Fortyone*KEN

3.3K 85 0
                                    

      After ng dalawang araw na bakasyon,back to work na naman kami lahat.Naging masaya naman ang huling gabi naming magkakasama.Bakit hindi sasaya,matagal kong nakasama si Kylie.Kahit sa pagtingin tingin lang sa maganda nyang mukha, kumpleto na ang bakasyon ko.Napangiti naman ako ng maalala ko ung bigla kong paghalik sa kanya sa shower room,hindi pa din sya nagbabago,ganun na ganun pa din sya magreact kapag nahahalikan ko..Parang ayaw na naming bumitiw sa isat isa.

"Naku ha,mukhang masaya ang araw natin?Naaalala mo siguro ung Boracay moments natin noh?_Charry.Hindi ko namalayan na nasa loob na pala sya ng opisina namin.
"Hahaha,hindi noh.Masaya lang talaga ang pakiramdam kapag galing sa bakasyon.Nakakawala ng stress._ako
"Well sabagay,kahit nga ako parang ang gaan gaan ng pakiramdam.Parang mas magnda siguro kung gagawin natin toh every weekends noh?_Charry
"Hahaha,wag naman.Baka mamulubi ako.Magastos din ang pag alis alis.Baka maubos ang savings ko._ako
"Ay Oo nga naman! Every month na lang pwede?hahaha_Charry
"Ikaw talaga,parang nag enjoy kana sa pagbabaksyon tlaga ha.anyways,i have to go na for my next class.Mauna na ko ha._ako
"Sige,sabay tayo umuwi mamaya ha._Charry.
Kumaway lang ako saka dumiretso na sa room na tuturuan ko.
Madalas na discussion ang gusto kong ginagawa pag nagtuturo ako.Ayoko ng puro lang ako salita,gusto ko makasigurado na nakikipag cooperate din ang mga estudyante ko.
After ng last class ko,dumiretso na ako sa parking area para kunin ang sasakyan ko.Gaya ng dati,naka abang na sa akin si Charry duon.Kumakaway pa syang akala mo naman di kami nagkita ng buong araw.Natatawa na lang ako sa kanya.
"Hi.Gusto mo ba mag dinner na muna tayo?Dont worry,treat ko._Charry.
"Wag na.Umuwi na tayo.Need ko pa mag laba ng mga sinuot natin nuon sa bora.Hindi ko kasi agad nalabhan pagdating natin dahil sa pagod ko._ako
"Ganun ba,sige sa ibang araw na lang.So pano,ingat nalang pauwi._Charry.
"Ikaw din,ingat sa pagda drive._Ako.tapos sumakay na din ako sa kotse ko pauwi.Sa totoo lang,di naman ako manhid para di maramdaman na may gusto sa akin si Charry,pero ewan ko ba...Wala akong maramdaman sa kanya kundi pagiging kaibigan lang.
"Anak,Sabihin mo kay Kylie na salamat ulit sa mga pasalubong nya ha._Inang.
"Bakit po inang,dumating naba si Kylie?Dumaan ba sya dito?_ako
"Uu,kanila lang.Nagulat nga ako dahil may kotseng pumarada sa harapan ng bahay natin.Tapos ayan,napakadaming pasalubong na dala._Inang.sabay turo sa mga tshirt,mga souvenir items at mga pagkain from Boracay.
"Sige po inang,sasabihin ko po na nagpapasalamat kayo.tatawagan ko nalang sya maya maya._ako
"Sige na anak,kumain kana.Ipaghahain kita._Inang
"Wag na po inang,manuod na lang po kayo ng tv dyan.ako na po ang bahala sa sarili ko._ako
Alam ko naman si inang,hindi yan basta basta uupo nalang sa isang tabi.Sigurado ako na maghapon na naman yang naghanap ng magagawa nya.Nakita ko din na ung mga labahan kong damit,nakasalansan na sa ibabaw ng kama ko at tapos ng labhan.Napailing na lang ako.Kaya ayaw ko nag iiwan ng labahan,kasi gagawin at gagawin talaga yun ni Inang.
"Inang,salamat po sa paglalaba sa mga damit ko.Kayo talaga,Nilalabhan nyo na nga ung mga damit ng mga kapatid ko,pati ba naman ung sa akin inaako nyo pa.Pero salamat po talaga inang ha_ako.sabay akap sa kanya.
"Naku,alam ko naman na pagod ka sa dalawang school na pinapasukan mo.Maanong kahit sa paglalaba manlang makatlong ako sayo.Saka may washing machine naman,di ako nahihirapan!hahahaa_inang
"Kahit na po,Ayoko na kasi yung kagaya kayo nuon na naglalabada pa para itaguyod kami.This time,gusto ko na parelaks relaks na lang kayo at di na hirap gaya nuon._ako
"Hahaha,hindi na kaya naglalaba yan si inang ng mga damit ko.Ako na naglalaba ng sarili kong damit ate!_Kian.Na kadarating lang from school.
"Dapat lang noh!At bakit ngayon ka lang?san ka na naman naglakwatsa?_Ako
"May orientation kasi sa school kanina ate,May guest speaker kaming isang resort tycoon,si Don Alex Samaniego.Nagkwento sya nang buhay nya,and guest what inang,si ate KYLIE pala ang anak nya!Mayaman pala talaga sila ate Kylie no ate?_Kian
"Naku,ganun ba?Aba'y napaka simpleng bata.Walang kayabang yabang.Para pa lang sila MJ at VM lang._Inang
"Mas mayaman pa sya kila ate MJ at ate Verna inang,kasi mas madami silang negosyo.Un ang kwento ng daddy nya eh._Kian
"Oo,tama ka nga dun Kian..Mas mayaman pa.Sa ibang bansa kasi madalas ung parents nya naka base,kayanmas malaki ang kinikita ng mga negosyo nila._ako
"Pero ate,mukha namang mabait ung daddy ni ate Kylie.Mapagbiro pa nga.Kaya lang,parang di sya ganun kapag naging boss mo sya,para kasing istrikto.Di kasi ngumingiti kapag kinakausap ng mga alalay nya._Kian
"Hahaha.Sympre naman anak.Dapat maging istrikto sya,mahirap kaya magpatakbo ng malalaking kumpanya._Inang.
"Syanga pala,tumawag kanina si Mickey..Bukas na lang daw sila sabay sabay na uuwi sa gabi pagtapos ng training ni miggy._Inang
...Nasa training camp kasi ngayon si Miggy.Nagkataong nagbabakasyon din sa Baguio ang mag asawa pagkababa ng barko ni Miggy kaya nasabay sa training ni Miggy na sa baguio din ginanap.After namin mag kwentuhan,nagkanya kanya na kaming pasukan sa loob mga kwarto namin.
Hindi agad ako naka tulog sa kwento ni Kian about sa father ni Kylie.Totoong mayaman sila.Napakayaman.To the point na handang gawin lahat ng ama ni Kylie,wag lang ako ang makatuluyan ng anak nya.Sino nga ba namang ama ang makakapayag na,lahat ng pinaghirapan nya para sa magandang buhay ng anak nya ay sa wala lang mapupunta dahil ako ang mas pipiliin ng nag iisang anak nya?Kilala ko si KYLIE..at kilala syang lalo ng ama nya.Kapag ginusto ni KYLIE,gagawin nya. Papano na nga naman si KYLIE kung ako ang piliin ng anak nya?ANUNG BUHAY NGA NAMAN ANG MAIBIBIGAY KO SA ANAK nyang nasanay sa KARANGYAAN,LUHO AT KASAGANAHAN.
At dahil di na din naman ako makatulog.Naisipan kong magbasa na lang ng Araling ituturo ko para bukas.Mas maige na tong may iba akong iniiisip kaysa naman mabaliw ako kakaisip kay KYLIE.
Nang mag uumaga na,naligo na ako ng mas maaga at nagluto ng almusal para sabay sabay kaming kumain.

