw magpakasal muna kami.Ayos lang ba yun kay Inang ateh?_Miggy
"Mas makakabuti nga kung ganun,May makakasama pa si Inang sa bahay.At saka may tiwala ako sayo miggy,kaya alam kong magiging responsable kang asawa at ama sa bubuuin mong pamilya._AKO.
"Thanks ate.Sobrang thankful ako na ikaw ang ate ko.The best ka talaga._Miggy.Tapos umakap sya sa akin at saka napahikbi.
"Hey!Bakit ka umiiyak?Tigil mo yan,kakahiya sa Inlaws mo baka sabihin pulis na iyakin ang mamanugangin nila!_AKO
"Ate naman eh!Wag mo na kong kantyawan.Masaya lang ako.Atlis ngayon,okey na ang lahat._Miggy
"Pasok na tayo sa loob.Alam mo naman yang ate Kylie mo,Daming alam nyan.Baka mamaya,magulat na lang tayo may Judge na dito sa bahay ng mga Inlaws mo._AKO
After namin mag usap.Tinawagan ko agad sila Inang at Kian na sumunod dito sa Baguio.Susunduin sya nila MJ AT VM sa bahay kasama sila Mikee at Rhian.Sa hotel muna kami lahat tutuloy. Bukas na kasi agad ang Kasal nila Miggy at Mariz.Kapag nakapanganak na lang si Mariz at saka na sa simbahan ulit sila magpapakasal.

IM inlove with a LESBIAN (Lesbian Love) COMPLETEDWhere stories live. Discover now