SEVENTY-ONE*KEN

3K 76 0
                                    

                  Sabi nila,kapag kasama mo ang taong mahal mo hinding hindi ka makakaramdam ng lungkot.Napatunayan kong totoo yun dahil nakikita ko si Kylie ngayong nakangiti at panatag.
Alam ko hindi ganun kadaling maka move on,pero alam ko din na hindi magtatagal,makakabawi din si Kylie sa lahat ng nangyari sa kanya.

"Sweetheart,ang galing mo kanina sa show ha.Lahat ng tao duon gustong gusto ka.Anu kaya ang sikreto mo noh,bukod sa kagandahan at kaseksihan sympre._ako
"Sikreto?Wala ako nun,pero meron akong lucky charm._Kylie
"Really?Aba,ipahiram mo naman sa akin yan sweety,ng pati ako swertehin din!_Ako
"Hahahha,di na kailangan noh!Ikaw kasi ang lucky charm ko.At hindi din kita pwede ipahiram kasi swerte ka din naman noh!_Kylie
"Ahahaha!Sabagay,swerte nga ng lucky charm mo.Gwapo pa! Pero teka,pano mo nasabing swerte din ako?_ako
"Sympre naman swerte ka din,kasi nasayo na ang pinaka magandang dyosa sa balat ng lupa.AKO!hahahha_Kylie
"Ayoon!Tama nga naman!Maganda nga.Swerte nga din pala ko. O sya,tara na at lalong lumalamig dito.Lakas ng Aircon!brrrrr!_ako
"Hahahaa.Sira! Tayo na nga,excited na kong makakita ng SAKURA FESTIVAL(CHERRY BLOSSOM SEASON) ._Kylie.Na hinatak na ako pasakay ng kotse nya.Sa apat na buwan nyang pag stay dito,nakabili na sya ng sariling sasakyan.At kahit na may dalawang buwan na lang syang kontrata,binabalak din nyang bumili dito ng bahay.
Gusto daw nyang may bahay kaming tutuluyan kapag nagbabakasyon at nag aasikaso sa negosyo.
Nakakamangha ang ganda ng view sa SHINJUKU GYOEN.At dahil andito kami sa Tokyo ito ang pinaka malapit na lugar kung saan makikita ang mahigit kumulang isang libong mga puno ng cherry at may isang dosenang ibat ibang klase nito.
Napakalawak ng parke kaya naman naisipan naming umupo sa isang damuhan duon para tanawin ang mga puno.
Tatlong klase ang garden dito.Ang Japanese landscape garden,
French garden at ang English landscape garden.
Napaka peaceful at napaka Calm ng atmopshere sa lugar.Hindi namin pinalampas ang pagsi selfie ni Kylie,para kaming mga bata na masayang nagtatawanan habang pumu pose sa camera.
"Sweety,ang saya lang noh?Kasama kita,tapos para lang tayong mga bata na namamasyal lang sa park kumpleto na ang araw basta magkasama._Ako.Nakahiga ako sa lap nya habang nakaupo naman sya sa damuhan.
"Oo nga sweetheart.Naaalala ko nga nuon,stargazing lang masaya na tayo eh.Minsan talaga libre lang maging masaya noh,Basta kasama mo ang taong mahalaga sayo._Kylie
"Sweety,hintay ka lang ha.Nag iipon lang ako tapos pakakasalan kita.Wag kang maiinip.Malapit na._Ako
"Sweetheart,Di naman ako nagmamadali.At saka may usapan tayo diba,kailangan ko munang mahanap ang tunay kong ina bago ako maging buo.Hindi din ako matatahimik hanggat di ko pa sya nakikilala._Kylie
"Ayan ka na naman.Malulungkot ka na naman nyan kapag palagi mo syang iniisip sweety.Naiintindihan ko yang pinagdadaanan mo,pero kailangan mo ding alagaan ang sarili mo._Ako
"Di ko lang kasi makalimutan talaga,pero pinipilit ko naman sweetheart.Kinakaya ko.Wag ka ng mag alala sa akin ayos na ko. Tama ka,hindi dapat huminto ng ganun lang ang buhay.Dapat ko ding isipin yung mga taong nag aalala din sa akin,lalo kana.Kita mo napasugod kapa tuloy dito.Bawas na naman yan sa ipon mo._Kylie
"Sino naman nagsabi sayong bawas ipon ko ang ginastos ko dito?
Ang mahal mahal pumunta ng Japan noh!_Ako
"Hahaha.Hindi ipon mo,e san nang galing aber?_Kylie
"Dun sa mga rich kid nating mga kaibigan.Nag ambagan sila para daw masamahan kita dito ng ilang araw._Ako
"Hahahha.Loko ka talaga!Ayaw mo mabawasan talaga yung ipon mo ha.Ang galing ah!_Kylie
"Syempre naman!Saka nabawasan na din ang savings ko talaga kaya wala na ko talagang ipamamasahe papunta dito.hahaha_Ako