"Aba ate,himala!Ang aga mo nagising ah!Nakapag luto kapa ng almusal! Mukhang inlove ka ah!_Kian
"Sira!Inlove ka dyan!hindi noh!Kumain ka na lang dyan.dami mong alam!_ako
"Inang oh,si ate aga aga ang sunget!Sige ka,tatandang dalaga ka talaga nyan!hahaha_Kian
"Kian,tigilan mo nga yang ate mo.Hindi yan tatandang binata este dalaga noh,tignan mo nga,naka ganda nya at napaka sipag pa.Maswerte ang mamahalin ng ate mo._Inang
"Naks naman inang!Sweldo ba ng ate ngayon kaya ang lakas nya sa inyo.hahahaha!Pero sa totoo lang naman talaga ate,swerte naman talaga sila pag ikaw ang naging girlfriend nila,mana ka kaya sa akin._Kian
"Asus!Nang uto kapa!Wag ka mag alala,sweldo ko nga mamaya at wala kang dagdag na allowance kasi palage moko inaasar!_Ako
"Ate naman,nagbibiro lang eh!Dagdagan mo na,may bibilhin akong bagong sapatos eh.hehehee_Kian
"Ayan,dyan ka magaling!Puro ka luho,Magtipid tipid ka nga,ang dami ng binibigay sa atin ng ate mo,wala na syang naiipon kakabigay sa atin._Inang
"Inang,wag po kayo mag alala.May savings po ako.Saka si Bunso na lang naman ang ginagastusan natin,si Miggy naman scholar kaya unti lang ang gastusin nya.ayos lang po yan._ako
"Yees!Bait talaga ng ate ko...Sa sabado ate ha,samahan moko bumili ng shoes._Kian
"Oo na.Basta mag aral kang mabuti ha.Wag ka na munang maggirlfriend!hahaha_ako
"Ate naman!Para girlfriend lang.Meron na kaya akong ka M.U._Kian
"Hoy,tumigil kang bata ka!Pag aaral muna yang asikasuhin mo.Ayoko pang magka apo sayo!_Inang.Sabay tawanan kaming tatlo.

IM inlove with a LESBIAN (Lesbian Love) COMPLETEDWhere stories live. Discover now