Thirty seven *KEN

3.2K 76 0
                                    

      Natatamad pa akong bumangon dahil sa nainum kong alak kagabi,pero kailangan ko ng maligo at maya maya lang nariyan na sila VM at MJ para sunduin ako.Pa Bora na nga pala kami today,na sa totoo lang ayaw ko na sana sumama kaya lang nagkasubuan na...Ilang beer ba ang inubos ko kagabi dahil sa tindi ng sama ng loob ko.Imagine,may kasamang partner si Kylie sa Boracay.Kagabi pa sila andun,malay ko ba kung anu ng ginagawa nila duon!Hindi ko yata kayang makita si KYLIE na may ibang kasama bukod sa akin.Parang unti unting sinasaksak ung puso ko habang naiisip ko pa lang,tapos ang worst pa nun kelangan ko magpanggap sa harap nila na ayos lang ako.

"Anak,tapos ka na ba dyan?dumating na ang mga kaibigan mo,nakakahiya namang pag antayin sila ng matagal._inang
"Opo inang,tapos na po ako.Palabas na._ako.Mabuti na lang at mabilis lang ako kumilos.Baka ako pa ang maging cause ng delay  ng flight namin.
Paglabas ko,humalik lang ako kay inang at saka dumiretso na sa sasakyan ni MJ.Dala nya ang driver nya para ihatid lang kami sa Airport.Bumeso ako sa kanila including Mikee and Rhian na halata mong excited na sa pag alis namin.
"Hello Ken,asan na ung partner mo..ung Charry?_Rhian
"Hi din,sa Airport na lang daw sya mag aabang sa atin mas malapit na kasi sya duon._ako
"Ay okey,sya ngapala guys...sinearch ko ung boracay.Pagdating pala natin ng Kalibo,sasakay pa tayo ng Boat at saka Bus para makarating sa Boracay._Rhian
"Babe,wag kang mag alala..di tayo sasakay dun pagkababa natin ng plane..May naka abang na sa ating Chopper na susundo sa atin papunta ng KYSHA HOTEL._MJ
"Ganun ba?Iba talaga ang mayayaman noh,pa chopper chopper pa!Buti nalang kaibigan nyo si Kylie..Balita ko nuon sa pinsan ko aloof at mataray daw si Kylie,pero nung nakilala ko naman sya,mabait pala._Rhian
"Sympre,kapag di nya kakilala di talaga sya namamansin.Pero kapag kaibigan nya..Super asikaso kaya yun tapos palaging handang tumulong._Mikee
"Mukha nga.Dati kasi parang ayaw ko syang kausapin,para kasing may malalim sya laging iniisip,pero nung palage na natin syang nakakasama...Mabait naman pala talaga sya._Rhian
"Hahaha,kayong dalawa talaga.Di kayo nauubusan ng kwento anoh?Pero infairness,masarap pala ung ganito noh,May katabi kang mahal mo tapos magkahawak kamay lang kayong maglalakad lakad sa tabing dagat._MJ
"Alam mo MJ nagka gf ka lang ang baduy mo na! Samantalang nuon,wala kang ginagawa sa Bora kundi magstay sa hotel at matulog lang,ngayon may balak ka pang maglakad sa buhangin ah!hahaha_VM
"Sympre naman!Kasama ko yata ang babe ko..Inggit ka lang kasi kami may plans ikaw lang ang matutulog maghapon!_MJ
"At sino naman nagsabi sayong matutulog lang ako dun aber? Magpa PARASAILING kaya kami dun!_VM
"Kami?meaning..okey na kayo ni MIKEE?_ako na napatingin din kay MIKEE.nakita ko naman na bahagyang namula si Mikee.
"Hahahhaa..Kayo ha!Mabuti naman at okey na kayong dalawa.Mahirap kaya ung magkasama kayo pero tinitiis nyo lang itago ang mga nararamdaman nyo sa isat isa.Ganun kasi ako nung lumayo ako kay MJ nuon..Sobrang iyak lang ako ng iyak gabi gabi mag isa.Wala naman akong masabihan dahil maliit pa ung mga kapatid ko._Rhian
"Babe,dont worry..Sa piling ko hinding hindi kana iiyak pang muli._MJ.tapos hinalikan sa nuo si Rhian
"Alam nyo,tigilan nyo na yang kaka PDA nyo.Naaalibadbaran ako.Di na kayo mga teenagers oi! Bumaba na tayo late na tayo sa flight.hahahaha._ako.Pero sa totoo lang,im so happy for both of them.Atlis ngayon,masaya na sila kapiling ang mga mahal nila...
Natanaw ko naman si Charry na kumakaway pa sa amin sa loob ng Airport(naka short syang black at hanging blouse na kulay pink)Isa isa na din kaming nagsipasok sa loob at inabot ang boarding pass.Ilang saglit pa,pababa na kami ng eroplano.Isang chopper nga ang nagsundo sa amin papunta sa Kysha hotel.May helipad sa tuktok ng hotel kaya eksaktong sa hotel ni Kylie kami bumaba.May dalawang nakangiting staff at tatlong bodyguards ang naka abang sa amin sa itaas para i guide kami sa baba.Isang VIP elavator ang sinakyan namin at pagbukas ng pinto,bumungad sa amin ang nakangiting si KYLIE na may kaakbay na isa ding lesbian na naka short,shades at hawaian Polo.