"Oh bakit nabawasan?San mo ginastos?Baka naman may estudyante ka ng pinag aaral since prof ka sa college ah!_Kylie
"Seeetheart naman!Grabeh ka sa akin.Mukha ba kong sugar daddy?Haaaist!Basta may importante akong binili kaya nabawasan ang savings ko._Ako
"Anu nga?Bakit ayaw mo sabihin ha?Bahala ka dyan!_Kylie Na tumayo kaya nahulog ang ulo ko sa damuhan.
Napatayo tuloy ako ng di oras at hinabol ko sya.
Naglalakad sya na nakatingin sa mga cherry trees.Sa totoo lang, napaka romantic ng lugar na to.Kinukuhanan ko sya habang parang bata nyang sinasalo ang mga dahong nahuhulog mula sa mga cherry trees.Napakaganda talaga ng Mahal ko.Napaka swerte ko sa pagkakaroon ng babaeng bukod sa napakaganda na, napakabuti pa ng puso.Naaalala ko yung mga panahon na palage ko syang nilalayuan at pinagtatabuyan.Pinagsisisihan ko mang nagawa ko yun sa kanya,pero nagpapasalamat pa din ako na hindi sya bumitiw sa pagmamahal nya sa akin.
"Sweetheart...tingin ka sa akin!_Ako.Eksaktong paglingon naman nya saka may lumaglag na mga dahon sa puno at yun ang anggulong nakuhanan ko.
"Sweetheart lets go!Nagugutom na ko!_Kylie sabay hila sa akin papalabas ng park.
"Look at this pic sweety,ang ganda!Perfect shot.Pwede ko tong i print at gawing poster mo sa shop natin.Tamang tama naman yang suot mo,couple jacket natin.Ako ang nag finance ng mga pang couples na mga damit dun sa shop natin,mula sa shirts at jacket sinamahan ko na din ng caps at saka iba pang accessories._AKO
"Wow sweety ha,ibang level ka na ha.Bussinessman na,educator
pa!Baka mamaya nyan mas mayaman kana sa akin ah!_Kylie
"Hahahaha sira!Mahirap kang pantayan.Bituin ka kasi. Ako isang hamak na guro lang._Ako
"Asus!Mas nakakaproud maging guro anoh!Walang mga mayayamang negosgante kung walang mga  guro  na nagturo sa amin pano magbilang ng kayamanan.hahaha_Kylie
"Hahahaha.Sabagay!Sabi ko nga,The best maging teacher eh_Ako.
Nasa Fu-unji kaming dalawa ni Kylie. Dito sa Japan,madalas sa vending machine ka magbabayad ng kakainin mo.After naming mamili ng kakainin namin inabot na namin sa nagsi serve na chef ang print out ticket at saka inabot sa amin ang mainit init pang RAMEN,Ang TOKUSEI,TSUKEMEN,malapad ang noodles nito na may malinamnam na sabaw,may napakalambot na pork at nilagang itlog.May mga sikretong pampalasa din silang inilagay.Gamit ang kanya kanya naming chopstick,nag unahan kami ni Kylie sa pagkain ng masarap na noodles.
Halos gabihin na kami ni Kylie sa pag uwi sa partment dahil sa pag eenjoy naming mamasyal.
Magkasunod kaming nagshower at pagkatapos ay naghanda na sa pagtulog.Sa umaga kasi,nasa shop kami kung walang event si Kylie gaya bukas,tapos after lunch naman kami gumagala.
Sa linggo na ang balik ko sa Pinas kaya sinusulit lang namin ni Kylie ang mga araw na magkasama kami.
"Sweetheart.Tapos kana ba magbihis?Papasok na kasi ako._Kylie
Nagligpit pa kasi muna sya sa salas habang naliligo ako kaya naisipan kong sa room na magbihis at hindi sa banyo.
"Yes sweety,im done.Pwede kana pumasok._Ako.
"Hay salamat.Akala ko hindi kana matatapos eh!Kaw naman kasi, napaka manang mo,ayaw na ayaw mo mabobosohan ka.hahaaha
_Kylie
"Ah ganun ha!Manang pala ha.Sige patay ka sa akin ngayon.
Hindi kita patutulugin!_Ako.Sabay hatak ko sa kanya sa kama at nagtatawanan kaming bumagsak sa kama habang magkayakap.
Nagkatitigan kami habang nakahiga.Tapos unti unti,nilapit ko ang labi ko sa mukha nya.Sinimulan ko syang halikan sa nuo nya papunta sa cheeks nya hanggang sa mapupula nyang mga labi.

Woooooh!Matuloy naman kaya?Hahahaha.Si KEN ha,Marunong ng maging PILYO.Parang "NAUGHTY PROFESSOR"lang ang peg?


IM inlove with a LESBIAN (Lesbian Love) COMPLETEDWhere stories live. Discover now