"Hello guys!welcome to Kysha hotel!_Kylie
"Hi Kylie...oh em gieeee!Ang ganda naman ng hotel mo,pang worldclass!Para namang kaming mga VIP's na sinalubong dito ng staff mo!_Rhian.sabay beso nilang lahat.Gaya ng dati,ako lang ang di makabeso sa kanya.haaaist.Ang ganda nya sa suot nyang simpleng white fitted shirt at saka sexy short na kulay dilaw.Bakit ganun,kahit simple o magarbong damit ang suot nya bagay na bagay pa din sa kanya.Dahil ba kasi modelo sya o dahil talaga lang na pinanganak na syang maganda?Hindi ko na tuloy napansin na pinapakilala na pala nya sa amin ung lesbian na kasama nya.Well,obvious naman na hindi nya boyfriend un pero infairness maganda ang tindig at saka confident.Maangas kasi ang dating.
"Ken,ang sabi ni Yohan nice meeting you daw!_MJ na siniko ako kaya bigla akong natauhan.Napasulyap naman ako kay VM na halatang nagpipigil lang sa pagtawa.
"Hah?ah eh,nice meeting you din sir._ako.sabay abot sa kamay nyang kanina pa ata nakalahad sa harap ko.
"Ayan,okey na.Tara na sa mga room natin.Gusto ko ng magswimming agad eh!_Rhian.
"Babe,mainit pa sa tabing dagat.Magpahinga na muna tayo.Saka di pa tayo nagla lunch oh,sige ka baka mamayat ka nyan!_MJ
"Hahahha,lunch lang mamamayat na agad?Sige na guys,Pasok na kayo sa mga room nyo.Ia assist kayo ng mga staff dito.Welcome and enjoy guys!_Kylie.Bago ako umakyat,lumingon na muna ako kay Kylie,nakita ko naman na inalalayan sya nung lesbian papasok sa opisina nya.Bahagya akong kinabahan,baka nga totoong boyfriend nya na yun.Masyado kasing touchy ung lesbian sa kanya kanina pa habang pinapakilala sya sa amin.
Hindi ko inaasahang lilingon din si Kylie sa akin at napansin ko ang lungkot sa mga mata nya habang nakakapit naman si Charry sa braso ko.Bigla ko tuloy dinistansya ang sarili ko kay Charry pero paglingon ko ulit,wala na sila Kylie sa paligid.
"Ken,Bakit naghiwalay pa tayo ng room?Sana nagshare na lang tayo.Nakakainip naman sa room na walang makausap._Charry
"Pasensya kana Charry,di kasi ako sanay na may kasama sa kwarto.Saka hindi din naman maganda tignan na kababae mong tao may lesbian kang kasama sa kwarto.Baka anu pa masabi nila.Mas okey na tong ganito._ako.Hinatid ko muna sya sa room nya bago ako patamad na humiga sa kama kung saan ako nakaassign.Pilit ko sanang itutulog ang nararamdaman kong pagod pero mukha naman ni Kylie ang nakikita ko pag pumipikit ako kaya nagpasya nalang akong bumangon at lumabas sa hotel para maglakad lakad.Mula sa baba ng hotel,matatanaw mo ang asul na dagat ng boracay.Pero bago ka makarating dun malayo layo pa ang lalakarin kaya nagstay na lang ako sa loob ng hotel dahil mainit pa.May mga naliligo pa din sa pool kahit katirikan ng araw.Sa kabilang pool naman,may mga batang nagkukulitan at nagtatawanan habang nagsu swimming.Maganda ang kabuuan ng hotel nila Kylie,Obvious na milyong piso ang ginastos nya dito para mas lalo pang mapaganda ang hotel.Sulit na sulit para sa mga turistang nagbabakasyon.Ilang saglit pa,kumakaway na sila MJ at VM sa akin para daw mag lunch na kami kaya nagpasya akong pumasok na din sa loob ng hotel.

IM inlove with a LESBIAN (Lesbian Love) COMPLETEDWhere stories live. Discover now